Chapter 3_Our Paths Again

217 13 20
                                    

“DUDE, OKAY na 'yang mga sugat mo?”

Ngiting-aso lang ang binigay kong sagot kila Ben at Mayer. They don’t even look concerned at all. “Salamat sa pag-aalala, mga ungas. Pero okay lang ako,” sabi ko. Sarcastic.

Before the three of us went to this hotel where we checked in— when I tried following Carmhiel at the downtown— I tripped. I TRIPPED! Masakit na nga ang natamo kong sugat sa pisngi, sa mga braso at sa kaliwang tuhod, at nakakahiya na nga sa mga nakakita kahit na ba sabihing wala namang nakakakilala sa 'kin sa lugar na 'yon, pinagtawanan pa ako ng mga ungas kong kaibigan na si Ben at Mayer. I can’t believe they are my friends!

“Iyan kasi, dude. Pinairal mo ang kamanyakan mo sa paghabol mo ro’n sa Italyana, nadapa ka tuloy.”

I give Ben a good-natured middle finger. Tumawa lang siya.

Napabuntong-hininga na lang ako. “You still don’t believe it was Carmhiel?”

Nakakalokong umiling lang silang dalawa.

“'Wag mo siyang masyadong isipin, dude, at baka malimutan mo nang huminga. Mabubulunan ka lang sa sarili mong laway.”

“'Lul.”

“Paano na 'yan, Cosmo, napingasan na ang kagwapuhan mo?” hirit pa ni Mayer. Hanggang ngayon ay nilalantakan niya pa rin ang t-in-ake-out na pizza.

“Nah. I’ll make sure hindi magkakapeklat 'to.” Hinawakan ko ang nasugatang parte ng pisngi ko na may band-aid na ngayon.  “Pero kung magkakapeklat man 'to, ayos lang. Ako pa rin naman ang pinakagwapo sa 'ting tatlo.”

“Hoy, 'tol, walang ganyanan. Below-the-belt na 'yan, ah,” kunyari ay affected na sabi ni Ben sabay high-five kay Mayer.

Napailing na lang ako. “Ewan ko sa inyo. Sige, aalis na ako. I’ll wait for Demi at the lobby.”

“Enjoy your date, 'tol.”

“Gago. Ano’ng akala niyo kay Demi, bakla?”

“Uh…  medyo?” sagot ni Ben.

“Actually, ako rin, eh,” sabi ni Mayer.

“Ikaw din bakla?”

“'Lul. I mean, ako rin, gano’n ang naiisip ko.”

“Tsk. Hopeless na kayong dalawa. Mga macho kayong naturingan, mga tsismoso naman pala kayo,” sabi ko sa kanila habang napapailing. “I’d better be going.”

“Talaga bang aalis ka?” pahabol na tanong ni Mayer. “You know you don’t hafto work while you’re here, Cosmo. We’re here para magbakasyon.”

“Hayaan mo na siya, Mayer, dude,” singit naman ni Ben. “Alam mo namang gustung-gusto ni Cosmo makakita ng mga chikababes.”

Hindi na ako nagkomento pa. I head straight to the door. Nag-salute pa sa 'kin ang dalawang mokong bago ako tuluyang makalabas ng pinto.

Suckers! I yell in my mind.

Wala pang limang minuto, dumating na si Demi sa lobby ng hotel para sunduin ako. Demi is another good friend of mine, or ours, from college. Senior namin siya no’n pero madalas ay kasama siya sa mga inuman-sessions at kung anu-anong trip namin nila Ben at Mayer. Mas napabarkada siya sa 'min nang ma-meet namin siya ulit sa isang business convention three years ago. He scouts models and owns a modeling agency and a magazine publishing company. Actually, boss ko si Demi minsan because I also model for his agency. But I haven’t signed any of his contract offers yet.

Ngayon nga ay may pupuntahan kaming runway show at magtatrabaho ako ngayon sa kanya. But not as a model— this time, as a photographer. Nagkaroon daw kasi ng konting problema sa plane ticket ang photographer na isasama niya sana rito sa Italy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello, My Sweet Devil!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon