~*~Ynabelle's POV
Kinabukasan ay sinundo ako ni Petyr sa bahay. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Ganito ba kapag inlove? 'Yong tipong makita mo pa lang siya, kumpleto na ang araw mo.
"Yna," malambing niyang bati sa 'kin.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka kumaway. Agad niya akong nilapitan at saka kinuha ang bag ko.
"Good morning!" aniya at saka nilapit ang mukha niya sa 'kin.
Napalunok ako. Fishball at tempura! Ano'ng ginagawa niya?
Tinititigan niya ang bawat bahagi ng mukha ko, para bang kinakabisado niya ito.
Bahagya akong lumayo. "P-petyr?"
"Hmm?" Ngumiti siya.
Nakakailang na masyado ang mga titig niya. Ano ba 'yan! Pinamumulahan na naman ako ng pisngi.
"A-ano'ng ginagawa mo?"
"Tinitingnan 'yong akin?" Lumayo siya at saka ako inakbayan. "Naninigurado lang na hindi ko nananaginip kagabi."
Nagsimula kaming maglakad. Napailing na lamang ako sa kanya. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala sa nangyari kagabi.
Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip! May boyfriend na ako pero wala akong alam sa ganitong bagay. Pag-aralan ko kaya 'to?
May libro kaya para sa ganito? Umiling ako. Hindi, nakakahiya naman kung manghihiram ako sa library ng ganoong libro.
Search ko na lang. Tama, magse-search na lang ako. Aish! Ano ba 'tong pinag-iisip ko!
"May problema ba?" tanong ni Petyr kaya natauhan ako.
"W-wala, hehehe. Hindi lang ako sanay may umaakbay sa 'kin," nahihiya kong tugon.
Totoo naman talaga 'yon. Hindi pa ako nakakaranas ng ganitong bagay kaya medyo naninibago ako. At saka maraming tao.
"Ganoon ba?" parang napahiyang sabi niya.
Kinuha niya ang braso niya sa balikat. Para akong nadismaya noong kinuha at nahihiya naman ako 'pag nakaakbay siya. Nababaliw na siguro ako!
"Pasensya—"
Agad kong kinuha ang braso niya at tinaklay ulit sa 'king balikat. "O-okay lang, naninibago lang."
Ginulo niya ang buhok ko. "It's okay, hihinay-hinayin lang natin hanggang sa maging komportable ka na, arryt?"
"O-okay."
Nang marating namin ang Phendelson University, akala ko hindi niya na ako aakbayan pero nagkamali ako. Mas lalo niya pa akong diniin sa tabi niya.
Napayuko ako nang makitang halos ng mga mata ng mga estudyante ay nasa 'min. Syempre, sino ba naman hindi magugulat na naka-akbay sa 'kin si Petyr. Si Petyr na crush nila ay nakaakbay sa kilala nilang Anabelle na multo, engkanto at alien.
"Are they dating?"
"Ginayuma girl!"
Iniangat ni Petyr ang baba ko. Tiningnan ko siya sa mata at parang gusto kong magsumbong. Ginayuma ko raw siya! Hindi kaya! Sa lahat ng sinasabi nila sa 'kin. 'yon yata ang pinakamasakit.
Anong gayuma?! Ha?! Hindi ko siya ginayuma!
"'Wag kang makinig sa kanila."
Kinurot niya ang ilong ko.
"Ladies?"
Natigilan ako nang binalingan niya ang mga babaeng nagsabi nun. Agad kong hinila ang polo niya.
BINABASA MO ANG
Anabelle
Teen Fiction(Good Girls Series #1) Anabelle. Sumasagi ba agad sa inyong isipan si Anabelle ng Conjuring? Ang babaeng tinatawag nilang "Anabelle" ay namumuhay lamang ng normal. Nakatanim sa isip ng lahat ng estudyante na isa siyang engkanto o di kaya ay multo...