Super hirap pigilan ang luhang tutulo na. Hindi mo mapipigilan,Ang ulan na bubuhos na.Ang araw na sisikat na. Buwan na lulubog na. Ang pag-agos ng ilog, Ang pagtibok ng puso.
Wala nang hihigit pa sa lahat ang pagpigil sa tadhana.
Hindi mo mapipigilan ang bagay na nakatadhana na.
Maganda man, masama man, malungkot man, masaya man.
Tadhana.
Sa pag-ibig. Tadhana ang isang usapin. Na sila daw ay itinadhana para sa isa't-isa Mararating mo ito kung pareho kayong lalaban, magiging matibay sa lahat ng bagay.
Hindi mapipigilan ang pag ikot ng mundo, ang pagkakatagpo ng taong dapat magkatagpo.
Hindi natin maiiwasang masaktan at mag mahal.
Minsan kahit ayaw pa nating magmahal saka namn tayo nagmamahal.
Syempre wala namng tao ang gustong masaktan. Pero wala tayong magagawa kung naka tadhana tayong masaktan. Ayos lang yun. Wala namng forever! Kaya hindi tayo habang buhay na masasaktan.
Paminsan-minsan kailangan din nating masaktan para maisip natin at malaman kung sino ba yung nandiyan para saatin, yung taong hindi tayo iiwan, yung taong papahalagahan tayo kahit sobrang wasak na wasak ka na na feeling mo ayaw mo na.
Dun natin makikilala ang mga taong makakapag pasaya saatin.
Sa isang relasyon hindi maiiwasan ang break up, pero kung kayo, kayo talaga. Dahil yan sa tinatawag nating tadhana.
Pilitin man kayong paglayuin, tadhana parin ang gagawa ng solusyon upang kayoy magkatagpo muli.
Minsan tadhana din ang nagiging dahilan ng pagkakahiwalay.
Tadhanang pipilitin kayong paglayuin ngunit sa huli mo lamang malalaman ang tunay nitong rason.
