THREE Ü

2 0 0
                                    

"Uy, tangangers ka, Sapphire! Di ba kanina ka pa pinapatawag ni Ma'am Quizon?!"

"SH^&#^T! Onga, noh?! Hala, Xela! anong gagawin ko?! Tae, baka ma-expel na ko! ALAAAAHH!!"

*PAKKK!

"ARAAY! Put-- Joke lang, OA ko lang yun. Sige na una ka na umuwi. Next na lang tayo sabay, sisihin mo na lang bukas si Ma'am Quizon".

"Oo na, oo na. Naging sikat na writer ka lang, ganyanan na agad, HAHAHAHA! JOKE LANG, baka lumaki ulo mo! Osya, lumakad ka na nga!"

Tapos na ang paalamanan session nila ni Xela kaya naglakad na siya papunta sa may Physics Lab. Letche, antanga niya din, eh. Kaninang lunch pa siya hinahanap nung prof nila tapos ngayon uwian lang niya binalak magpakita. Dulot din yata yan ng kasiyahan niya, eh. Medyo natatakot nga siya habang palapit sa Lab kaso malakas ang saya niya para sa mga negative aura.

"Ma'am Quizon?? U-Uhmm... M-Ma'am, sorry kung ngayon lang, ah. Busy kasi kami sa subject before lunch, eh. Nag-extend pa kami. Ano po ba yun---"

"AREN'T YOU LISTENING??!"

Napataas ng wala sa oras yung kilay ni Sapphire. May kausap malamang yung bruhildang Mrs. Quizon na yun. Hindi niya eksaktong makita yung prof niya pero nakita niya kasi na may anino sa wall katapat nung table nito kaya nakakasiguro siya. Nasa labas kasi siya ng Lab. Nga lang, nag-aalangan siyang pumasok. Baka kasi nakakaistorbo siya, eh. Lumapit siya konti para sana tignan. Napansin niyang may lalaking nakaupo sa tapat ng table ni Ma'am Quizon.

"MAKINIG KA NGA KASI! GROW-UP, MR. HIDALGO!! IKAW LANG ANG MAY SPECIAL TREATMENT DITO, CAN'T YOU SEE??"

"Ma'am, may tao, oh?"

Napatingin naman si Ma'am Quizon sa direksyon ni Sapphire at sinamaan ito ng tingin. Lagot kang bata ka, pabulong ni Sapphire sa sarili. Parang gusto niya namang sapatusin ng stilletos tong lalaking nakaupo sa harap niya. Tinuro kasi siya nung lalaki kaya napatingin sa kanya si Ma'am Quizon. Teka... yun din pala yung lalaking kausap ni Mrs. Quizon nung Physics quiz nila, yung nakalollipop. Mainam niya na lang na tinignan ang prof with matching puppy eyes pa.

"Oh, ba't ngayon ka lang, Ms. Adriano?! Kailan pa naging lunch ang dismissal??"

"Busy nga sa subject niya before lunch, diba?? Tss". Napatingin naman si Sapphire nung pabulong na sabihin yun nung lalaking Mr. Hidalgo ata yung pangalan. Pabulong pero enough na para marinig niya. So, narinig pala nung Mr. Hidalgo na yun yung sinabi niya kainina nung papaok siya? Err. Ang laki naman atang bastos nitong batang to, noh?? Napataas ang kilay ni Sapphire sa lalaki.

"What did you just say, Yui?"

"Wala PO, Ma'am. May bisita pa yata kayo, eh. Aalis na lang ako".

"NO! You'll stay!!"

Halos masubsob naman si Sapphire sa sigaw ng prof niya na yun. ERMERGERD lang, ha. Sa tanan naman ata ng World History ngayon lang nagalit ng ganun si Mrs. Quizon. Imba naman tong Mr. Hidalgo na to, nasabi ni Sapphire. Kahit tumindig lahat ng balahibo ni Sapphire maging sa kilikili, minanage niya pa rin na magconcentrate sa sinasabi ng prof. Talagang takot na siya :OOO

"OK. Ms. Adriano, I want you to be Mr. Hidalgo's personal tutor sa Physics starting tomorrow, clear?!"

"SIYA? Bakit naman siya? Magaling ba yan sa Physics??"

"Shunge. Malamang! Kung di ako magaling sa Physics, ba't sa tingin mo ipapatutor ako sayo, dib---- WHAAAAT?! ANOO?! A-A-Akooo? *turo sa sarili* As in, AKO, Ma'am?! BA'T AKOO??"

Napabalikawas pareho si Mrs. Quizon at yung lalaki sa sigaw nitong si Sapphire. Hindi siya makapaniwalang siya pa pinili nitong gurangers nilang professor. Isa lamang siyang hamak na mag-aaral, di kagandahan, ni hindi pansinin tapos... siya pa, of all the people?! What she mean is, oo kagalingan siya sa Physics pero, gurabe lang siya pa talaga napili. Overwhelmed si Sapphire. Natutuwa siya kasi napili siya pero, hell NO. Tutor ng hinayupak na lalaking to? Well, it's a NO-NO to Sapphire T__T Umirap na lang yung lalaki habang nakade-kwatrong nakaupo at nagsalpak ang earphones sa tenga. Aba'y bastos nga! :///

PS: Author's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon