Part 2

71 4 2
                                    

That Boy's POV

Hello there! I am Vince. I was sitting quietly when a strange girl approached me.

"Hi! May I occupy this seat? Magse-selfie lang ako. Hindi kasi against the light yung shots dito?" She mouthed while pointing to the empty seat in front of me.

"Okay," I answered.

Now, we're facing each other pero hindi kami nag-uusap. Busy kasi siya sa pagse-selfie.

I quietly watched her do some silly and funny gestures. She's pretty, but she definitely looks like an idiot. I mean, behaving like this with confidence before my eyes? She's crazy!

Ang lakas ng loob niyang magselfie sa harap ko.

Take note, hindi lang basta selfie
May kasama pang make-face na nalalaman.

Trying hard? Nah. She's actually cute pero. . . hay!

Mga babae talaga ngayon, wala ng pinipiling lugar. Kung saan-saan na lang nagpapa-cute.

I wanna burst into laughter. Sobrang epic kasi nang mukha kung makikita niyo. Mukha siyang bibe, pato, kabayo, at unggoy. Magandang babae pero may kaunting breed ng iba't ibang hayop.

Mukha talaga siyang tanga but still, I find it cute.

She's indeed cute nga naman kasi.

Meanwhile, she quit taking shots. Napagod na siguro.

And now, she's busy scrolling on her phone. She might be looking at her pictures.

After minutes of waiting, atlast! Dumating na rin 'yong hinihintay ko.

Babatiin ko na sana siya pero wala siyang pakundangang sumilip sa cellphone ng babae instead na pansinin ako.

Naikunot ko ang aking noo. Maya-maya ay bigla silang nagpalitan ng maaanghang na titig.

Magkakilala ba sila? Napasapo ako sa aking baba habang napapaisip. Nagtagal ang titigan nila ng ilang segundo hanggang sa sumuko na rin itong tropa ko.

Umiwas siya ng tingin sa babae. At maya-maya lang din ay nagmadaling umalis ang huli.

There was a brief silence after she left. Bumalik lang sa katinuan ang kasama ko nang bahagya kong tinapik ang ibabaw ng mesa.

Napalingon siya sa akin.

"What's up, bro! Kanina ka pa ba? Ky asked.

"Hindi naman," I replied.

Hindi pa masyadong nakakalayo si strange girl no'ng bigla akong tinanong ni Ky.

"Bro, fan mo ba 'yon?"

Fan? I'm not an idol, psh.

"Hindi," matabang na sagot ko.

"Hindi? Eh, bakit pumayag kang magpa-picture sa kanya?"

May sinabi ba si strange girl kaninang kukuhaan niya ako ng pictures? I can't remember anything. I also find it hard to recall any instances where I agreed to take a selfie with her.

Siya lang daw ang magse-selfie, right? And it's none of my business pero...

What does he mean? It's kinda confusing.

"Pumayag? Ang sabi niya sa akin kanina, magse-selfie siya—"

He cut me off before I could finish explaining.

"Utot mo! Kaya pala puro PICTURES MO YUNG NAKITA KO DUN sa phone niya. Haha! Grabe, Bro. Photogenic ka pala. Hahaha!"

O_O

He saw my pictures? Ano bang pinagsasasabi niya?

Does he mean, I was a victim of. . .

.

.

.

Selfie gang? Hokage ba ang tawag dito?

Paano kung ibenta niya sa kung sino-sino ang pictures ko? Ipakulam ako?

Darn! Parang nabudol ako ng wala sa oras.

Tatayo na sana ako para habulin si strange girl pero pinigilan ako ni Ky.

I have to confirm it with my own eyes. Mahirap na, baka gamitin pa ako for scamming activities ng wala sa oras.

"Bro, just let her be." Kumapit siya sa braso ko kaya nahinto ako sa paglakad. "'Di naman nabawasan ang charisma mo dahil dun, right?"

Wait, what?! Tama ba 'yong sinabi niya? Sa kanya ba talaga galing 'yon? O, baka mali lang ako ng pagkakarinig?

Nagpumiglas ako pero mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

Teka, anong problema ng lalaking 'to?

"Guwapo ka pa rin naman, eh," he added at nakangisi pa siya.

What?! Anong pinagsasasabi niya? May gusto na yata siya sa akin?

The HokaGAIL (Hokage+Gail)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon