AARON'S POV:
Paglabas ko ng bahay nina Yna, hindi ko alam kung san ako pupunta, hindi ko alam ang gagawin ko para kahit papano mabawasan yung tampo nya. Kahit papaano mabawasan kahit konti yung sakit na nararamdaman nya.
Ang gulo ng isip ko, parang yung author lang.. parang kailangan kong mag effort talaga ngayon, hindi na uubra yung paawa effect.. nasaktan ko talaga sya, gusto ko sanang umuwi sa amin at ayusin yung problema ko, pero kailangan ko munang bumawi kay Yna.
Andito ako ngayon sa may Plaza, ang gay.. ang laki laki kong tao nakatambay ako dito.. puro estudyante na nagdadate yung nakatambay dito. Wala naman kasi akong lugar na alam dito sa Batangas baka magkanda ligaw ligaw pa ako dito.
Wala talaga ako maisip, ang hirap pala na hindi sanay manuyo ng babae. Kainis naman. Tumitingin lang ako sa paligid. may mga balloons, tas may stall pa na nagtitinda ng bulaklak. Ang corny naman kung yun yung ibibigay ko di ba??
Napatingin ako sa isawan, wag nyo isipin na yun yung ibibigay ko.. adik na tlaga ako nun..
naisip ko lang masya sana kung kasama ko si Yna na kakain dun.
Napatingin ako dun sa isang building na malapit sa Plaza. Dali dali akong pumunta dun. Yun lang naman ang pinaka maganda kong ibigay sa kanya eh.
YNA'S POV:
Malapit na kaming mag dinner wala pa din si Aaron, ewan ko baka umuwi na sya. Walang text o tawag, ayaw ko na munang umiyak ulit, naubos na ata kanina.
Ayaw ko naman ipakita dito na hindi ako ok, kakauwi ko lang tapos makikita nila ako na ganito, banggag..
Nakaupo na kami para sana kumain, ayaw ko sana talagang bumaba kaso lalo naman silang magtatanung, eh ayaw ko mag kwento.
BINABASA MO ANG
FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]
Romanceang hirap pigilang mahalin ang isang taong matagal mo ng mahal.. epal na utak.. takot na puso..