[6] - She's back

672 19 0
                                    

-6-

Sabado ngayon, buti nalang dahil ayoko pang makita yung demonyong Sy na yun. Ibang klase rin mag-isip ng isang 'yun eh.

At nandito kami sa sala ngayon ni thalia at nanunuod kami ng tv, buti nga hindi na sya bangag ngayon eh.

"Zooey, hindi ko pa pala natatanong. Bakit ka ba atat na atat umuwi kahapon?" Akala ko ligtas na ako. 

"Kasi may ginawang kabaliwan si Sy." Kilala naman na siguro nya si Sy, paanong hindi? eh CAMPUS HEARTTHROB nga DAW 'yong kupal na 'yon.

"Sy?" Nagtataka nyang tanong, teka, base sa expression nya parang hindi nya kilala si Sy.

"Hindi mo kilala si Sy?" Kasi malay mo kilala nya pala di 'ba?

"H-hindi." Ohh, di rin pala sya pumunta kahapon sa gym kaya hindi nya nakita yung kabaliwan na ginawa ni Sy.

(Thalia's POV)

"Zooey, hindi ko pa pala natatanong. Bakit ka ba atat na atat umuwi kahapon?" Nakakapagtaka lang kasi kung bakit gustong gusto na nyang umuwi kahapon na nagpa-halfday pa sya, maka-uwi lang. May tinatakbuhan ba sya?

"Kasi may ginawang kabaliwan si Sy." Sy? Naririnig ko yang Sy na yan sa classroom eh, sino ba yan? Nakalimutan ko pangalan nun eh, basta parang narinig ko na 'yun eh. Tsaka bakit hindi ko pa nakikita yung mukha ng Sy na 'yun? 

"Sy?" Pagtatanong ko.

"Hindi mo kilala si Sy?" Zooey, magtatanong ba ako kung kilala ko yang Sy na yan?

"H-hindi." Parang may biglang nag-flashback ni apelyido sa utak ko, pero hindi ko sya maalala ng malinaw.

Sy, Sy,Sy, kailangan kitang makita.

Nagpaalam ako kay zooey na aakyat na muna ako sa kwarto ko dahil inaantok ako, Pero ang totoo ay mag-oonline lang ako sa facebook sa laptop ko.

At kung magtatanong kayo kung bakit ako bangag kahapon, dahil yung sa isang baliw na babae na ina-add ako sa facebook at minemessage pa ako ng kung ano-ano na hindi ko naman ma-gets.

-flashback-

Nasa kwarto ako ngayon at naglalaptop, trip ko lang. Ang boring eh. Si zooey kasi nandun na sa kwarto nya, natutulog na siguro 'yun

Nagfe-facebook ako ng may nagfriend request sakin, sino kaya 'to? binuksan ko yung notifications para sa friend requests.

Jam Kirsten Lawrence? Teka.. parang may naaalala ako sa pangalang 'to. Mahina kasi ako pagdating sa mga memorization, kaya eto ako mabilis makalimot ng pangalan =__=

Pero sige, ma-accept na nga. Pagka-accept ko sakanya ay naglog-out na din ako agad,

Pero nung makahiga ako ay naalala kong may gagawin pa pala ako sa laptop ko. Kailangan ko palang i-message si mommy na magpadala ng extrang pera dahil may pupuntahan akong concert. Ayoko ngang tawagan si mommy, ang mahal ng call overseas eh.

Pagkabukas ko ng laptop ko ay agad agad akong naglog-in sa facebook, i-memessage ko na sana si mommy nang may mag-chat sakin. Si Jam, yung nag-add sakin kanina.

Binuksan ko yung chatbox namin. At ngayon naaalala ko na si Jam, sya yung babaeng nag-chat sakin dati na nahuhulog na daw sa patibong nya si zooey, sino ba talaga sya ha?!

'hi Thalia Marcelle Santos' yan yung chat nya sakin, teka.. bakit nya ako kilala?

'sino ka ba, ha?!' nakakainis ang babaeng 'to ha, di nalang magpakilala agad.

'you'll know me soon' tapos nag-offline na sya. 

Pinatay ko nalang agad yung laptop at di na minessage si mommy, pinilit ko ring makatulog ng matiwasay pero di ko kaya dahil masyado akong naba-bother dun sa chat sakin nung baliw na Jam na 'yun.

-end of flashback-

Yun ang dahilan ng pagkabangag ko kahapon, di ko nalang muna poproblemahin 'yun. Huling chat narin naman namin siguro 'yun.

(Chase's  POV)

Ngayong nagbalik na sya, hindi ko alam kung magiging ok pa ba ang lahat.

-flashback-

Tinatamad akong pumasok ngayon, late narin naman ako nagising eh. May pinuntahan kasi akong party, party ng kaibigan kong si Zico. Ang totoo nyan, hindi lang ako at si Nico ang magkaibigan, may tropa kami, at apat kaming magkakaibigan. Si Nico, Ako, Skye, at si Zico. Magkababata kaming lahat. Si Zico ay ang party type ng lalaki, tignan mo nagpaparty lang kahapon. Si Skye naman ang playboy ng grupo, kahit sino sino lang ang gini-girlfriend nyan. Ako naman ang pinaka-matino sa lahat. Syempre ako rin ang pinaka gwapo samin. At si Nico naman ang pinaka masayahin at playful samin... dati, pero ngayon? Nevermind.

So ayun na nga, naisipan kong pumunta sa grocery ngayong hapon dahil gusto kong magluto, ewan trip ko lang.

Pero habang naghahanap ako ng butter ay may di ako inaasahang makita. At hindi ko gustong makita, kailanman.

Lumapit sya sa akin at ngumiti. Hindi ko gusto ang ibig sabihin ng mga ngiting 'yun. kakaiba.

'Hindi mo ba ako kukumustahin, Chase?' Nakaka-irita ang mukha nya.

'At bakit ko naman yun gagawin?' Mukha na syang nagpipigil ng inis, I don't care, magalit man sya o mainis sakin. wala akong pake.

'Ex ako ng bestfriend mo, di 'ba?' Oo, at ikaw rin ang dahilan ng lahat.

'hi, Jam. Ano ok na? ge,alis na 'ko' Hindi ko na matagalan ang pagmumukha nya, kailangan ko ng umalis.

Ang alam ko,  nandito ang babaeng matagal ng hinahanap ni Nico. Hindi sila pwedeng magkita.

-end of flashback-

Kailangan kong maunahan ang plano nya.

(Her POV)

Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito, ang mag-revenge at ang makuha ulit sya, gagawin ko ang lahat bumalik lang sya sa akin, at gagawin ko ang lahat ng paraan na pwede kong gawin makapaghiganti lang ako sa taong sumira sa buhay ko, sa amin.

Kailangan naming magkita ngayon. Tinawagan ko sya. Sinagot din naman nya agad.

"Hello?" sabi ko using my sweetest voice, yung boses na minahal nya dati, at ang boses na mamahalin nya ulit.

[H-hello?] Para syang kinakabahan, is it because of me?

"Can we see each other?" Hindi pa nya alam na nandito ako sa pilipinas, and i'm very sure of it na he'll love to see me again.

[How come? di 'ba nasa america ka?] I knew it.

"Nah, nasa pilipinas na ako, i just came here yesterday" I wish that he still loves me.

[Sige, we can talk, when?] His voice has full of excitement. I knew it!

[Tomorrow, afternoon] I want him back, again.

[Sige, susunduin nalang kita bukas.] Im excited to see him again.

"Ok, bye." Then I hunged up.

I want him back. And what I want, Is what I get.

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon