Anabelle - Chapter 36

77 13 5
                                    

Petyr's POV

~*~

Hindi ko alam kung ano'ng oras na pero nagising ako dahil nag-vibrate ang cellphone ko. Kinapa ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Kinusot ko aking mata dahil medyo malabo pa ang paningin ko. Numero lang pero agad ko itong sinagot.

"Hello?"

Bumangon ako nang may narinig akong iyak.

"S-si Yna Petyr..."

Tita Yen?

Para akong binuhusan ng tubig nang marinig ang pangalan ni Yna. Ano'ng nangyayari?

Hindi siya makapag-salita ng maayos dahil sa kaka-iyak. Naririnig ko ang boses ni tito Robert at mukhang may kausap ito.

"Kumalma po kayo tita. Bakit po? Ano po ba'ng nangyayari?"

Humihikbi siya. "Hindi namin makita si Yna."

Hindi ko pa man alam ang nangyayari, mabilis akong nagbihis. Tiningnan ko ang oras at alas-tres y media pa ng madaling araw.

"Papunta na po ako diyan tita."

Tumakbo ako at nang malapit na ako sa bahay nila Yna. Maraming sasakyan ng mga pulis ang nasa tapat ng bahay nila. May nakikita rin akong ambulansya.

Hindi ko alam pero biglang sumama ang kutob ko.

Nakita ko si tita Yen sa gate at niyayakap siya ni tito Robert kaya agad ko silang nilapitan.

"Ano po ba ang nangyayari tito?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Hindi rin namin alam hijo. Nagising kami sa dahil sa tunog ng siren at pagtingin namin sa labas may isang matandang babae ang nahold-up. Sinabi niya biglang tumakbo si Yna at muntik ng masagasaan. Hinanap namin siya pero hindi namin siya makita."

Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko ngayon.

"H-hindi po ba siya tumawag? Hinahanap ba siya ng mga pulis ngayon?" tanong ko.

Kapag may nangyaring masama kay Yna, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

"Paano po 'yong kriminal tito?" dagdag ko.

"Nahuli na ito ng mga pulis kaya hinahanap nila ngayon si Yna. Kanina pa namin siya kino-kontak pero wala talaga. Siguro tumakbo 'yon sa sobrang takot."

Marahas akong huminga. Nasaan ka ba Yna?

Pinakalma ni tito Robert ang mama ni Yna dahil kanina pa ito umiiyak. Naglibot-libot ako sa paligid at umaasang mahanap si Yna.

"Yna!"

Sumisigaw ako at nagbabakasakaling marinig niya ang boses ko. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nasama siya pangyayaring 'yon.

Sabi ni tito Robert, hindi nila kilala ang matandang babae. Ano ba ang ginagawa niya sa labas ng madaling araw?

"Yna! Si Petyr 'to, nasaan ka ba?"

Pinuntahan ko lahat ng maaring lugar na puntahan ni Yna pero wala siya roon. Alas-kwatro y media na ng madaling araw at naririnig ko na ang tilaok ng mga manok.

Umupo sa tabi ng daan. Ginulo ko aking buhok sa inis. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko 'pag may nangyaring masama sa kanya!

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Kailangan ko siyang mahanap."

Muli akong naglibot at tumatakbo habang sinisigaw ang pangalan ni Yna. Tumigil ako sa pagtakbo nang may nakita akong isang pamilyar na buhok.

"Yna!" sigaw ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

AnabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon