Chapter 3: New 'friend' in Seoul

24 3 0
                                    

Aika's POV

My mind was totally blank for a moment. I'm trying to act like nothing happened but I can't.

Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harap ko.

Oo. Hinabol niya ako kahit na nagmamadali akong makaalis. Pahiya-unti ako dun sa kanya ha.

Ngayon nasa harapan ko siya. Nakacross-arms at nakatingin sa akin. Ano ba problema nito?

"Now, what? Titingin ka lang ba sa akin?" cold na pagkakatanong niya.

Hindi ko alam kung bakit ako natameme eh. Dahil ba nahihiya ako o dahil sa mukha ng nasa harap ko.

Totoo yung sinabi ko sa kanya kanina. Gwapo siya, may pagkabilugan ang mata. At totoo rin na mukha siyang usa. Sa sobrang amo ng mukha niya hindi bagay ang kagaspangan ng ugali niya.

"Wa..wala!" sagot ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay, I'm sorry for what I've said. Hindi ko naman akalain na naiintindihan mo pala ako eh" dagdag na paliwanag ko sa kanya.

"Ok." maikling sagot niya.

Pero sa totoo lang naguguluhan ako. Saan ba siya naoffend? Dahil sa sinabi kong mukha siyang deer o dahil sinabi kong 'walang forever' Hahahaha.

"Okaaaay. So, alis na ako. Bye!" paalam ko sa kanya.

Agad ko siyang nilagpasan ngunit ilang hakbang pa lamang ay pinigilan niya ako.

"What? I said I'm sorry, right?" may pagkainis na sabi ko sa kanya.

"Wow, are you even real? Ikaw na nga 'tong may kasalanan sa akin. Ikaw pa ang may ganang magalit." Loko pala 'to eh. Kaya nga nagsorry na eh. Haaaay naku!

"Kaya nga sorry diba? Patas lang naman tayo eh. I said mukha kang usa, you said mukha akong panda. Quits na. So pwede ba aalis na ako." sagot ko sa kanya while looking straight at his eyes.

Ako nga dapat ang mas magalit eh! Sinabihan niya kaya ako ng mukhang panda higit sa lahat sinabihan niya ako ng hindi kagandahan. No one told me I'm ugly. Siya lang, kapal nito ha!

"Bitawan mo na ako." Dagdag ko, hawak niya pa rin kasi ako sa braso. Feeling close talaga eh.

"Mickooo oppa!" napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sa amin. Siya yung babae kanina. Yung binigyan ng bulaklak ng boyfriend niya. Palapit sila ngayon sa amin.

"Oppa, thank you ha. Sabi sa akin ni Kai, tinulungan mo daw siya sa sorpresa niya kanina para sa akin. Thanks ulit." nasa harap na namin sila ngayon.

Awkward. Bakit parang may mali? Hmmm. Something's fishy. Pero sht. Magkakilala sila? Mygosh! Baka dahil sa pagsabi ko na 'walang forever' kaya nagalit 'tong lalaki sa akin.

Ah, Micko pala ang pangalan niya.

"Wala 'yun." sagot ni Micko. Wow ha! Parang ang bait lang.

Seryoso lang siya. Nakatingin sa babaeng nasa harap namin habang nakaakbay dito ang boyfriend niya.

Napatingin naman sa akin ang babae. "Oh? Annyeonghaseyo!" binati niya ako. Binati ko rin naman siya.

"Pilipino din siya, kaibigan ko. Ah, Krystal si ano nga pala..." sagot ni Micko. Siniko niya ako na parang nagpapahiwatig na 'hindi-kita-kilala-kaya-sabihin-mo-pangalan-mo'

"I'm Aika, nice to meet you." Pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Uhm. Hello, I'm Krystal and this is my boyfriend, Kai. Sooo, kailan pa kayo nagkakilala ni Micko? Ngayon lang kita nakita ha." tanong niya sa akin. Parang may kakaibang tono 'to ha? Problema nito? May topak din ba siya tulad ng kaibigan niya?

"Actually, hindi ko siya kaibi---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang putulin ni Micko ang pagsasalita ko.

"Ikaw talaga Aika oh! Halika na nga, hatid na kita sa inyo o baka gutom ka na? Tara, kain na tayo. Kung anu-ano na pinagsasabi mo eh" nakaakbay siya sa akin habang sinasabi 'yun.

Tumawa lang ako with full of sarcasm while judging him with my 'ang-plastik-mo' look. Tinanggal ko naman ang akbay niya sa akin habang tumatawa pa rin.

"Sabay na kayo sa amin pre. Kakain din kami eh." pag-aya naman ni Kai. Abaaaa! Hindi nagpakabog ang Kuya niyo Kai. Umakbay din sa jowaers niya. Hahahaha.

"Ah..eh. Si Micko na lang ang sasabay sa inyo kasi medyo late na. Medyo malayo pa yung place ko dito." sagot ko kay Kai. Magba-bus pa ako at higit sa lahat di pa ako sanay na bumyahe dito. At tsaka! Close-close ba kami? Mga chosero.

Though gutom na rin naman ako. . . pero baka nag-aalala na parents ko. Paalam ko kasi sa kanila before 10 nasa bahay na ako.

Hindi naman sila strict, nag-aalala lang sila dahil hindi pa nga ako sanay dito sa Korea at baka mapaano ako.

"Ah, yun naman pala eh. Sige, kami na lang." sagot ni Krystal. Ayy. Hindi man lang ako pinilit? Hahahaha. May mali talaga eh. Ang maldita niya sa akin. "Kai oppa, Micko oppa. Tara na?" dagdag pa nito.

Palakad na si Krystal nang magsalita si Micko. . .

"Sige Krystal, kayo na lang ni Kai." napatingin sa kanya si Krystal at halatang medyo nagulat.

Humarap sa akin si Micko, "oo nga pala, anong oras na. Hatid na kita". Whaaaaaat? Naguguluhan ako. Earth to Aika, please!

"Ah. Okay. Sige una na kami" sagot ni Kai. Nagpaalam na sila sa amin at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad palayo sa amin ay tumingin muli sa amin si Krystal.

Ano ba ang meron?

Si Micko, ganun rin. Nakatingin lang kay Krystal at Kai na naglalakad palayo sa amin.

Maybe this is the right time, gogorabels na ako. I'm about 8 steps away from Micko then suddenly. . . .

"Ang hilig mong tumakas no'?" pigil niya sa akin. Hawak-hawak niya ang damit ko, yung sa bandang batok.

Napaharap ako sa kanya.

"Aiiiiish! Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Sorry na nga eh!" sabi ko sa kanya in a very childish way habang pumapadyak-padyak sa daan. Yung parang batang pikon na pikon na. Ganun.

Tumawa naman siya.

Ang cute ng tawa at ngiti niya.

Ha? Anong sinabi ko?

Ang sabi ko. . . bwisit siya! Bakit niya ako pinagtatawanan?

"Wala lang, ang sarap mong asarin no'? Ang cute mong mapikon." sabi niya while smiling.

Hanuuuudaw? Cute? Ako? Enebe. Hindi naman masyado.

"Yun naman pala eh. So, can I go now?" sagot ko. Kunyari hindi affected sa 'cute' ako.

"Phone mo, akin na." utos niya. Ha? Magnanakaw ba siya?

"Bakit? Ayo--"

"Basta akin na. Kapag hindi mo binigay, hindi talaga kita titigilan." pagpuputol niya sa sasabihin ko.

So I'm left with no choice. Binigay ko na lang sa kanya.

Nag-dial siya ng number at tinawagan ito. Nagring naman ang phone niya.

"So, ayan ang number ko. Isave mo." sabi niya at sinauli ang phone ko. "Answer my texts at higit sa lahat ang tawag ko. Understand Aika?" dagdag na utos niya.

"Wow ha! Eh paano kung ayoko?" sagot ko sa kanya.

"Humanda ka sa akin" he said and smirked at me. Tumalikod siya sa akin at naglakad na palayo.

Seriously??? Tinatakot niya ba ako? Ayyyy. Takot ako (full of sarcasm).

Nakatayo lang ako habang pinipilit na magsink sa utak ko ang nangyari sa akin.

"Haaaaaaay! Peace of mind please." Napautas ko at naglakad na patungo sa bus terminal.

Falling inLUV with Mr. Chu Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon