[1] - First Day

3.8K 32 0
                                    

-1-

"Weh? di nga Thalia?! single siya?! seryoso?!" Sabi ko kay Thalia habang niyuyugyog ko siya.

"Oo nga! ang kulit!" Sabi naman ni Thalia habang umiirap sakin. hmf! ang bad talaga niya!

"Paano mo nalaman na single siya?" Pangungulit ko pa sakanya. hehehe.

"Paano? Zooey gamit gamit din ng utak pag may time ha? malamang nagtanong ako!" tss. ako pa ang hindi gumagamit ng utak? ako pa? psh! parang nagtatanong lang eh.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Thalia, oo nga pala, first day of classes namin ngayon sa bago naming school. galing kasi kami ng America ni Thalia at malay ko ba sa mga magulang namin at pinauwi kami dito sa Pilipinas, tapos nasa iisang bahay lang kami ni Thalia. saya noh?

"Eh ka ba kasi tanong ng tanong tungkol dun sa lalaking yon?" Tanong na naman sakin ni Thalia, hmm bakit nga ba? feeling ko na-love at first sight ako sakanya eh.

"Crush ko na kasi" Nagulat naman si Thalia sa sinabi ko at naibuga niya ang banana milk na iniinom niya. grabe naman 'to makapagreact.

"crush?! ang bilis naman ata?" eh ganon talaga eh. gusto niyo ba malaman ang buong istorya? ganito kasi yon.

~Flashback~

"Thalia! Thalia! eto pa oh." sabay lagay ko ng mga stick-o jars sa cart namin. nakapila na kasi kami sa counter at kailangan kong ipahabol ang pinakamamahal kong stick-o!

"Ano ba Zooey! ibalik mo nga yan dun! hindi naman natin yan kailangan eh." hmf! akala ko ba bibili kami ng pagkain, eh bat ayaw niya ng stick-o?

"Pagkain naman 'to ah!"

"Tanga! yung kailangan natin yung mga ingredients para sa pasta na gagawin natin! sige nga, try mo ihalo yung stick-o sa pasta!" hmf! parang bibili lang eh, hindi naman 'to mahal ah?

"aish! oo na, oo na." bat kaya pag sinabi ni Thalia na ayaw niya, ayaw niya talaga? nanay ko ba siya?

pabalik na ako sa pinagkuhanan k ng stick-o ng may humatak sa braso ko at kinuha ang stick-o ko, hala! baka mamaya magnanakaw 'to! eh paano ako hihingi ng saklolo kung nasa malayo si Thalia? ah! alam ko na! sisigaw nalang ako!

TUL---" bago pa man ako makasigaw ay tinakpan na niya ang bibig ko, pero infairness ang lambot at ang bango ng kamay ni kuya.

"hindi ako masamang tao, kaya pwede tumahik ka nalang?" sabi niya, at tinignan ko naman yung mukha niya. hmm, di nga naman siya mukhang masamang tao. tumango naman ako at binitwan na niya ang bibig ko, hay salamat! akala ko hindi na ako makakahinga eh.

"tara na?" 

"huh?" saan naman kami pupunta? tsaka kilala ko ba siya?

"tss." tapos ay hinatak niya ako at dinala sa pinakadulong counter, wala kasi masyadong tao doon eh. kinuha niya yung stick-o at inabot sa babae. ng mabayaran na niya yung stick-o ay dinala niya ako sa tapat ng counter kung saan nakapila si Thalia. wow ha? alam niya? stalker ko kaya siya? hihi.

"Kuya, thank you nga pala. ayaw kasi ako bilhan nung kasama ko ng stick-o eh." tapos nag-pout ako at yumuko, si Thalia kasi eh! nakakahiya tuloy. nilibre pa ako ng isang stranger.

"Hahaha! ang cute mo naman! ok lang yun, by the way. ano nga palang pangalan mo?" wow, for real? tinatanong ng isang poging nilalang ang pangalan ko? 

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon