Part 6

51 3 0
                                    

"Akala ko ba kaya mong agawin?" intriga niya sa akin.

Nakaupo kami ngayon sa couch at katatapos ko lang ikuwento sa kanya ang lahat.

"They love each other -__-."

"Paano mo naman nasabi 'yon aber?"

Malungkot akong humarap kay Ky bago muling nagsalita." I saw it through their eyes, through his eyes,"

Iiyak pa lang ako ng bigla niya ulit akong niyakap.

"Nakaka-proud naman ang baby namin," masaya niyang sabi.

What the— May saltik ba 'tong gago na 'to? Masaya pa siyang nasasaktan ako.

I am about to react when he continued speaking.

"I'm very proud of you for already knowing when to fight and when to let go. You got not only physical beauty and cuteness, but also strength and courage. I'm so happy to see that our baby is now living in the real world."

Real world? Anong klaseng advice ba 'yan? Bakit dati ba sa pekeng mundo ako nakatira? Sa earth pa rin naman, ah.

"Hayaan mo, lilipas din yan. Isipin mo nalang, kagat lang 'yan ng langgam. Magiging immune ka rin d'yan eventually."

Immune? 'Di ba dapat move-on?

What a term?! Parang pinapangarap niya pang mabroken hearted ako ng paulit-ulit hanggang sa ma-immune ako? Aba'y gago 'to, ah!

Ay, hindi lang 'to gago, bobo rin pala.

Hays. Halatang hindi 'to nakikinig sa klase.

Hindi na ako nagsalita kahit na gusto ko siyang sagutin dahil sa mga kalokohan niyang nalalaman.

Anyway, ayaw ko namang sirahin 'yong Kuya momentos niya ngayon. Nagpapaka-kuya material siya this time at hindi ko alam kung mauulit pa yun -_-

"Sige na. Itulog mo nalang yan," tumayo na siya pagkasabi niya nun at saka iniwan ako.

The HokaGAIL (Hokage+Gail)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon