chapter 4:

314 15 2
                                    

Robbie's pov

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at pasimleng tiningnan ang katabi ko. seryoso pa rin siya habang nasa harap ang laptop niya. Halos tatlong araw na kaming ganito. Simula nung tinanong ko kung bipolar siya at batuhin niya ako ng remote control ay hindi na kami nagpapansinan. 

Paano hindi man lang siya nag sorry sa ginawa niya. Buti na lang at medyo wala na yung bukol sa noo ko. 

Kinuha ko yung remote at binuksan ang tv. 

"awkward." bulong ko.

"sorry sa ginawa ko." ani ni alex

Tiningnan ko siya pero nakaharap pa din siya sa laptop niya.

"sorry." sabi niya ulit at tumingin sakin.

Inirapan ko siya at tumalikod ako sa kanya. 

" If you don't want to accept my apology it's ok. At least nakapagsorry na ko." sabi niya.

humarap ulit ako  sa kanya pero nakatutok na siya sa laptop niya. 

"anong ginagawa mo?" usisa ko.

"just some unfinished business." kibit balikat niyang sabi. 

 "ano nga?"

Hinarap niya sakin yung laptop niya. Nilapit ko pa ng konti ang mata ko pero tama nga ang nakikita ko, pero number and letters.

Napangiti siya ng makita ang reaksyon ko. 

" ano yan?' 

"I told you, some unfinished business, actually computer programmer ako. mahilig kasi ako sa mga pinag iisipan na mga bagay. i like creating new stuff on computers." paliwanag niya.

"computer programmer ka? eh di ba business management ang course mo?' usisa ko. 

"have you ever heard of a word online course? dun ko nakuha yung programming skills ko. " nakangiti niyang sabi.

" ok , ikaw na ang madaming course."

" paano mo nahulaan?" tanong niya.

"ano? huwag mong sabihing may iba ka pang tini take na course?" gulat na usisa ko.

"yup, aside from business management, kumuha din ako ng engineering, then i'm planning to take up nursing o di kaya medicine."

"ang taba naman ng utak mo." mangha kong sabi. kung ako yun hindi ko kaya yung ginagawa niya.

"it's just a matter of choice, kung gusto mo talagang matuto at malaman ang mga bagay bagay, you can always study them. Ako kasi i don't stop learning, hangga't meron akong mga bagay bagay na hindi alam i would study them." paliwanag niya.

robbie chen love story (fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon