Chapter 15: Klein

7K 238 33
                                    

"Rina? Where are you? Bakit hindi ka pumapasok? May nangyari ba? Wala ka sa mansion. Ayaw sabihin ni Yaya Frina kung nasan ka. Shit, Rina. Hello?"

Nanatali lang akong tahimik. Kanina pa tumatawag si Zeus at ngayon ko lang sinagot. Pangatlong araw ko na dito sa Italy pero gusto ko ng umuwi.

Gusto ko munang umuwi para makapag-isip ako ng maayos. Hindi ko na alam. Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para lang masagot 'yon.

I'm sure that this family where I belong is not ordinary. Alam ko na at alam ko ring maraming alam si Klein sa pamilya ko. Ano pa bang aasahan mo, Rina? Magkamag-anak kayo. Pareparehas lang sila.

Magaling na din ako. Hindi nako nilalagnat at nawala narin ang pasa ko sa bandang pulsuhan. Medyo maayos na ang pakiramdam ko.

"Rina? Damn it! Rina!? Are you still there!?"

Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko. Oo nga pala, tumatawag si Zeus. Kinuha ko 'yung cellphone at pinatay ang tawag. Sorry, Zeus pero wala akong gana para sa sermon mo ngayon.

Nakapagdesisyon na'ko. Uuwi nako. Babalik nako. Ayoko na dito sa Italy pero nagdadalawang isip parin ako.

Ayoko munang makita sila Mama. Normal lang naman sila pero halata sakanila ang pagiging seryoso. Mas seryoso kaysa dati. Lagi silang may ginagawa. Laging kaharap ni Papa 'yung laptop haggang sa maggabi tsaka sya aalis ng bahay.

Nakakatawa nga eh. Para silang walang anak. Ni hindi nga nila ako kinakausap. Para akong hangin. Hindi eh, 'yung hangin nararamdam pa ako hindi na. Para akong invisible.

At base sa kinikilos nila, alam ko may gagawin sila. Alam ko may hindi tama. Alam kong may plano sila. They've became mysterious in my eyes. More mysterious.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinawagan si Zeus at nakakaisang ring palang ay nasagot na nya.

"Rina!? Rina!? Where are you!? Ikaw ba talaga 'tong tumatawag? Rina!? Please speak! I'm fvcking wo----"

Pinatay ko yung tawag at inis na hinagis sa lamesa yung cellphone ko. Damn, please speak daw pero hindi man lang sya tumigil sa kadadada at hinayan sana nya akong magsalita. Tsk!

"Demon!"

Napatigil ako ng may narinig akong nagsalita. Mahina lang 'yung boses nya pero sigurado akong may narinig talaga ako. Maya-maya may narinig akong malakas na katok. Hindi sa pinto kundi sa bintana.

Napabuntong-hininga ako ng makita si Klein na mukhang tangang nakadikit sa bintana namin habang sumesenyas na buksan ko ang bintana. I rolled my eyes.

Lumapit ako doon at binuksan ang bintana. Pumasok sya sa loob at pinunasan ang pawis nya.

"Ano na namang gusto mo?" Tanong ko sakanya. Nginisian nya ako tsaka lumapit doon sa cabinet at pipigilan ko na sana sya pero nabuksan na nya 'yon. Shit! I bit my lower lip.

Kinuha nya 'yung nakita nyang panyo doon tsaka humarap sakin. "Paheram muna." Sabi nya tsaka nagpunas ulit ng mukha.

Nakahinga ako ng maluwag dahil don pero ramdam ko parin ang kaba ko. Fvck, dun kasi nakalagay 'yung dagger.

For some 'I don't know' reason, ayokong may makakita muna non. Ayokong may makakita kahit si Zeus pa. Itatago ko muna 'yon.

Sumampa sya sa kama ko at umupo. Napataas ang kilay ko. "Nakakahiya naman sayo. Baka gusto mo ng iuwi 'yung kama sainyo. Kanina ka pa, Klein. What the hell do you need?" Inis na tanong ko sakanya.

He chuckled and brushed his hair using his hand pero kumunot ang noo nya ng mapatingin sa katawan ko. "Bakit ganyan pala ang suot mo? San ka pupunta? Sama ako!" Nakanguso nyang sabi.

The Red QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon