Chapter 2 - Masquerade Party

980 30 0
                                    

Letisiana's PoV.


@ The School.


Pagdating ko ng School nakita ko kaagad si bespren na papasok palang din. Agad ko syang nilapitan.



"Bespreeeeen!" Bati ko sakanya agad.



"Oh, Siana Saya mo yata ngayon ah?" Halata bang masaya ako? Hehe. Nahalata yata ni bespren.



"Halata ba? Haha." Yan nalang nasabi ko at sabay kami ngayon naglalakad ni bespren paakyat sa classroom.



"Masaya ka pa, umalis na nga yung mama at papa mo." Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sakanya agad.



"H-hindi ako masaya dahil don pero P-paanong nalaman mo na umalis sila mama at papa?" Tanong ko sakanya. Nakakapagtaka kasi? Wala pa naman akong kinekwento sakanya.



"I just know." Sabi nya atsaka ako inunahan maglakad.



"Haluh? Pano nya kaya nalaman?" Tanong ko nalang bigla sa sarili ko.



Anyways .. di pa ko nakakapagpakilala. Ako nga pala si Letisiana Alfonso. Anak ni Charles Alfonso at Katchie Alfonso.



Solo daughter nila ako. ^_________^



3rd Year High School. 15 years Old. Tapos si Bespren nga pala, Sya si Shaun Fuertegos. 4th Year High School sya at 17 Years Old. Simula nung 1st year ako naging Bespren ko na sya.



Hindi sya sanay makipagkaibigan sa kung sino sino at di sya sanay ng madaming kaibigan. kaya ako yung naging kaibigan nya. Minsan weirdo yan!



Minsan ang lalim ng iniisip. Minsan may problema sya na ayaw sabihin saken. Parang hindi sya marunong mag spill out ng secrets? Minsan seryoso masyado at mainisin. Pero kahit ganun, mabait naman yan at Gwapo.



Madalas kasi mapasulyap lang saknya, Crush na sya. Pero syempre Kuya lang ang turing ko sakanya. Parang ang sarap magkakuya noh? Haaaay, Sana may kuya nalang ako.



Boring ng buhay ko. Mag isa lang ako. Wala man lang kapatid. :3



Bago ako makapasok sa Classroom namin. Natigilan ako ng tawagin ako ni bespren. "Siana!" Napatingin ako sakanya at tinaas ang isa kong kilay, meaning .. nagtatanong ako kung Baket?



"May pupuntahan ka ba mamaya? Samahan mo naman ako mamayang 6?" Wait whut? 6 daw? Haluh? Eh may aattendan akong Masquerade Party e.



"Hmm, bes, di ako pwede e." Sabi ko sakanya. Agad na tumaas ang isang kilay nya.



"Perstaym yatang hindi ka pwede?" Sabi nya saken. Haluh? Sasabihin ko ba na mafia na ko? Baka pagtawanan nya lang ako. At sabihin nyang hindi namn totoo yung mga mafia na yun.



"Uhmmm, May pupuntahan ako mamaya e."



"Saan naman?"



"Ah eh, Masquerade party?"



"Masquerade party? Para san naman yang party na yan?"



"Hmmm, basta! Wag ka na ngang matanong Bes! Pasok na ko ah? Pasok ka na din sa classroom mo Bes. Ahehe." Sabi ko sakanya atsaka pumasok nako ng classroom baka kasi pilitin nya pa kong umamin e.



The Innocent MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon