chapter 1

807 20 1
                                    

A/N : dahil mahal na mahal ko si robbie chen, ginawan ko siya ng fan fic. sana po magustuhan niyo.......

Alexa's pov

nasa kwarto ako at abala sa pagbabasa ng manga na detective conan ng may marinig akong kalabog sa ibaba ng bahay namin. maya-maya ay may nagsalita,

"halughugin ang buong bahay! ang mga kwarto. baka andito na yung panganay na babae." sabi ng isang tinig.

nanlaki ang mata ko sa narinig. dali dali kong pinatay ang computer at hinanap ang cellphone ko. napamura ako ng mahina ng makita kong deadbat ito. naalala kong nalowbat nga pala ito sa kakalaro ko ng candy crush at nakalimutan kong i charge ito sa sobrang excitement na mabasa ang bagong update na episode ng manga na inaabangan ko. still ibinulsa ko pa rin ang phone ko at dali daling nagtago sa ilalim ng kama. maya maya ay may narinig akong yabag na papalapit. may pares ng paa na huminto sa harap ng kwarto ko.

"blue sneakers, imitation ng adidas." isip isip ko.

"walang tao boss, mukhang hindi pa dumarating ung panganay." sabi ng lalaki.

"good, good. gustuhin ko mang makita ng personal ang anak nila hindi pwede dahil blackbelter pala sa judo yun. maganda na ang sigurado." Ani ng tinawag na boss.

maya maya ay naglakad na paalis ang lalaki.

"mga magnanakaw." naisip ko.dahan dahan akong lumabas ng mula sa ilalim ng kama. dahan dahan akong naglakad papunta sa likod ng pinto. sumilip ako sa siwang at nakita ko sina mommy at daddy na nakatali sa upuan. ang kapatid ko namang si eric na anim na taon pa lang ay nasa sofa at iyak ng iyak. at natitiyak ko na kahit na magsisigaw pa siya ay walang makakarinig dahil ginawang soundproof ni daddy ang buong bahay namin. awang awa ako sa kapatid ko dahil kitang kita ko sa mukha niya na takot na takot na siya.

"shit.anong gagawin ko?" sa isip isip ko. pag bumaba ako at nagpakita siguradong wala akong maitutulong, at hindi yun makakabuti para sa kapatid ko. gusto kong umiyak pero alam kong hindi yun ang dapat kong unahin, kailangan kong gumawa ng paraan para maligtas sila.

"yung swiss knife na regalo ni ruru." naisip ko at dahan dahang bumalik sa kwarto at pumunta ako sa closet ko.

"axan ka na?" bulong ko habang hinahalungkat ang lalagyan ko ng mga libro. 

"yes!"sabi ko akmang lalabas na ko ng marinig kong may papalapit na naman na yabag. pinakiramdam ko ito at napansin kong dalawang pares ang paparating at mukhang papunta na naman sa kwarto ko.

"oh, dito na ko sa kwarto ng mga anak diyan ka na sa mga magulang." sabi ng isa.

"ulol, pagnanasaan mo lang ung mga picture ng panganay diyan eh. malas mo lang dahil wala dito." sagot na isa.

dali dali akong umakyat sa lamesa at inabot ang isang part ng kisame. hindi alam nila daddy na ginawa ko ng attic ang pagitan ng kisame at bubong. mabilis akong umakyat doon.

"ang extension sa room nila daddy." bulong ko at dahan dahan gumapang sa kisame. at dahil minsan na akong pumasok ng room nila gamit ang kisame madali akong nakarating doon ng walang ingay. sa banyo ako bumaba. dahan dahan kong binuksan ang pinto at hinanap ang isang magnanakaw, kasalukuyan itong naghahalungkat sa drawer ni daddy. mabilis ang naging kilos ko. pinulot ko ang baseball sa tabi at malakas na hinataw sa batok ang lalaki. isang malakas pa na palo at kita kong hindi na ito gumalaw. nakita ko agad ang phone at mabilis itong inangat pero walang dial tone.

"shit shit." gigil kong sabi. naupo ako sa kama at naiyak na lang ako. 

"God, help me please. please po." usal ko.

robbie chen love story (fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon