Chapter 5.2

27 2 0
                                    

Aika's POV

He just said I'm cute, right? Wait. Natutuwa ako at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Tinignan ko si Micko na ngayon ay nagmamaneho, parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko siya mabasa, naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko matukoy kung ano ba ang personality niya.

Mabait kaya siya? Tama bang sumama ako sa kanya? Baka naman sindikato 'to at may modus sila. Sht. Kikidnapin niya ba ako? Uso ba 'yun dito sa Korea?

"You also have a habit of staring at me. Bakit?" nagulat ako nang magtanong si Micko. Napapansin niya palang nakatingin ako sa kanya.

"Ang lakas! Hahaha." natatawa kong sagot pero deep inside sinasabunutan ko na ang sarili ko. Totoo naman kasi lagi na lang ako napapatitig sa kanya. Waeyoooo?

Ilang minuto lang ay huminto na kami sa isang basement parking.

"Nandito na tayo." Bigkas ni Micko.

Bumaba na ako sa kotse at bahagyang inayos ang sarili ko. Mukhang tao pa ba ako?

Bumaba na rin si Micko at palakad palapit sa akin.

"Micko, hindi kaya ma-out of place lang ako dito? Sabi mo nandito mga kaibigan mo?" worried kong tanong kay Micko. Hindi naman dahil sa nahihiya akong makihalubilo sa iba pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, eh. Miski kami ni Micko hindi pa close, kakakilala ko pa nga lang sa kanya kagabi eh. We're not even friends.

"Okay lang 'yan. Nandito naman ako eh. Tara na nga, late na nga tayo eh. Ang tagal mo kasing dumating kanina." Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka hinila.

Binigyan ko ba siya ng permisyon na hawakan ako? Kanina pa siya ha, pero bakit ako kinakabahan?

Tinitignan ko lang ang pigura ni Micko habang naglalakad siya sa harapan ko habang hila-hila ang kamay ko. Nakalabas na kami ng basement parking at ngayon ay naglalakad na papunta sa isang restaurant.

Haaaaay! Yung ganitong moment yung matagal ko nang pinapangarap eh. Naglalakad kayo habang hawak niya ang kamay mo sa iyong dream place, on a fine spring day. Kaso taong hindi ko naman mahal ang kasama ko.

Nakapasok na kami sa restaurant at tuloy-tuloy lang kami papunta sa isang pribadong kwarto - VIP room, kumbaga. Binuksan ni Micko ang pinto at tuluyan na kaming pumasok.

Nasa loob ang apat na tao na nag-uusap, nakaupo palibot sa isang lamesa. Nabaling ang kanilang atensyon nang bumukas ang pinto.

"Yah oppa! I thought hindi ka talaga pupunta eh, magtatampo na talaga ako sayo." salubong ni Krystal. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako. Yes, problema natin? Lalo pang nag-iba ang timpla ng mukha niya nang mabaling ang atensyon niya sa pagkakahawak ni Micko sa kamay ko.

"Pare, bago na namang chix?" tanong naman ng isang lalaking halos matadtaran na ng eyeliner ang mata.

"Gag*." isa na lang talaga papainumin ko na ng holy water 'tong abnoy na Micko na 'to, eh.

Naglakad na kami papunta sa upuan at inalalayan naman ni Micko ako sa pag-upo. Yes? Artista ba siya? Ang galing niyang umarte ha. Masyadong mapagpanggap.

Honestly, this is one of the most awkward moments in my life. I'm having a late lunch/dinner with people I don't know. Although si Micko kilala ko. Scratch that! First name nga lang ang alam ko sa kanya.

Katabi ko si Micko pinagigitnaan namin siya ng isa pang lalaki na tahimik lang, medyo may pagkaseryoso. 

Katapat ko ay ang kaibigan nilang isang eyeliner na tinubuan ng mukha. Sorry! Hahahaha. At katabi niya naman si Krystal at ang boyfriend nito na si Kai.

So...ito pala ang group of friends ni Micko. Ang lakas maka F4 ha, so, si Krystal ang Jandi? Nakuuu. Aika, puro kdramas na naman ang nasa utak mo.

"Sinama ko nga pala si Aika, Krystal ha? Kasi may nakaset talaga kaming date ngayon dumaan lang kami dito. Sinabihan lang ako ni Aika na baka magtampo ka, kaya pumunta na kami." Daaaaate? Kapal. Eh bigla nga lang niya akong hinila dito. Tsaka ano? Ako yung nagsabi sa kanya na dumaan dito? Baliw na talaga. Hindi ko nga alam kung bakit kami nandito eh. Ano ba 'to reunion nila? Lol.

"Ganun ba? Ok." halata sa pagsasalita niya ang pagka-inis. Kung baril lang ang mga mata niya paniguradong patay na ako. Kulang na lang tumirik ang mata niya eh, halos manlisik kasi ang tingin niya sa akin.

Teka? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawa sa kanyang mali. Pero bakit ganun siya umasta sa akin?

"Ah. Okay lang yun pare! Ang mabuti nakapunta ka ngayon. Kung hindi magtatampo na naman sayo 'tong birthday girl na 'to. Tsaka nga pala, Nice meeting you again, Aika." Bati sa akin ni Kai, yung boyfriend ni Krystal. Siguro ay miski siya nahahalata ang pag-iba ng timpla ng girlfriend niya dahil sa presensya ko. Ah, birthday pala niya. Okay! Hahahaha.

Agad na kinurot-kurot ni Kai ang pisngi ng girlfriend niya. Pero bakit ganun? Bakit parang silang dalawa lang ang masaya?

Itong tatlong lalaki kasi tahimik lang at seryosong nakatingin sa magjowa. Si eyeliner boy nga napainom na lang ng tubig at bumaling ang tingin kay Micko.

Si Micko naman ayun, seryosong nakatingin kay Kai at Krystal. Nahalata ko naman ang tension in his jaws. Parang nagpipigil. Ganun? Bakiiiit?

"So... Aika is the name of the new game, Micko?" pambabasag sa katahimikan na sambit ng tahimik na lalaking katabi ni Micko. He said that in a serious and cold tone.

New game? Wow. He has a foul mouth. Masyadong masakit! Am I just a new game?

Mas lalo pang naging awkward ang paligid. Ramdam ko ang pagtingin sa akin nilang lahat, napatingin ako kay Krystal na ngayon any ang lapad ng ngisi sa labi. That bch.

Napayuko na lang ako. Sana bumukas na lang ang lupa at kainin ako. Pakiramdam ko nainsulto ako. Ang nakakainis pa, nainsulto ako ng mga taong hindi naman ako kilala.

"You know guys, if you can't respect my date it's better kung aalis na lang kami." hinawakan ni Micko ang kamay ko at hinila patayo.

"Oppa!" Napatayo rin si Krystal para pigilan kami na ngayon at nasa may pintuan na. Halata naman kay Kai ang pagkabigla sa kinilos ng girlfriend niya.

"Carlo pare, Aika is not just a game I would play. She's a battle that I would fight for, kahit masaktan man ako sa huli at matalo..I'm willing to risk everything"

And with Micko's words I am speechless...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling inLUV with Mr. Chu Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon