Chapter 2: Where do broken hearts go?

23 3 0
                                    

Aika's POV

"So, kamusta ang buhay natin dyan?" tanong sa akin ni Bianca, kavideo call ko siya ngayon. One week na rin pala ang nakalipas, dati pinapangarap ko lang makapunta dito sa Seoul; ngayon nandito na ako.

I'm so happy that I'm already living the dream. . . well, sort of.

"Okay naman. During my first days here, nagpahinga lang ako." sagot ko sabay upo sa harap ng laptop ko. "Eh, kayo? Kamusta naman kayo dyan?" Dagdag ko.

"Naku besh, ang boring ng buhay ko dito ngayon. Umuwi ka na nga." sagot ni Bianca. Sus, 4 months lang naman ako magbabakasyon dito. Well, I'm not sure. Seoul is my dream place pero mas nakikita ko pa rin yung sarili ko na nagtatrabaho sa Pilipinas. Ang gulo no'? Eh, ganun talaga.

"Magtiis ka dyan. Hahahaha! Eh si. . ."

"Si Ethan?" Pinangunahan na tanong ni Bianca sa akin.

Kamusta na nga kaya si Ethan? One week pa lang pero it feels like years na kami hindi nag-uusap. Ang huli naming pagkikita ay nung hinatid nila ako ni Bianca sa airport. Syempre, kasama rin si Valerie.

"Aika, just enjoy there. Ang unfair naman kung nandyan ka na nga sa Seoul tapos si Ethan pa rin ang iniisip mo. Duh??? He's enjoying his life with his GIRLFRIEND." Dagdag ni Bianca, habang dinidiin ang salitang 'Girlfriend'

"Tinanong ko lang naman. Wala naman akong sinabing iba ha? Best friend ko rin naman siya. Grabe syaaa!" sagot ko na may pagkadefensive.

Pero kung tutuusin, okay na ako ngayon. Kahit one week pa lang ang stay ko dito sobrang nakatulong 'to. Medyo nakamove-on na ako.

"Nakamove-on na ako girl" dagdag ko.

"Wow ha, bakit naging kayo ba?" pang-aasar na banat ni Bianca. Oo, best friend ko siya. Bwiset 'to.

Pero bakit nga ganun? Bakit kahit hindi naging kayo kailangan mo pa rin na magmove-on? Parang mas mahirap pa nga yung proseso eh.

"Tse. By the way, aalis na muna ako girl." paalam ko sa kanya. Mamamasyal kasi ako ngayon. Sa one week na stay ko dito, ngayon pa lang ako mamamasyal. Taong bahay kasi ako eh.

"Ay may lakad ang Lola mo. Saan ka punta?" Tanong niya.

"Myeongdong" -ako.

"Beeeesh. Alam mo naman na mahal kita diba? Miss na miss na nga kita eh" pambobolang sabi ni Bianca. "Make up lang besh, masaya na ako." Sabi ko na nga ba may kailangan siya.

"Wooow, may patago ka?" -ako.

"Grabe syaaa. Maliit na bagay"

"Oo na. Sige na bye. Anong oras na oh, baka hindi pa ako payagan umalis dahil sayo eh." sagot ko.

"Yayyy! Okay besh. Ingat sa pag-gala. Bye."

--

Myeongdong

Woooow! Totoo ba 'to? Nandito na ba talaga ako? Grabe, walang pagkakaiba sa mga napapanuod ko sa mga variety shows. Myeongdong is really a busy place.

Ang daming stores, ang gaganda nung mga tinitinda. Mga damit, couple items, cosmetics at kpop merch. Waaaah! Naiinlove na ata ako. Nagkokorteng puso kasi yung mata ko sa mga nakikita ko.

Ini-enjoy ko lang ang araw na 'to. Halos lahat ng stores pinapasukan ko.

"Kamsahamnida."

"Ne. Annyeong!" paalam at sagot ko sa cashier ng isang decoration shop. Gusto ko lang kasi ayusin yung kwarto ko mamaya.

Paglabas ko ng shop nagulat ako ng bahagya dahil madilim na.

"Mag na-9 na pala. W-what?" Tanong ko sa sarili ko ng makita ko ang oras mula sa phone ko. Masyado ata akong nag-enjoy sa pamimili kaya pati pagkain nakalimutan ko na. Haaaaay. Nagugutom na ako.

Nakakita ako ng bakanteng bench sa labas. Sa gitna kasi ng mga stores dito ay isang fountain na pinalilibutan naman ng mga bench.

Makaupo nga muna. Nakakapagod maglakad at umikot-ikot ha.

Nilabas ko muli ang phone ko.

Pinicturan ang fountain sa harap ko at diretso post sa IG.

Ilang segundo lang ay may natanggap akong notification.

ethanemilio1 left a comment : Enjoy Babs! I miss you. :)

Tumibok ng mabilis ang puso ko.

Sht. Parang bumalik lahat ng feelings ko sa kanya ha. Yung happiness kapag kasama ko siya, yung kilig kapag tinatawag niya akong Babs (oo, kahit pang-aasar yun, kinikilig ako), yung pagkasabik na makita siya at higit sa lahat yung SAKIT.

Akala ko nakapagmove-on na ako. Yun pala...akala ko lang.

Nakatingin lang ako sa kawalan nang makarinig ako ng ingay hindi kalayuan mula sa akin. Grupo ng mga high school students at ilang mga normal na tao - ang iba ay couples; ay nag-uumpukan.

"Ano kayang meron?" tanong ko sa sarili ko. Tumayo ako sa inuupuan at lumakad papunta sa mga tao.

Dahil may pagka-chismosa ako, pinilit kong makapunta sa may harapan. Syempre para kitang-kita ang ganap. Hahahaha! (Wow ha. Broken ka diba? Chismosang 'to)

"Saranghaeyou, nae sarang!" Banggit ng isang lalaking moreno, may sapat na pangangatawan at OO, gwapo. Hawak-hawak niya ang isang bouquet ng bulaklak at inabot sa babaeng nasa harap niya.

"Nado saranghaeyo oppa!" sagot naman ng babae.

Kasabay naman ang pagyakap nila sa isa't isa at ang paghiyaw ng mga tao na para bang nakapanuod sila ng isang pelikula.

Haaay nakuuu! Luma na yang ganyang paandar, wala na bang bago? Magbebreak din kayo.

OO! BITTER AKO.

"Sus, walang forever!" Bigkas ko ng may katamtamang lakas. Eh ano? Wala namang makakaintindi sa akin dito.

Ilang saglit lang ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Unti-unti akong tumingin sa gilid ko ng malaman kong tama ang pakiramdam ko.

Nakatingin sa akin ang lalaking katabi ko.

Natigilan naman ako at napatitig  din ako sa kanya.Para bang nastock ako sa kinakatayuan ko.

"Kkeojyeo (Get Lost/Umalis ka dyan/Get out of my way)" sabi sa akin ng lalaki.

I came back to my senses again dahil sa sinabi niya. Aba! Nagpintig ang tenga ko dun ha.

Ang lakas niyang maka-get lost! Close ba kami? Siya naman yung unang tumingin sa akin ha, ginantihan ko lang naman siya ng titig. Letse 'to.

"Alam mo gwapo ka lang pero wala kang karapatan na paalisin ako. Mukha ka namang usa kaya tigil-tigilan mo ako" Oo. Tinagalog ko siya at sinabi ko yan in an emotionless tone. Poker face ang ate niyo Aika!

"Mwo?" Pabalang na tanong nung lalaking gwapo na mukhang usa. Hindi niya ako naiintindihan. Pasensya naman.

"Mianhaeyo (sorry)" Hahahaha! Kainis 'to. Akala mo ha. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng lumakad nang mapahinto ako at napaharap dahil sa sinabi niya. . . .

"Alam mo hindi ka kagandahan kaya wala kang karapatan pagsabihan ako ng kung ano-ano. Mukha ka namang panda kaya bumalik ka dito. HINDI PA AKO TAPOS SAYO!"

Falling inLUV with Mr. Chu Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon