Chapter 6 - Two Person

600 30 1
                                    

Fortin's PoV.


Nung makaramdam ako na may mga kalaban sa labas, at alam kong kakampi yon nitong si letisiana.



Agad kong hinanda yung baril ko.




"Letisiana! May mga kalaban sa labas. Kaya dito ka lang sa likuran ko." Mahinang sabi ko sakanya.



"K-kalaban? Sila Chattie ba yun?" Tanong nya saken. Kailangan kong magsinungaling.



"No, mga Bad ass sila. Kaya kung ako sayo. Samen ka nalang mag stay. " sabay smirked ko sakanya. Naramdaman kong kumapit sya sa damit ko.



"Give me your hand." At inabot nya naman saken yung kamay nya at halatang kinagulat nya iyon.



"T-teka nga? Ikaw din yung lalakeng nagligtas saken sa masquerade party noh? Kaya siguro Pamilyar saken boses mo!" Sabi nya saken. Hmmm, naalala nya pa pala boses ko. Nagsmirk ako bago sumagot.



"Yes. Ako nga. Nautusan lang ako." Sabi ko sakanya at agad kaming pumasok sa isang kwarto.




"You! Stay here. Ok?" Sabi ko sakanya. Tumango naman sya. Lumabas nako at may nakita akong dalawang babaeng dumaan sa terrace.



Si Kaycee Montiveros at si Sydney Wilson. Babarilin ko palang si sydney. Biglang,



Shit! Wala ng bala?! Naalala ko na yung last bullet nga pala ng baril ko, pinangbaril ko kanina sa pinto nung kukuhanan ako ng picture ni virus.



Badtrip !



Kasalanan toh ni virus eh.



"WHERE'S LETISIANA?!" Sigaw nung sydney habang nakatutok ang baril nya saken.



Hindi ako umimik.



"Kaycee, hanapin mo sa bawat kwarto si Siana! Dali!" Utos nung sydney kay kaycee.



Letisiana's PoV.



"WHERE'S LETISIANA?!" Wait? .. Boses ni Sydney yun ah? Agad kong binuksan yung pinto. Nung una ayaw ko pang buksan kasi baka nga mga Bad ass ang lumusob.



Sabi pa naman nila adeline , wala daw puso yung mga yun! Geez! Pagsilip ko sa pinto. Nakita ko si kaycee at si sydney na nandon.



Kaya lumabas ako ng kwarto. Nakatutok ang baril ni sydney kay Fortin. Tapos si kaycee nagbubukas ng bawat kwarto. I guess hinahanap nila ako?



"Kaycee? Sydney?" Tawag ko sakanila at agad silang lumapit na dalawa saken at niyakap ako.



"Thank godness, youre safe. Tara na Siana!" Sabi ni sydney at hinatak nila ako papuntang terrace. Bago kami umalis ay muling humarap si sydney kay Fortin.



"Youre lucky Crackenford! Wala nadin kaming bala." Nakasmirk na sabi ni Sydney dito at saka kami bumabang tatlo sa isang lubid. Lumabas na kami at nakita namin yung iba doon kasama sila diana. Nakita namin si Electra na nandon na den. Pati si chattie ay nandon na din nung makita nya ko agad ako nitong niyakap.



"You're safe. So Gurls tara na!" At iniangkas ako nito sa motor nyang napagkataas taas. Paalis na dapat kami nang biglang dumating si Misha.



"Gurls. Si Eliza, wala pa."



"Huh? Diba magkasama kayo?"



The Innocent MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon