TWO Ü

3 0 0
                                    

 

"Talaga?? O-Ok lang ba sayo??" ^________^

 

"Oo naman. Baka kasi may mangyaring masama sayo, eh. Halika na?"

 

 

Sumunod na siya sa lalaking iyon papunta sa may posteng di kalayuan kung saan nakapark yung kotse niya. Tahimik lang sila sa kotse at nakikinig sa radio. Talagang di mapakali si Sapphire kasi nga parang umeepal yung tadhana sa kanya. Hawig na hawig kasi ang scene na to sa rising action ng story niya. 

 

Sa story kasi ni Sapphire which entitled nga pala 'I'm his love', na-trap yung babae sa isang abandoned building habang walang humpay ang buhos ng ulan. Hindi mapakali yung babae kasi nga nakakatakot talaga sa building na yun at sobrang lamig pa hanggang sa may dumating na isang guy at nagyayang ihatid siya. Sobrang gwapo at gentleman nung guy kaya naman pumayag yung babaeng magpahatid at---

 

 

"Miss, andito na tayo. Dito yung bahay niyo diba? Ito kasi yung address na bibigay mo sakin, eh".

 

Nagulat si Sapphire nang bumungad ang bahay nila sa may window ng kotse nung lalaki. Kanina pa kasi siya tulala at iniisip yung story niya. Nandito na pala sila sa bahay nila na siyang dahilan para matigil yung pagkwento ko sa story ni Sapphire -___- Oh well. Pinagbuksan nung lalaki si Sapphire at lumabas naman na ito.

 

"T-Thank you, ha? Naabala pa tuloy kita".

 

"Ah, hindi, Okay lang. Galing kasi akong practice ng Theater, eh. Pauwi na rin ako. Sige, Miss. Alis na ko, ah. Ingat ka at wag ka na ulit matutulog sa waiting shed, hahaha!"

 

"Hahaha! Sige! Thank you ulit!"

 

 

Nawala na sa paningin ni Sapphire yung kotse nung lalaking yun pero nakatingin pa rin siya sa kalsada. Nakangiti pa rin siya dahil nga na-sweetan talaga siya sa ginawa nung lalaking yun sa kanya. Teka, ano nga kayang pangalan niya at puro 'lalaking yun' ang tawag ko sa kanya?? Natanong na lang ni Sapphire sarili. Sa kamanghaan niya kasi dun sa lalaki, nakalimutan niyang itanong pati ang pangalan. Tae talaga >___<

 

Syempre pinagalitan lang naman si Sapphire nung nanay niya. Sino nga ba naman kasing matinong babae ang uuwi ang alas-onse ng gabi? Pero, sa ngayon, hindi na ininda pa ni Sapphire yung mga kung anek-anek na salita ng nanay niya dahil nga sa sinusundot pa rin siya ng kilig hanggang ngayon. Pagkatapos ng mahaba-haba ring sermon ng Nanay niya ay dumiretso na siya sa kwarto at humilata na doon. Ang daming nangyari ngayong araw, sabi nito sa sarili. Di na niya namalayang nakatulog na nga pala siya ng di pa nagbibihis at di pa pa nagtoothbrush.

 

 

 

"SAPPHIRRRRRE!" 

 

Binulabog agad siya ni Xela na kakarating palang. Heto na naman po tayo sa maingay niyang bestfriend -__- Binuklat-buklat na lang niya yung Physics notes niya dahil nga sa long quiz nila mamaya. Hindi nga kasi siya nakareview dahil sa walang patawad na antok sa utak niya. Pero, ok lang naman para sa kanya kasi nakita naman niya ang kawangis ni Adonis kagabi ^___^ Ayeeee... Kinikilig na siya, oh.

PS: Author's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon