“P’RE.”
“P’re.”
Naupo ako sabakanteng silya sa tapat ni Ben. He’s one of my best buddies since college. Ilang oras na kaming nakatambay dito sa Seattle’s Best at dalawang tasa na ng kape ang naubos ko ay hindi man lang ako mabigyan ng magandang usapan nitong si Ben. Sa palagay ko, hindi ako ninerbyosen sa nainom ko. Pero mapapraning ako sa kinauupuan ko!
“Ben,” tawag ko ulit sa kanya. “Ano ba naman, dude? Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo. 'Di mo man lang napapansin ang bagong T-shirt ko.” Na-LSS na yata ako sa kantang kanina pa nagpi-play sa PSP ko.
Sinilip ako ni Ben over the screen of his laptop. “Oo nga. Bago nga 'yang T-shirt mo, dude. 'Ganda.”
“At bagay sa akin,” dugtong ko.
“Bagay sa 'yo,” ulit naman niya.
“Lahat naman ng suotin ko, bagay sa akin.” Sumimsim ako sa bagong order ko na mocha frappe. “Di ba?”
“Oo na. Pero, Cosmo, dude, parang awa mo na, ' wag kang magpa-cute sa akin. Hindi bagay sa lahi mo.”
“Gusto ko lang naman mangamusta.”
“Sakto lang ako.”
“Okay. So… ano’ng balita?”
Ben’s face distorts in confusion. “Balita saan?” tanong niya.
“Pare, naman!” Kunyari nagdabog ako. “Ang tagal ko nang pinapa-research sa 'yo kung nasaan si Carmhiel—”
“I’m busy.”
“Busy? With what, dude? Nag-i-skype ka lang naman.”
“Oo nga,” sabi niya. Busy pa rin sa harap ng laptop. “Nag-i-skype ako. Dito ako busy, chatting.”
I slouch on my seat. Nakakaasar naman 'tong si Ben! Anim na taon na akong humihingi ng tulong dahil siya ang matalino at magaling maghanap-hanap ng nawawala. Pero hangang ngayon, wala pa rin siyang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Hello, My Sweet Devil!
RomanceCosmo walked away from Carmhiel six years ago. He did it for a good reason. Little did he know that, when he left, he had stirred a monster— or rather, a DEVIL in her. Until their paths met once again... Would he still chase Carmhiel to win her hear...