Chapter 2: Sa hindi inaasahan (Judireen and Jaron's Point Of View)

1 0 0
                                    

Nasagasaan si Jaron. Hindi namin inaasahan na mangyayari yon. Sumakay ako at si Clark sa ambulansya kasama si Jaron na duguan at walang malay.

Pagdating sa Ospital. Agad na tinawagan ni Clark ung magulang ni Jaron gamit nung cp ni Jaron. Alam namin password niya. 0927 ung password, Number ng birthday niya. Hihihi.

Umiiyak nang dumating ang mama at ate ni Jaron.

"Judireen, Clark? Anong nangyari kay Jaron?" Tanong ng mama niya sa amin.

Kilala na kami ng mama niya dahil sa parati kaming tumatambay at nagpapaturo kay Jaron tuwing Exams at iba pa.

"Nasagasaan po si Jaron." Sagot ko.

"Jaron... Jaron..." Umiiyak si Tita Lyn.

" Tita. Kung gusto niyo po, ako na po muna magbabantay kay Jaron ngayong gabi."

"Huh? sigurado ka?"

"Opo, kahit papaano po kami po ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan si Jaron...

Hindi po kasi kami tumitingin sa dinaraanan namin kaya po...

Iniligtas kami ni Jaron...

Kung maaari po, patawarin niyo po kami." Hindi ko alam ang gagawin sa oras na yon pero...

"Wala kang kasalanan. Kabutihan ng loob ang ipinakita ng anak ko kaya nagkaganito...

Kung hindi niya kayo iniligtas, kayo siguro ang duguan ngayon...

Ang mahalaga ligtas siya... Kung gusto mo siyang bantayan..." Sabi ni Tita.

"Please, Tita." Pinilit ko si Tita.

"hmm. Ikaw bahala. Kung gusto mo talga siyang bantayan ngayong gabing ito. Magpaalam ka muna sa magulang mo." Sabi ni Tita. Pumayag na siya!

"Clark! patawag ka mama!"

"Huh? Sigurado ka ba? Sasamahan kita!" Naguguluhan si Clark sa mga nangyayari.

"Indi na! baka pagalitan ka ng ate mo kaya umuwi ka na."

"Hindi! kasama rin ako sa dahilan kung bakit nagkaganyan bestfriend ko. Sasama ako!"

Dahil sa kulit ng lalaking ito, Inapakan ko ung paa niya. Sigaw siya eh. 😂

"Umuwi ka na please. Bukas ka na lang ng gabi magbantay kay Jaron. Ikaw na bahala magexplain sa classroom kung anong nangyari. Please. Salitan na lang tayo sa pagbantay kay Jaron. Naaawa ako sa kanya."

"Kung yan talga ang kagustuhan mo. Sige, Ako na ang bahala. Mag ingat ka."

"Salamat, Clark... Kahit na loko loko ka, maasahan ka parin talga." Yinakap ko siya.

Pagtapos ay umalis na siya. pati magulang ni Jaron, umalis na. Naiwan kami ni Jaron sa loob ng Malamig at kulob na kwarto dito sa may ospital.

"Jaron... Jaron... Gumising ka na. Please..." umiiyak na naman ako. 😔

Jaron's P.O.V. (Before the accident)

Isang araw na naman ito. Ang tahimik ng bahay, siguro hindi nagaaway sila ate at nang asawa niya. Baka umalis nang maaga si Ate kaya ganun.

6am palang gising na ako, pero hindi agad ako bumabangon. pinapakalma ko muna ung sarili ko kahit na napakakalmado kong tao.

Pagbangon ko. Bumaba ako deretcho papunta sa kusina. Nalaman ko na ako na lang pala mag-isa dito sa bahay na 'to.

Kumain ako mag-isa.

Locked In My Memories by:OtakuliousdjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon