Hindi maiiwasan ang heart break.
Minsan kailangan din nating magpasalamat dahil naranasan natin ito.
Oo, masakit. Pero dun mo malalaman kung gaano ka ba katatag.
Kung hanggang saan mo kaya. Kung makaka survive kaba.
Mahirap maiwan, lalo na't mahal mo ang mangiiwan.
Minsan marami nang sumusuko dahil sila ay nasaktan o nasasaktan.
Ngunit hindi iyon ang solusyon.kailangan nating maging matatag. Isipin natin na ito'y isa sa mga hamon sa buhay natin.
Marami kang pagpipilian, nasayo ang desisyon. Susuko kaba? O ipagpapatuloy mo?
Mga bagay na mahirap pag desisyunan.
Isa na doon ang iwan mo ang taong mahalaga sayo at mahal mo.
Mahirap man, pero minsan kailangang kayanin.
Ayos kung iiwan mo dahil may tama kang dahilan.
Pero kung iiwan mo lang dahil gusto mo lang.
Aba! Iba nayan!
Matapos mong pasiyahin, paiiyakin mo lang!
Mali namn ata yun. Jusmeeee ikaw kaya ang iwan ng walang dahilan. Matutuwa ka aber? Hindi nmn diba.
Wag nating gagawin ang mga bagay na ayw nating maranasan.
Sabi nga, dapat may pake ka sa pakiramdam ng iba.
Ano manhid, manhid? Juskooo baka namn wala lang pake.
Lahat nmn may nararamdaman. At lahat nakakardam. Sadyang hindi lang pinagtutuunan.
Pag iniwan ka, wasak na wasak ka talaga.
Maninibago ka, yung tipong pag gising mo may mag te text ng..
Good morning.
Kumain ka na?
Musta tulog?
Ano may napaniginipan ka?
Jusmeee enebeyen. Wag masyadong masanay sa mga bagay na hindi nmn panghabang buhay.
Wag tayong masayadong kampante.
Hindi mo kasi alam kung hanggang kailan? Saan? Sila ganyan.
Kaya pag nawala sila ang tendency maninibago ka, malulungkot ka. Dahil nasanay ka sa kanila.
Nasanay ka sa mga bagay na dapat nmn hindi.