Best friend.
Yan yung taong mahalaga sa atin. Yung pagkapasok mo pa lang sa school eh siya agad ang hinahanap mo. Yung sinasabihan mo ng mga sikreto at problema mo lalo na sa love life. Yung mapagkakatiwalaan mo ano man ang mangyari. Yung sandalan mo kapag malungkot ka, umiiyak ka o mag-isa ka. Yung masayang-masaya ka dahil kasama mo siya.
Pero paano kung na-inlove ka sa best friend mo? Ano ang mas papahalagahan mo? Yung feelings mo para sa kanya o yung friendship mo na ayaw mong masira?
I'm Annika, isang high school transferee student. Dahil transferee ako eh wala akong kakilala ni-isa kahit dalawang linggo na ko dito. Sino ba naman ang makakapansin sakin eh hindi naman ako kagandahan di tulad ng ibang babae dito. In short, I'm a loner.
Nandito ako ngayon sa garden hindi para mag-relax o tumambay kundi para kumain. Wala kasing gustong tumabi sakin sa canteen kaya naisipan ko na lang na dito kumain. Tahimik na, wala pang tao at presko pa ang hangin.
"HAAAAAAAAAAAAAAY. Grabe napagod ako dun ha."
Napatingin naman ako dun sa nagsalita na ngayon eh nakahiga na sa damuhan. Hinayaan ko an lang siya at nagpatuloy na ko sa pagkain ko.
"Uh-uh-uhuh-uh..." bigla akong nabulunan habang kumakain ako "Uh-uhuh-uh-uh..." hinanap ko yung tubig ko pero pagkuha ko eh wala ng laman
"Here."
Napatingin ako dun sa lalake at inabutan ako ng tubig. Dahil hindi ko na kaya eh inabot ko yung tubig niya at uminom.
"S-salamat. Bibilhan na lang kita ng tubig para palitan 'tong tubig mo." tumayo ako pero bigla siyang nagsalita
"No need. Sayo na lang yan." sabi niya at tumabi siya sakin "By the way, I'm Steven and you are?"
"Ako nga pala si Annika."
"Di ba ikaw yung bago naming classmate. Bakit dito ka kumakain mag-isa? Wala ka bang kaibigan dito?"
"W-wala eh."
"Ganun ba? Sige simula ngayon ako na ang best friend mo at ikaw naman ang best friend ko." pagkasabi niya nun eh bigla na lang namula ang mga pisngi ko at nagkaroon ng ngiti sa labi ko
Simula nun hindi na ako mag-isa kumakain sa garden dahil kasama ko na si Steven. Halos araw-araw kaming magkasama. Sa library, sa classroom, sa field, sa canteen at kung saang parte pa ng school well except slang sa C.R.
After ng class namin ay sabay kaming lumabas ng gate ni Steven. Sa kaliwang side siya at sa kabila naman ako. Habang naglalakad ako eh may tatlong tamaby na humarang sa dinadaanan ko.
"Hi miss gusto mo bang sumama sa amin?"
"A-ayoko. P-pwede abng layuan niyo ko." iniwasan ko sila pero biglang hinatang nung isa yung kamay ko
"Ano ka ba miss? Masyado ka pang pa-hard-to-get pero gusto mo naman." nilapit nung lalake ang mukha niya na akmang hahalikan ako pero bigla na lang siyang natumba. Napatingin naman ako sa kabila at nakita ko si
"S-Steven."
Agad akong binitawan nung lalake at sama-sama sila at pinalibutan si Steven. Pero di sila umubra sa mga suntok ni Steven kaya napatumba niya yung tatlong lalake.
Lumapit ako kay Steven at niyakap ko siya.
"S-Salamat."
"Wala yun. Eto nga pala yung notebook na hiniram ko. Sorry kung ngyon ko lang nabalik."
"O-okay lang." hinawakan naman ni Steven ang kamay ko
"Tara. Ihahatid na lang kita sa inyo." napangiti naman ako