Chapter 9: Count on you

8.2K 325 16
                                    

"Aray! Ma! Ano ba!? Ouch! Ma naman!" Rinig na rinig sa buong mansion nila Zeus ang sigaw nya. Nalaman kasi ni Tita Carmella ang nangyari kanina at bilang parusa, pinungot lang naman nya si Zeus.

"Ikaw bata ka! Paano kung may nangyaring masama kay Baby Rina ko ha!?"

"Ma! Look at her! Wala syang galos kahit isa! She's perfectly fine! So please, bitawan nyo na 'yung tenga ko!" Halos magmakaawa si Zeus sa nanay nya. Binitawan naman 'yun Tita Carmella at nakita ko ang pamumula ng tenga ni Zeus. Masakit mamingot si Tita Carmella dahil ginawa nya narin sa'kin 'yon ng minsang insultuhin ko ang luto nya. Eh kainsulto-sulto naman talaga. Psh.

Lumapit si Tita Carmella sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang-balikat. She inspected my whole body and she felt relief nang wala syang makitang sugat sa'kin. Binalingan nya si Zeus na nakangiwi ngayon at sinamaan ng tingin.

Zeus raised his hand as if he's going to surrender. "Sorry na." Sabi nya sa mama nya. Lumapit si Tita Carmella sakanya. "Papalagpasin ko 'tong ginawa mo ngayon, Zeus. Pero hindi na sa susunod." Nakahinga ng maluwag si Zeus at ibinaba ang kamay nya pero akala nya lang 'yon.

"Aray!" For the last time, Sumigaw nanaman si Zeus at nagtatalon-talon habang hawak ang paa nyang inapaakan ni Tita Carmella. Umalis si Tita sa harap nya at nagpaalam sa'kin bago umalis ng tuluyan sa mansion. May shooting daw sya. Napangiwi nalang ako sa kinikilos ni Zeus. Sino bang hindi masasaktan? Kung ang pinang-apak sa'yo ay high heels pa? Tita Carmella is brutal. Kahit anak nya hindi nya pinapalagpas.

"Kaasar!" Bulong ni Zeus sa sarili nya. Lumapit ako sakanya at walang sabing kinuha ang susi ng kotse nya sa bulsa nya. "W---wait! San ka pupunta?" Pigil nya sa'kin.

"I'm going home. 'Yung kotse ko nasa parking lot parin ng campus. Paki-uwi na lang." Walang ganang sabi ko sakanya. Lalakad na sana ako paalis ng bigla syang humarang sa daraanan ko.

"You can't go home like that Baby Rina. Blood stained uniform with a dirty feet. Siguradong hindi na'ko sisikatan ng araw pagnakita ka nilang ganyan. For now, Stay here for awhile. Maligo ka muna at ipapabili kita ng damit or much better wag kana munang umuwi dahil may pag-uusapan pa tayo. Ipagpapaalam nalang kita kay Yaya Frina." He said and decided by himself.

"Butler Jun!" Tawag ni Zeus kay butler Jun. Agad din namang lumapit si Butler Jun sa'min.

"Anything you want, Young Master?"

"Buy Rina a clothes. Make it faster." Utos ni Zeus. Butler Jun bowed at us before he leave. Hinila ako ni Zeus  papunta sa kwarto nya. "Maligo kana." Tsaka nya'ko tinulak papasok sa banyo. Wala na'kong nagawa kundi ang maligo.

Binuksan ko 'yung shower at tumama agad sa balat ko ang malamig na tubig. It's so refreshing. Unti-unting bumabalik sa dati ang kulay ng buhok ko at doon ko lang din naalala na may contact lense pala akong suot. Inalis ko 'yun at tinapon sa trash can. And now, I can see the real color of eyes through my reflection. This eyes.

My curse eyes.

Pinagpatuloy ko ang paliligo haggang sa matapos ako. I cover my body with a towel at lumabas ng banyo. As expected, umalis si Zeus dito para makapagbihis ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto nya. Wala paring pinagbago. Mahilig parin sa gray ang loko. Lumapit ako sa kama nya at kinuha ang isang paper bag. Kinuha ko ang isang maliit na papel at binasa ang nakasulat don.

Wear this clothes and go to the library. I'm waiting.

Nagkibit-balikat nalang ako. Kinuha ko 'yung damit sa loob ng paper bag at otomatikong napakunot-noo ako ng makita ang damit. It's just an undergarments and simple black jeans and a white long sleeve. Sa init ng panahon? Ganito ang ipapasuot nya sa'kin?

The Red QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon