Chapter 5 - Kidnapped

608 28 1
                                    

Letisiana's PoV.


"Looking for us? Sumama ka samen."


Name: Fortin Crackenford
- He is One of the Most Greatest Shooter at Villa's.
Age: 17 y/old


Nagulat ako pagkasabi nung fortin saken. Hindi ko alam pero parang narinig ko na yung boses nya at sobrang pamilyar ng boses nya saken.


Di ko naman magawang humarap sakanya dahil nakatutok padin yung baril nya saken.


"Tumayo ka dyan! Sumama ka samen!" Omyghad! Eto na ba katapusan ko?! Paktay ako! Tumayo nako at tinaas yung dalawang kamay ko baka kasi barilin nila ako agad agad e.


Saka ako hinatak papasok sa isang kotse sa likuran. Tapos yung dalawang lalake nasa front, yung fortin yung nagdadrive tapos yung sylvestre yung nasa tabi nya.


"Wait, pamilyar ka saken miss?" Sabi nung sylvestre saken. Malamang pamilyar ako sakanya dahil ako lang naman yung babaeng kinausap nya kagabi sa party. Ang Fc nga e.


Hindi nalang ako nagsalita.


"Letisiana ang pangalan mo diba?" Tanong saken ni fortin habang nagdadrive sya.


"Letisiana? Sabi na ba ikaw yung Chicks na nakita ko kagabi sa party." Sabi ni sylvestre bigla saken. Bigla syang tinapik nung fortin sa tyan nya.


"Aray naman fort! Wag mo kong hipuan pre. Inggit ka na naman sa Abs ko e." Sabi nung sylvestre kay fortin.


"Manahimik ka dyan. Ingay mo e. Puro chicks na naman inaatupag mo e." Sabi nung fortin sakanya.


"Inaatupag mo lang. Hindi inaatupag mowe! Walang salitang ganon pre. Inaatupag mowe? Pfft!" Sabi nung sylvestre. Hindi ko alam kung matatawa din ba ko sa kalokohan ng sylvestreng toh. O maiinis ako ngayon dahil sa pagkidnap nila saken?


Matatakot nalang ako dahil baka mamatay ako dito ng wala sa oras.


"Tsk! Wag ka sabi maingay. Babarilin kita dyan e!"  Sabi nung fortin.


"Walang salitang dyane pre! Dyan lang! Hindi dyane. Pffft,"


"Isa pa Ong! Inisin mo pa ko!" Tapos naglabas na ng baril si fortin.


"Eto naman si fort di maloko. Sige mag iimbento na ko ng salitang dyane." Sabi nito at natahimik na din sa wakas.


Sumilip ako sa bintana at tumingin sa labas. Natatakot ako sa pwede nilang gawin saken. Huhu! Ayoko pa mamatay.


"S-san nyo nga pala ako dadalhin ah?!" Sigaw ko  sakanila.


"Basta. Behave kalang dyan Siana, baka mabaril ka netong kasama naten." Sabi ni sylvestre saken at natahimik nalang.


Kinakabahan na yata ko habang patagal ng patagal. Pagdating namin sa isang malaking mansyon? Tumigil yung pagdadrive nung fortin. Bumaba silang dalawa at pinababa din nila ako habang nakatutok na naman sa ulunan ko yung baril nila.


Tapos hinatak nila ako papasok sa loob ng mansyon na yun.


Hawak hawak ako nung fortin sa kanang kamay ko at nakatutok ang baril nya sa ulo ko, tapos yung sylvestre nakahawak sa kaliwang kamay ko naman.


The Innocent MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon