"Ang tagal nung fafabol na yun, Sapphy -____- ".
"Aba'y ewan ko. Malay ko ba. Antayin na lang kasi natin. Dami pang reklamo, eh =___=".
Mga 5 minutes nag-antay sila Sapphire at Xela. Kanina pa inip na inip itong si Xela, excited makita si Mr. Waiting Shed slash Knight-in-Shining-Armor slash KHIEL. Maya-maya lang, nakita na nila ang kanilang mission. Lumabas si Khiel mula Theater Room. Nagtago muna sila sandali sa isang poste. Kinikilig din naman si Xela sa mala-Adonis na kagwapuhang taglay nang nilalang na iyon. Habang si Sapphire, balak talagang tunawin sa titig si Khiel. Nakikipag-usap lang si Khiel sa isang lalaki sa tapat ng Theater Room kaya di nahirapan ang dalawang ninja na tignan ito.
"Sh*t na malagkit, Sapphy. Ang pogee niya! Ohlala :)))) Siya ba talaga? Napanuod ko yung last production nila, eh. Oo, siya yung butler dun. Gosh, ampogee *U* ".
"Tae naman! Hindi ko napanuod yun. Wait! Napapatingin siya dito, Xela! Atras dalii!"
Umatras nang umatras si Sapphire at Xela para di sila makita ni Khiel. Baka nga nakakahalata na ito. Sa kakaatras ni Sapphire ay naiitulak na niya palikod si Xela. Sa kakatago naman nila, bigla na lang...
"OUCH! Hey, watch that!".
"A-Ay! Sorry, Miss. Sorry talaga. Ok ka lang ba?"
"Ang tanga mo talaga Xela. Ah, miss sorry sa kaibigan ko, ah. Ayos ka lang?"
"Medyo na tapakan niya lang yung foot ko but I'm fine. Uhh... may hinihintay ba kayo?"
Sa kakaatraaskasi ni Sapphire, nakaaksidente tuloy si Xela. Natapakan kasi nito ang paa nung babae malapit sa kanila. Sobrang ganda nung babae, ika nga nila. Brown eyes at mala-New Yorker ang ang mukha nito. pero, may taste pa rin ng Filipina. Parang foreign at ang height, nakngtucha! Natitibo na ang dalawa sa babaeng kaharap nila >_<
"A-Ah, wala naman, Miss. Ma---" Nagsasalita si Sapphire ng bigla sumingit si Xela.
"Wait! Kilala kita, ah. Ikaw yung magaling na ballerina sa Valentine's Edition last sem di ba? Yung galante na sobrang pinuring audience? Ikaw ba yun???" --Xela.
"Y-Yeah? Hahaha. Thanks for that. Ako nga yun".
"OMG O.O Ano nga ba ulit name mo... wait... si... Wait lang--"
"I'm Thyfah Switchens. Hahaha. Buti naman naaalala niyo pa yung last sem".
Thyfa Switchens? Medyo familiar nga ang pangalang yun sa tenga ni Sapphire. Naririnig niya kasi ito sa building nila minsan. Hindi naman kasi siya tulad ng haliparot na kaibigang mahilig sa mga palabas at kung anek-anek na trending sa campus nila. Ni wala pa nga yata itong napanood na production ng Theater, eh. Pero, natutuwa talaga siya kay Thyfa. Parang likas kasi itong mabait at hindi mataray tulad ng ibang taga-Dance troupe.

BINABASA MO ANG
PS: Author's Love Affair
Romance"Sa mundo ng panitikan at pasusulat, ako ang Diyos. Ako ang 'Manlilikha'. Ako ang may hawak ng hininga sa bawat tauhan ng kwento ko. Ako lang ang may awtoridad na kumuha ng buhay o magbigay nito sa kanila. Salita ko ang batas. Ako ang may karapatang...