Sa pagmulat ng mga mata ko, unti-unting nagliwanag ang paningin ko. Tumambad sa'kin ang putting kisame, nakakasilaw yung ilaw na tumatanglaw.Naamoy ko kaagad yung antiseptics, narinig ko galing sa labas ang mga yabag na pabalik-balik, mga nurse sigurado. Napalitan yung uniform ko ng hospital gown. Pero hindi na katulad ng dati yung katawan ko, kahit papaano may lakas na ko. Kailan pa ko nakaratay dito?
"It's a relief na nagising ka na."Napabangon ako mula sa pagkakahiga para tignan yung taong nagsalita sa may gilid ko. Si Miss Karen. Nakaupo siya sa couch di kalayuan habang nagbabalat ng mansanas.
"Anong nangyari?" I asked in a weak voice.
"Well, you lost your consciousness." Sagot nya. I met her gaze. "You were in a state of deep sleep due to sedatives na binigay ng doctor." At katulad ng dati ay wala akong nakitang kahit anong hinaharap sa mga mata niya.
"Sleep? Ilang oras akong tulog?"
"Hindi lang oras, isang araw kang tulog." She's wearing her usual expression, poker.
"Why?"
"Mild Anemia." Tumayo siya para ilagay sa mesa na katabi ko yung platito ng mansanas. "You're stressed due to lack of sleep and nutritional imbalance."
"Paanong nangyari yon?" a lame question though
"Because you're human too, Morie." Natauhan ako sa sinabi nya. Tsaka ko lang naisip na tao pa rin nga pala ako, may anatomy system na nagpa-function. Kahit may ekstraordinaryong kakayahan ang mayroon ako, mahina pa rin pala ko. Hindi nga pala ko imortal.
"Tinawagan ko na yung guardian mo. They already settled the bill." Ano pa nga bang aasahan ko? "Nandito si manang Fe para bantayan ka, umalis lang sya para kumuha ng mga damit mo. Babalik din siya."
"Gusto ko ng umalis dito." Ayoko rito, hindi ko talaga gusto ang atmposphere ng ospital, lalo na kapag nakahiga ka sa kama, hindi maganda sa pakiramdam. Gusto ko ng umuwi.
"You can't. Kailangan mong magstay dito para gumaling ka."Heck. I can't stay here. Feeling ko napakabagal ng oras kapag nasa ospital ka.
"Kung gusto mong makauwi kaagad, then rest." Utos nya. She's never been transparent, I can't see through her. Besides, wala naman akong nakikita sa mga mata nya na hanggang ngayon ay isang malaking tanong pa rin sa isip ko. "I'll be leaving." Sabi nya habang nag-aayos ng gamit. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya. Sa tingin ko kasi, masasagot nya ng mabuti yung mga tanong ko tungkol sa boring kong buhay, she'll never leave an unanswered questions, well, except dun sa tanong ko kung sino sya at kung para saan yung mga itim na papel. Pero sa tingin ko, ibibigay nya pa rin yung mga sagot sa tamang panahon, that's what I thought about her.
BINABASA MO ANG
The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)
Science FictionShe can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the future, never wants her power and believes that every event in the universe is already determined...