Sister President

89 2 0
                                    

Nang mga panahong iyon ay sobrang gulo ng pamamalakad sa buong bansa, kurapsyon, kaliwa’t kanang sugal, kahirapan at kadamutan.

“Diyos ko, bigyan nyo po sana ako ng mga senyales na dapat akong tumakbo bilang presidente ng bansang ito, madalas ko po kasing isipin ang bagay na ito at ngayo’y humihingi po ako ng tulong sa inyo”

Nakaluhod siya at nakapikit.

Nabali ang katahimikan nang tumunog ang kanyang cell phone,

“Hello?”

---“Hello, sister nasa 989 thousand na po ang signature campaign, malapit na po sa 1 million signatures kaya may pag-asa pa po tayong makapasok” wika ng babae sa kabilang linya na si Nina kastro, isa sa katiwala niya.

“Talaga? Diyos ko, mukhang sumagot na po kayo kaagad, salamat po”

Laman ng buong balita ang tungkol sa pangungurakot ni Benigna Aquitania, ang kasalukuyang presidente na kailangan nang palitan. Malaki ang ngipin, na may peso sign ang mata, iyan ang nakaguhit na kanyang larawan habang ito’y sinusunog ng mga galit na madla. Pinatay na ni Sr. ang TV bago umalis.

Sa isang Fast food chain naroon si Nina, makapal ang labi,

 Eima,pandak at parang bruha tumawa

at Gracia, Lesbianang gupit lalaki na walang hinangad kundi ang magkaanak

sila ay  mga katiwala ni Sister,  ang lumalakad upang siya’y maging ganap na presidente at gawin ang nararapat.

“Ako, kapag naging pangulo si Sr, papabawas ako ng labi ko”

“Ako naman, magpapaka overdose ako sa cherifer”

“At ako, magpapa sex change ako”

Sa gitna ng kanilang pagmumuni-muni, napansin nila ang kanilang kalaban na galing sa kongreso.

“Uy, tingnan nyo ang kalaban natin oh ang laki ng puwet” wika ni Gracia bago napangiti kahit walang ngipin.

Tumawa bigla si Eima na parang bruha, napansin iyon ni Senator Nerida.

“Ako ba ang pinagtatawanan nyo?” galit na sabi niya

Nanahimik sila lalo na si Eima,

“Ma’am, hindi po” sagot niya.

“Mabuti, sabihin nyo sa sister nyo hindi siya mananalo!” pagkatapos noon ay umalis na siya.

“Echosera ka, laki ng puwet mo sa personal” pahinang sabi ni Nina.

Lumipas pa ang dalawang araw, 100 na lang ang kulang at awtomatikong pasok si sister sa balota. Pasok sa indigenous area ang tatlo kasama na si sister.

“Magandang araw po, narito po kami upang hingin ang inyong suporta--- maaari ko po bang  asahan iyon?” wika ni sister

“Ah, kayo ho yung tumatakbong presidente”

“Ay, ganon nga po”

Kinamayan niya ito tapos sumigaw ,”mga kapit-bahay, narito si sister dalian nyo”

Sobrang daming tao ang nagpunta,

“Sister, ubos na po ang sopas” sabi ni nina

“Naku, magluto pa kayo”

Takbo si Gracia upang maghanap ng malaking kaldero. Si Eima naman ang nagdikit ng apoy at si nina ang naggayat ng mga lahok. Inabot sila ng 3 oras subalit tapos na ang kampanya.

Kinabukasan, ang resulta.

“Dyos ko, kayo na po ang bahala”

Top 2 : Nerida Balunbalunan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sister PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon