[A/N:] at dahil labs ko si sis.. sau na 'to^^
______________
“CARMHIEL! Congrtas! You really deserve it!”
“Of course, I do deserve it. Alam naman nating alam nila ang galing ko.”
“Yeah, right. Ikaw kasi ang pinakamaganda at magaling na model dito.”
“Ikaw ang nagsabi niyan.” Tinuloy ko na ang naistorbong pag-a-apply ko ng lipgloss.
"He-he. Kaya nga. Congrats uli, huh? Sige, may go-see pa ako, eh. See you around.”
I see Ria roll her eyes secretly so I flash a smile before she goes out of the powder room. A fake smile. Bakit ba? Eh, isa rin namang plastik ang babaeng 'yon. She doesn’t deserve to be treated sincerely. Alam ko na isa si Ria sa mga nai-insecure sa akin dito sa modeling agency na pareho naming pinapasukan. Wala akong permanenteng kasama— or it’s better to say, walang “totoong kaibigan” dito sa work. Lahat ng co-models ko, competition ang alam.
Tulad ngayon. Our boss chose me to fly to Italy for a runway show. My dear co-models couldn’t help drooling when they heard about the opportunity our boss gave me. That is, before they muttered curses and damned me to hell.
Sa part ko naman, wala akong pakialam sa kanila at sa gusto nilang gawin. They can label me, criticize, back-bite, and even curse me all they want. Basta ako, focus sa work. Ang immature ko kung pakikinggan ko sila. Tsaka ko na siguro sila paglalaanan ng pansin kung mapapasweldo na ako ng ngitngit nila.
Hindi ko naman kasalanan kung ako si Carmhiel Montemayor. The super-supermodel. Hindi ko rin naman kasalanan kung bitter sila na naa-outshine sila ng kagandahan, ka-sexy-han, charisma, personality, humor, at higit sa lahat brain ko. Hindi ko naman pinanganaglandakan sa kanila how high my kind is. Sila ang kusang pumupuna. Bittah!
And I don’t want to waste my time, sweat and breath in trying to make them reconsider me. I don’t want to because, frankly, I hate trying.
I hate trying to be nice to them because it takes too much effort. I hate trying to like them because it takes too much sweat…
I hate trying to impress people. Especially when I know that my efforts and sweat are all going to be worthless in the end.
Pero marunong naman akong makisama.
“Hoy, bruha. May pinatiklop nanaman ang kayabangan mo.”
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nginitian ko agad si Madz nang makita ko siyang papalapit sa kinatatayuan ko sa harap ng salamin. Si Madz ang best friend ko, ang totoong tao sa akin. I met her when I transferred to the school where she was studying during college, second semester. Marami na kaming pinagsamahang kalokohan. Freelance photographer siya at nagtatrabaho as a member of the fashion crew dito rin sa agency na pinagwo-work-an ko rin as model naman. Mas dedicated kasi siya sa pagkuha ng pictures para sa travel magazine na pareho rin kaming nagtatarabaho kaya part-time lang ang work niya rito. He-he. Kelangan rumaket, eh!
“Kamusta?” bati ko sa kanya.
“'Eto. Feeling ko makukulot ang bagong plantsa kong herlalu. Ang hangin kasi rito. Grabe! TROPICAL DEPRESSION CARMHIEL!”
“Hay, naku. Si Ria mismo ang lumapit sa 'kin para i-congratulate ako. Siya na rin ang nagsabi na maganda ako. Wala akong pinipilit,” katwiran ko.
“Talaga lang, huh?” sarcastic na tanong niya.
“Actually, ang sabi niya ako raw ang ‘pinakamaganda’, not to mention, ‘pinakamagaling’ na model dito. Huh! Napaka-appreciative talaga ng babaeng 'yon,” sabi ko. Sarcastic din. Inayos ko ang nagulong curly locks ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/633357-288-k472129.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, My Sweet Devil!
RomanceCosmo walked away from Carmhiel six years ago. He did it for a good reason. Little did he know that, when he left, he had stirred a monster— or rather, a DEVIL in her. Until their paths met once again... Would he still chase Carmhiel to win her hear...