~*~
Ynabelle's POV
Naghuhugas ako ng pinggan at tinulungan si Risa sa trabaho. Sabado ngayon at wala namang mga assignments. Hindi ako tumulong sa pagse-serve dahil ako lang ang babagal sa kanila. Mas mabuti ng nasa loob ako at kahit papaano ay may naitutulong ako.
Habang dumadaloy ang tubig sa mga kamay ko, bigla kong naisip si Petyr. Hindi mawala sa isip ko ang paghaplos niya sa mukha ko noong isang araw!
Umiling ako at pilit itong winala sa 'king isipan. "Maghugas ka Yna, 'wag mong isipin 'yon."
Wala lang naman 'yon sa kanya 'di ba? Ako lang talaga itong binibigyan ng kahulugan ang ginagawa niya. Sadyang mabait lang talaga si Petyr kaya ganoon siya. Wala 'yon. Wala!
Napaigtad ako nang biglang nahulog ang pinggan sa gilid ko at nabasag.
Sa sandaling 'yon ay para akong nabingi at natulala sa pinggan.
"'Wag po!"
Napalingon ako kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. Wala namang ibang tao bukod sa 'kin at ng cook dito. Bakit narinig ko 'yon?
Binitiwan ko ang hinuhugasan ko at tinakpan aking tainga. Umupo ako at tumakbo sa gilid. Ano'ng nangyayari?
Bumilis ang paghinga ko at nanginginig ng sobra ang mga kamay ko.
Patuloy ko pa ring naririnig ang nababasag na mga pinggan at ang isang iyak. "W-wala akong ginawa. Wala akong ginawa... wala... 'wag po."
"Ynabelle?" Napalingon ako kay mama.
Sunod-sunod akong umiling. "Wala po akong ginawa... 'wag po... 'wag po..."
Agad niya akong niyakap at hinagod aking likod. "Shh, nandito si mama. Shh."
Unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Tanging boses ni mama na lamang ang naririnig ko. Huling naalala ko ay yakap ako ni mama hanggang sa naging itim ang paningin ko.
"Yna?"
Nasaan ako?
"Yna, gising ka na ba? May kailangan ka ba, ha?" Si mama.
Napatingin ako sa paligid at kwarto ko ito. Nilingon ko si mama na nakaupo sa gilid ko. Si papa naman ay nakatayo sa dulo ng aking kama.
"Ano po'ng nangyari?" Tanong ko.
Hinaplos ni mama ang buhok ko. "Napagod ka lang siguro. Pahinga ka na, ha? Ihahanda ko muna ang pagkain mo at saka kumain ka ha?"
Tumango ako.
Iniwan nila ako at agad kong naalala ang nangyari kanina. Isang pinggan na nabasag at isang iyak. Bakit may ganoon akong alaala? Sa pagkakatanda ko, walang nangyari sa 'king ganoon noong bata pa ako.
Hindi ko maipaliwanag ang matinding takot na naramdaman ko kanina.
Para bang nakikita ko ang maliit na sarili ko. Nakatingin ako sa isang sitwasyon kung saan hindi nila ako naririnig o nakikita.
Hindi rin ako sigurado kung alaala ko nga ba 'yon o ano. O baka, nadala lang talaga ako sa pagod. Pero hindi naman ako pagod nun a? Hindi pa nga umabot ng isang oras ang paghuhugas ko.
Natauhan ako nang bumukas muli ang pinto ko.
Nakita ko si Risa at ang lapad ng ngiti niya sa 'kin. Bumangon ako at saka taka siyang tiningnan.
"Bumaba ka muna Yna," aniya at nag-ngiting aso.
"B-bakit?"
Ngumiti siya ulit. Huh? Ano ba'ng nangyayari sa kanya?
BINABASA MO ANG
Anabelle
Teen Fiction(Good Girls Series #1) Anabelle. Sumasagi ba agad sa inyong isipan si Anabelle ng Conjuring? Ang babaeng tinatawag nilang "Anabelle" ay namumuhay lamang ng normal. Nakatanim sa isip ng lahat ng estudyante na isa siyang engkanto o di kaya ay multo...