My Point of View

11 1 0
                                    

"Did you hear the news again?"

"What news? Bago or yung laging news?"

"Uhm... Hihi. Syempre edi yung laging news!"

"Ano pa nga ba ang bago? Sino na naman daw yung bago?"

Tama naman si girl.... Ano pa nga ba ang bago? At sino na naman kaya yung girl?

Officer ba ng student council? Model? Cheerdancer? Anak ng dean? Mas maganda ba siya sa mga other flings niya?

Tatagal ba sila? (Sana hindii. XD)

But... who's the unlucky girl? Ilang araw na ang nakalipas ng ichismis na may bago siya pero hindi niya pa ipinapakita sa buong campus yung girlfriend niya.

We were so used to him na kung may bago siya dinidisplay niya kaagad. Ipinapakita niya na hindi pipitsugin ang mga nagiging flings niya.

Pero bakit ngayon.... wala?

"Girl! Totoo ba talaga yung chismis mo sakin?"

"Syempre noh!"

"Eh asan na? Ba't wala tayong nakikita na may kasama siya?"

"Aba malay ko. Hindi niya naman ako stalker noh?"

"Eh kung may bago siya ba't niya tinatago?"

"Nakuuu! Baka mukhang witch na impakta?"

Nakuu... kawawa naman si girl. Hindi pa nga na didisplay, hinuhusgahan na. I pity you girl. Actually, hindi naman siya nag-iisa, halos lahat ng flings niya nasasabihan ng ibang tao.

Kesyo pangit si girl..

Mukhang pera si girl..

Hindi sila bagay..

Kesyo mas maganda yung nauna..

Haynakuuu.... siguro isa yun sa mga reasons kung bakit walang tumatagal sa kanya.

Halos mapudpod yung mukha mo sa kalalagay ng kolorete tapos tatawagin ka pa rin na pangit?

Halos araw-araw para ka nang bulag kakatingin sa baba dahil natatakot ka sa tingin ng iba?

Tatagal ka kaya non?

Kaya ako... okay lang sakin na hindi niya ako maging girlfriend pero sana diba pansinin niya naman ako.

Pero... mas isasaya ko talaga kung magiging girlfriend niya ko kahit ilang oras lang. Pero bago nun sana talaga pansinin ni--

"Ellie"

"Ha-a-a?"

Shit! Si Ched. Ka-kanina pa ba siya? Ganun ba talaga ako katagal na nag daydream? Hindi ko man lang siya napansin?

Shit talaga oh! He smile at me at yung puso ko agad-agad namang tumibok ng sobrang bilis.

1st time...

Tinawag niya ako sa pangalan ko.

Ngayon ko lang na realize na sobrang ganda pala ng pangalan ko.... lalo na pag si ched ang magbibigkas... Hayyy!

"Uhm... Ba--kit?" Hiya kung sagot sa kanya.

"Can you do me a favor?"

" Suu--re. A-a-no ba yun?"

"Can you give this to Mary. Thanks!" Shiiiiit. Hinawakan niya yung kamay ko at binuksan yung palad ko para ilagay ang teddy bear at sulat. Then he leaves...

1st time...

He hold my hand.

Shit. Para akong tanga na naglalakad af tumitingin sa kawalan.

"Bessy!"

Ay shit naman! Napatalon ako sa gulat... si Mary lang pala.

"Mary ano baaa! Ginulat mo naman ako!"

She laughed at me. "Ehh ang lalim kasi ng iniisip mo." Tiningnan niya yung mga hawak ko. "What's that?"

Napatingin ako sa hawak kung tedd bear at sulat at saka ko lang naalala... para pala ka Mary toh.

"Teddy bear tsaka sulat."

"Kanino galing?"

"Kay ched.... para daw sayo toh." Sabay abot ng sulat at teddy bear.

"Ha? Para sakin to? Siguro may kailangan siya sakin?" Kunot-noo niyanv tanong sa sarili habang kinukuha ang sulat sa kamay ko.

Ayaw ko pa sanang ibigay kaso hindi pwede eh kasi......Ex ni ched si mary.

Sobrang ganda lang kasi ng kaibigan. At sa dinami-daming flings ni ched sa kanya lang talaga ako boto. Sa kanya rin ako sobrang nasaktan at umiyak ng todo. Dahil bagay na bagay sila noon.

And what worse is......

I couldn't hate her.... because she's my bestfriend...

Hindi rin sila tumagal.

But unlike other flings of ched, they still remained friends.

Si Mary pa rin ba ang gusto niya?

I Break The Heartbreaker's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon