Gail's POV
It was already midnight.
Dumating na rin 'yong kanina ko pa hinihintay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at taas-kilay siyang sinalubong.
"What now?!" he asked.
"Ky Domingo, pagkatapos mo akong ibuko kanina kay Vince, 'what now' lang yung sasabihin mo? Tapos galit ka pa? Wow!" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba't dapat ako 'yong magalit?"
"Psh— Kuya Ky. 'Wag ka ngang bastos d'yan, lalo kang pumapangit, eh."
"So, ako pa 'yong bastos ngayon? Eh, kung bawiin ko kaya ang credit card ko sa'yo?" Humalukipkip ako para mas nakasisindak ang dating.
Hindi pa ako nakuntento. Pinandilatan ko pa siya ng magaganda kong mga mata at saka inilahad ang aking kanang palad sa harapan niya—senyales na binabawi ko na kung ano ang pagmamay-ari ko.
For a few seconds, he stared innocently. Buffering yata ang utak niya. At no'ng mukha nagsink in na sa kokote niya ang lahat, he wore his brightest smile— ngiti na bawal makita ng mga mahihinang nilalang at mga nagkakadarapang babae sa kanya. Kasi nga naman, nagmumukha siyang anghel. For real! Kulang na lang talaga ay mga pakpak, halo, at ulap.
Kahit na nakasusuklam ang attitude at personality ng taong 'yan, talagang hindi mapagkakaila ang maamo niyang mukha kapag nakangiti.
"Hey, lil' sis. Why so serious? Joke joke lang 'yon!" palusot niya.
Tumaas lalo ang kilay ko. Hindi kasi ako nakikipagbiruan.
"'Wag ng magalit. Ayie~ tatawa na 'yan," pang-aasar pa niya.
Hay, naku! Ky, wala ka ng pag-asa. Nakakaawa ka naman.
Ky is my elder brother at dahil pulubi siya ngayon, nasa akin ang kapangyarihan at awtoridad kahit na ako 'yong bunso.
Naghihirap siya ngayon dahil sa mga katangahang ginawa niya. Kung gaga ako, tarantado naman siya.
Oh, 'di ba? Magkapatid nga kami. Masyadong mapanlinlang ang aming mga panlabas na kaanyuan.
Well, 'di naman namin siguro kasalan na nasa bloodline na talaga namin ang angelic features.
As a punishment, grounded siya. Lahat ng cards and accounts na mayroon siya ay na-confiscate ng parents namin na ngayon ay prenteng-prenteng nilalanghap ang hangin sa States.
Wala rin siyang trabaho ngayon. Batugan kasi.
Siya 'yong tipo ng lalaking mayaman, g'wapo, mabait 'pag tulog, masiyahin, pero walang pag-asa sa buhay.
Kaya nga hanga rin ako sa mga babaeng nag-aaway-away para lang maging boyfriend siya. Pangarap yata nilang mamatay sa gutom in the near future.
Nag-cross arms ako.
"Sa tingin mo, Ky, natutuwa ako sa mga jokes mo? Nilaglag mo ako! Hampas-lupa ka talaga!"
"Grabe ka naman, Sis!" angal niya. "Ginawa ko lang naman 'yong napagplanuhan natin. Kinalimutan ko naman na kapatid kita at nagpanggap na 'di tayo magkakilala, ah!" paliwanag niya habang kinakamot ang kanyang ulo na para bang feeling niya kapag ginawa niya 'yon ay may pag-asa pang mabuhay ang mga nerve cell niyang palaging may malfunction. "Wait lang. . . sino ka nga ulit? Kilala ba kita?"
Teka, anong trip nito? Kailan pa 'to nagkaroon ng memory loss?!
Ipinagsingkit niya pa ang kanyang mga mata para mabigyang diin ang pag-arte niya.
Napasapo ako sa aking sentido at saka marahang minasahe ito.
"Ky, tigilan mo 'ko sa mga pakulo mo. 'Di ako nakikipagbiruan."
"Anong pakulo ang sinasabi mo? I am serious! As you can see, I am still in character. And it just proved that I did my part well. Ginawa ko kung ano ang inutos mo."
"Ginawa? Ginawa mo nga, dagdag-bawas naman! Hindi ka na nga sumunod 'Gail-Lingo' tapos, binuking mo pa ako. Wala naman sa napagusapan natin na tignan mo yung cellphone ko at ibunyag sa kanya ang tunay na agenda ko."
Wait, ano nga ba 'yong Gail Lingo na sinasabi ko?
Gail Lingo- s'yempre pauso lang namin 'to. Non-verbal communication. Ibig sabihin, mga senyales o hudyat para malaman ang next steps kahit hindi kami nag-uusap.
Examples:
Kapag umupo na ako sa tapat niya, ibig sabihin, stay put lang muna siya sa labas ng resto.
Kapag nagsimula na akong magselfie, signal 'yon na kailangan niya ng pumasok at tingnan lang kami from afar pero 'wag dapat siya kaagad magpapakita kay Vince.
Next is kapag nag-cross legs na ako, it means, kailangan na niyang lumapit.
Eh, hindi pa ako nagko-cross legs lumapit na siya. Ayon pumalpak na siya do'n.
Tapos heto pa. Ang sabi ko, kapag tumayo na ako at nakalayo sa kanila ay saka lang s'ya magsasalita. Pero wala pa yatang isang metro ang layo ko, nilaglag na niya ako kaagad.
A'yon nagkanda-letse-letse tuloy ang plano. Sinira niya.
"Sorry na."
"Sorry? Dahil d'yan, grounded ka. Hindi ka pwedeng gumamit ng kotse ko for this week!" singhal ko sa kanya.
"Uy, grabe ka naman! 'Wag ganun, pag-usapan natin 'to.Gagawin ko lahat ng gusto mo, please. . ."
Ampupu, bigla ba namang nagpacute sa harap ko? Yung totoo, kuya ko ba talaga 'to?
"Lahat?"
"Oo, lahat."
"Ibigay mo sa akin yung email address and accounts niya."
Matagal ko na hinihingi sa kanya ang mga ganitong basic information ni Vince pero ayaw niya ibigay. Kesyo, invasion of privacy na daw and may nalalaman pa siyang 'he knows how respect other people's private life' kaya much as well, ako raw mismo ang humingi ng mga information na gusto kong malaman.
"'Yon lang pala, eh. Sige itatanong ko mamaya."
Oh? Nagbago yata ang ihip ng masamang hangin. Nasaan na 'yong respeto niya sa privacy ni Vince ngayon?
Kung alam ko lang na panggigipit sa kanya ang magpapabago sa lahat, sana pala ay dati ko na ginawa.
"Wait, there's more,"
"Ano 'yon?"
I smirked.
"Hand me the profile of his girlfriend. Lahat. I mean, personal background at gusto ko ultimong deodorant at brand ng undies niya ibibigay mo."
"Seriously?!"
"Mukha ba akong nagbibiro? Tumatawa ba ako habang sinasabi ko sa'yo 'yon? Hindi naman, right? So, obviously, seryoso ako."
"Ano naman ang gagawin mo sa girlfriend niya?"
"Paghihiwalayin ko sila," I said sabay talikod sa kanya.
"Ibang usapan na yata 'yan Gail," seryoso niyang sabi.
Ayaw ko sa tono ng boses niya ngayon. Kapag kasi ganyan na, nakaka-intimidate na siya. Lumalabas ang pagiging ahead niya sa akin. Nando'n 'yong conviction.
Hindi ko pinaramdam ni pinakitang may doubt ako sa mga binabalak ko.
"Ky, asawa nga naagaw, boyfriend pa kaya?" I stated without glancing at him.
"But I'm warning you. Baka masaktan ka lang."
Masaktan? Psh. I can endure any kind of pain kung si Vince naman ang trophy ko.
"Don't worry, handa ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/67992705-288-k975157.jpg)
BINABASA MO ANG
The HokaGAIL (Hokage+Gail)
General FictionHi ako si Gail, mayaman,matalino,sexy, mabait sa mabait, maldita sa pangit (hindi joke lang), masayahin , madiskarte.At ang pinakalove ko sa lahat, Maganda na Cute pa. Oh diba? Loaded sa ka-anghel-an? Ang sabi nila Hokage girl daw ako at yun pinakad...