Chapter 4

27 0 0
                                    

Zil's POV

Papasok na ako ngayon. This is too much. Ayokong magpaka EMO. Nakakairita.

Nagayos na ako at kumain.

Pagkalabas ko, may lalaking nakatayo at malayo ang tingin sa tapat ng isang malawak na bakanteng lote sa tapat ng bahay namin.

Bukas ang unang dalawang butones nito, mahaba ang buhok hindi kasi naka 2x3 eh kailangan sa school yun. Walang dalang bag. Tapos nakapamulsa pa at may bubble gum na nginunguya. Parang gangster naman'to. Pero siya yung nagligtas sakin. Kaya lalapitan ko siya.

"Ah hello, bakit ka andito?" Tanong ko hehe. Buti sana kung sinusundo niya ako. Charing

Di niya ako sinagot. Nagsmirk at umirap lang siya tapos, naglakad na.

Sinundan ko siya.

"Hoy ang sungit mo!" Sigaw ko, haynako may appeal sana siya kaso. Masungit.

Sinundan kolang siya . Ewan curious na ako sa kanya.

Hanggang sa di ko namalayan napunta na ako sa squatters area. Pumasok siya sa isang maliit at magulong bahay.

Umalis na ako, at sumakay ng taxi papuntang school. So, mahirap lang pala siya, pero bakit siya nag-aaral sa Alfeim?

Nakarating na ako ng school.

"Best!" Tawag sakin ni Amanda.

"Hey!" Niyakap ko siya. Namiss ko siya to the highest level.

"Ano nangyari sayoooo? Btw, sila Steff and Eli lumipad na papuntang states. Tinatawagan ka namin para sabihin eh" hala? Yung kambal nayun talaga oh. Huhu mamimiss ko sila.

Kinumwento ko kay Amanda ang dahilan ng pagliban ko sa klase.

"Bwisit na payaso na 'yan ano na talaga gusto nun? Gerahan" Dinabog pa ni Amanda yung lamesa sa canteen.

"Epal lang 'yun. Hayaan na sila. They've done enough. Sana tigilan na nila ako." Sana nga.

"Nako! Best basta ako bahala pag reresbakan ha. Nako nako talagaaa" then she hugged me. Huhuhu she's one of a kind, I don't know what to do without her. She's my best friend for about or almost 10 years.

*3months later*

Nag-mall ako mag-isa, magpapagupit ako ng buhok, masyado ng mahaba.

Habang naglalakad ako, nakita ko yung lalaking nagligtas sakin. Nagbibigay siya ng mga flyers. Pero hindi naman ngumingiti, parang timang lang.

Nilapitan ko siya.

"Hey" pero inirapan niya lang ako.

"Uhm. Gusto ko lang magpasalamat sa pag-ligtas mo sa akin." Tapos tinignan niya lang ako at binigyan niya ako ng flyers. Pero instead na hawakan ang flyers eh kamay niya ang hinawakan ko.

Ang lambot ng kamay niya tapos mistiso naman siya, pangmayaman ang peg naman kaso ngalang siguro mahirap talaga sila.

"Kakain tayo wag ka ng aangal." Then nag wink ako sa kanya tapos siya umirap lang. Grabe di ba napapanis ang laway niya? Grabehan lang.

Tapos binitawan ko na siya at pumasok kami sa restaurant.

"Pili kana" pagka-abot ng menu eh namili na siya.

Mukhang hindi siya makapili. Kaya ako na ang nag-decide. Nasa isang Japanese restaurant kami. As usual more on seafoods.

"Allergic kaba?" Tanong ko. Umiling lang siya.

"Miss"

Umorder ako ng fermented sushi, kegani (horsehair crab), ramen and drinks. Favorite ko ang ramen dito grabe.

Tinignan niya lang ako at umirap nanaman.

"So ano pangalang mo?" Tanong ko, di talaga siya tumitingin.

"Ayaw mo yata akong kausapin eh" Di ko na lang siya tatarayan at i-inglisin baka sabihin porke mayaman ako eh, salbahe ko na.

"Buknoy" sa wakas. Sa wakas talaga nagsalita na siya.

"Buknoy? Nickname?" Umiling lang siya habang nakatingin sa baba. Dito kasi kami sa smoking area nakapwesto para mahangin. Nasa 3rd floor din ito ng mall. Kaya kita ang tanawin ng Antipolo. Such a wonderful landscape.

Umiling lang siya. Haysss achievement sigurong matatawag nakapag-compose siya ng sentence. Puro kasi bitin na phrase eh.

Kumain lang kami ng kumain. May kinuha siya sa bulsa niya pero may nahulog. I.D yata.

Ako na ang pumulot at nabasa ko ang pangalang Cyan Jhon Alfheim.

Hinablot niya agad sakin yung I.d. Srysly?

"T-thanks" ohhh? Bingi naba ako? Is it real? Nag pasalamat siya? Haruuu.

"Kaninong I.D yan? Sayo?" Tanong ko.

"Ano bang pangalan ko?" Tanong niya. Ay perpek. Nagsasalita na talaga siya hehehe.

"Buknoy" pag-aalinlangan kong sabi.

"Ibig sabihin ako si Buknoy" ah gets. Okay eh sino si Cyan?

"Eh sino si Cyan?" Pamilyar yung Alfheim. Ang Family name na Alfheim ay isa sa top-grossing businesses owner sa buong Asia, at magiging narin sa Europe. Isama na ang Amerika.

Isa ang Alfheim sa pinakamayayaman at pibakamakapangyarihan sa insdustriya. Sila nga din may-ari nung School namin at Mall na ito.

"Boss ko-ah-oo boss ko" ahhhh kaya pala.

Nang maipasok na niya ang I.d eh nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Mukhang gutom na talaga siya, nag-kamay na eh.

Nakabukas ang mga butones ng polo niya, pero may sando siya. Gross tignan pero bat sakanya hot? Lol . Eme. Hahaha

Nakita kong may pinandilatan siya. Kaya napatingin ako sa kanya, titignan ko sana yung dinilatan niya kaso......

Sinubuan niya akooooooo ng madamiiiiiiiiiii.

"Assgahakalal"

3rd Person's POV

"Where's my son?" Sigaw ng isang lalaking hindi medyo katandaan at nasa 30 ang edad, bughaw ang dugo na nananalantay dito at ngayo'y galit na galit dahil ang kanyang Unico'Ijo ay nawawala nanaman.

"Mr. Alheim we---we don't know sir" nanginginig na sabi ng isang maid.

Sa laki ba naman ng mansyon ng pamilyang Alfheim any hindi matatawarang bilang ng mga katulong, body guards at drivers ang meron sila.

"Find him now!" Malakas na sigaw ng lalaking may-ari ng bahay.

"O--opo señor" nanginginig na sabi ng isang gwardya.

At nagsialisan na sa linya ang lahat.

"San nanaman ba kasi nagpunta si Señorito"

"Jusko po"

"Nakakatakot panaman magalit si Señor. Ayoko pang mawalan ng trabaho"

Lahat sila ay nagkakagulo nanaman dahil sa nawawalang señorito.

'He's really a rule-breaker.' Umakyat na lamang ang lalaking may-ari ng bahay at nagpunta sa office niya at binasa ang pangalan ng anak na kanyang tagapagmana.

"Cyan Jhon Alfheim, bakit ang tigas tigas ng ulo mo" napailing na lamang ang lalaki at napangiti.

~~
Follow me on twitter @gamergillian.

Thanks guys :) Vote lang kayo kung nagustuhan niyo. God bless =))

©gaeyeon
04/06/2016

Ms. BH turns 18Where stories live. Discover now