Chapter 7: Carmella

8.1K 278 13
                                    

"Ma! Kasama ko si Baby Rina!" Sigaw ni Zeus pagpasok namin sa loob ng mansion nila. May ilang maids na napapatingin sa'min tsaka napapangiti. 'Yung ilan namumukaan ko pero 'yung iba hindi.

"Good Morning, Young Master Zeus." Bati ni Jun kay Zeus. S'ya 'yung butler ni Zeus. Napabaling sya sa'kin at napakunot-noo. Mukhang nakalimutan na ata nya ako. Ilang segundo nyang pinagmasdan ang mukha ko na para bang pamilyar ako sakanya hanggang sa nanlaki ang mga mata nya sa gulat.

"R-Rina!?" Gulat nyang sambit sa pangalan ko atsaka tinuro ako gamit ang hintuturo nya."Nice to meet you again, Lolo Jun." Bati ko sakanya pero hindi ko sya binigyan ng isang ngiti.

"I-I'm sorry for not greeting you, your higness! G-good morning your higness, Rina." Utal-utal nyang sabi. Medyo pinagpapawisan sya at halatang kabado. "You're so tensed, Lolo Jun." Sabi ko at nginisian sya. Mukha atang lalo syang natensed kaya nag-bow sya sa'min at nagpaalam na.

"Mom!" Sigaw ulit ni Zeus pero hindi nagpakita ang kahit anino man lang ni Tita Carmella.

Teka lang. Bakit amoy sunog ata? Sabay kaming napatigil ni Zeus sa paglalakad at nagkatinginan. Oh shit! Tumakbo kami papunta sa kusina at nadatnan namin 'yung nasusunog na kawali!

Tarantang tumakbo si Zeus sa refrigerator at kinuha ang lahat ng liquid sa loob ng ref tsaka nya isinaboy doon sa nasusunog. May nadampot syang isang babasaging bote at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung ano 'yon. Damn! Alcoholic drink!

Pero huli na dahil nabuksan na ni Zeus 'yung bote at isinaboy 'yun doon sa apoy kaya imbis na nawala, lalo pang lumaki ang apoy. Napaface palm nalang ako sa ginawa nya. Minsan talaga ang tanga nya. Obvious naman sa itsura ng bottle kung ano ang laman non. Mas lalong nataranta si Zeus at hindi na nya alam ang gagawin nya.

Lumapit ako sa table at hinila ang isang upuan tsaka ako umupo at pinanood lang sya na halos hindi magkamayaw kung saan sya kukuha ng tubig. May faucet naman at fire distinguisher. Wala naman akong balak na tulungan sya. Kasalanan nya kung bakit lumaki ang apoy at kung masusunog naman 'tong mansion, sigurado naman akong makakapagpagawa ulit sila ng bago.

"Oh nasusunog na pala 'yung niluluto ko?" Napatingin ako doon sa nagsalita at nakita ko si Tita Carmella na ang puti ng mukha. Malamang may nilagay nanaman syang cream para maiwasan ang kinakakatakutan nyang wrinkles at pimples.

"Tita Carmella." Tawag ko sakanya. Napatingin sya sa'kin at nanlaki ang mata nya ng makita ako. Tss. Bakit ba lahat ng nakakakita sa'kin nagugulat? Tumakbo sya papunta sa'kin at agad na hinawakan ang magkabila kong pisngi tsaka nya tiningala at pinagmasdan ng mabuti.

Napailing nalang ako sa isip ko. Here we go again.

"No pimples? Check! No wrinkles? Check! No pimple marks? Check! Soft skin? Check! Perfect! Flawless parin ang face ng baby Rina ko! Nagmana ka talaga sa'kin! Pareho tayong maganda!" Sabi nya at pinisil pa ang pisngi ko bago nya bitawan ang mukha ko. Hinila nya ang upuan sa harap ko tsaka sya umupo.

"Baby Rina! Dapat alagaan mo lagi 'yang face mo. Wag kang mag-alala. Bibigyan kita ng pinaka-effective ng cream para maging super super ganda kana!" Nae-excite nya sabi.

Ganyan talaga si Tita Carmella. Conscious pagdating sa mukha at katawan. What do you expect? She's a model plus an artist at hindi ko alam kung bakit mukha ko pa ang lagi nyang pinag-iinterasan. Lagi nya akong binibigyan ng ibat-ibang klaseng cream galing sa ibat-ibang mga bansa. Ang sabi nya effective daw at gawa sa natural leaves and flowers pero dahil wala akong pakielam, tinatapon ko nalang ang mga 'yun at minsan ipinamimigay sa mga maid ko. Tita Carmella, also known as 'Ella' in showbiz industry is the currently top 1 for being the sexiest, most beautiful model and most talented actress in the world. Yep, ganyan sya kasikat. Nasa dugo na nila ang pagiging sikat dahil ang papa ni Zeus, Zechariah Rivera is a musician and also a model. Sikat din sya katulad ni Tita Carmella at katulad nila, sikat rin si Zeus hindi dahil actor sya or what dahil napapansin talaga ang itsura nya. Maraming entertainment narin ang sinubukan syang kunin at gawing artist pero ayaw ni Zeus. Well, ayaw nya talaga sumunod sa yapak ng magulang nya. Ayos lang naman kila Tita ang desisyon ni Zeus. Meron din syang kuya, si Zenly.

The Red QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon