Laking pasasalamat ni Sapphire at hindi siya na late sa klase. Kaso bago palang makatapak si Sapphire sa room nila ay nasalubong na niya ang makapanindig-balahibo't-ever-pahamak-sa-buhay na si Mrs. Quizon. Dahil nga don, alam na ni Sapphire kung ano ang gagawin niya: Ang magsunog ng oras sa harap ng isang gunggong na tulad ni Yui =__= Ngakalad na nga ito papunta sa favorite place niyang Physics Lab, note the sarcasm sana. Nadatnan naman niya si Yui na nakasandal sa may corner, sa may wall at nakapikit. Talagang kabisado na nito na sa Lab ang meet-up nila >_< Hay buhay, buntong hininga ni Sapphire.
"YUI! Uy, bangon na!" Tinadyak-tadyakan pa niya ito ng mahina para magising pero wala pa rin kaya napatitig na lang siya sa mukha ni Yui. Ang mukha niyang sobrang amo. Oo nga't may bandang totoo sa sinabi ni Xela na gwapong nilalang nga tong Yui na to, buolng nito sa sarili.
"BOO!"
"AHH! Nyeta ka, Yui! Pwede ba?! Simulan na nga lang natin. Tayo na dyan!"
Tumalikod na si Sapphire kay Yui at pumunta na ito sa table nila. Tumayo na rin naman si Yui kaso may naisip pa itong gawing kabalbalan na naman. Bigla na lang kasing nagsalita si Yui. Para itong may binabasa na di mo mawari. OH SHOCKS!!!! Pamilyar kay Sapphire kung ano yung binabasa ni Yui. Dahil don napaharap si Sapphire at akmang aakgawin niya yung papel na hawak ni Yui, kaso maliksi si Yui kaya naiwasan niya si Sapphire. At nagsisimula na naman po ang pagsbog ng Hiroshima the second T_T
"HOY! San mo nakuha yan,ha?!!"
"Tanong mo sa lelang mo! Mwahahahaha!! BURARA!"
"Hindi ako burar---OMG?! Nakuha mo ba yan dito?!"
Hawak kasi ni Yui ngayon ang isa mga drafts ni Sapphire. Yun pa man din yung intro. Tinuloy pa lalo ni Yui ang pagbasa, makapang-asar lang. Habang pilit pa ring inaagaw ni Sapphire yung draft niya. Medyo korny kasi yung part ng introduction kaya praning na inaagaw na ni Sapphire yun kay Yui. Well, nahihiya na siya. Nangangamatis na naman si Sapphire. Namumuro na talaga sa kanya tong Yui na to. Lamang na lamang sa screboard nila >_<
"Hahaha! *abot ng papel* Oh! Hahahaha! Grabe lang! HAHAHAHA!"
"Masaya ka na niyan?! Bigti ka na nga!! GRRRRRR!! Upo!"
Automatic namang umupo si Yui nang nakatawa. Talagang walang sawa ang Yui na tong pahiyain at pagtawanan si Sapphire. Tinago na lang ni Sapphire yung draft sabay hampas nang buong lakas sa braso ni Yui. Galit na talaga siya. Pati yung sobrang pagpapahiya niya sa kanya nitong isa't kalahating tsonggo na to, di niya mapapatawad.
"A-ARAAY! OUCH! Ano ba?! Para sa'n yun?!"
"G*go ka kasi, Sir!! Mag-aral na nga lang tayo!"
"Eeehh.. ayaw. Hindi ako mag-aaral. Nacheck mo na ba yung quiz ko??"

BINABASA MO ANG
PS: Author's Love Affair
Romance"Sa mundo ng panitikan at pasusulat, ako ang Diyos. Ako ang 'Manlilikha'. Ako ang may hawak ng hininga sa bawat tauhan ng kwento ko. Ako lang ang may awtoridad na kumuha ng buhay o magbigay nito sa kanila. Salita ko ang batas. Ako ang may karapatang...