[4] - They meet again

757 24 0
                                    

-4-

"Ayoko nga! ang kulit kulit mo!" nakakainis na siya ha! kahapon pa sunod ng sunod saken yang Sy na yan, nangugulit kasi sya na kami daw ang partner para sa by partner project na ipapasa namin next next month.

"Ano ba kasi gusto mong gawin ko, mapapayag lang kita?" naiinis na tanong nya, wow ha! sya pa may ganang mainis!

"Wala! dahil never akong makikipag-partner sa isang kagaya mo!" Tapos ay nilayasan ko na sya, ughh. nakakainis sya.

Papunta ako sa locker room para kunin yung mga librong iniwan ko kahapon ng bigla akong harangan ng tatlong babae, ano'ng trip nila?

"Hoy nerd, ang lakas din ng loob mo'ng sigaw-sigawan si nico ah?" mataray na tanong ng isang babae.

"bakit ano ba'ng masama kung sigawan ko sya?" matapang na sagot ko, pero sa totoo lang natatakot na ako, 3 vs 1 ba naman.

"ahh, ganon. so sinasagot mo 'ko?" matigas nyang sabi. "Girls hawakan nyo sya." bigla naman akong hinawakan nung dalawang babae sa magkabila ko'ng braso. Ano bang problema nila?!

"Ano ba'ng problema nyo?! wala naman akong masamang ginagawa ah?!" bigla namang nag smirk yung babaeng nasa harapan ko. Bigla nya akong hinawakan sa may baba ko at binaon nya ang mga kuko nya sa baba ko.

"A-arayy!" mas lalo nyang diniinan ang pagkurot sa mukha ko, nararamdaman ko na din na nagsusugat na ito. 

"Dapat lang yan sayo! at ikaw? walang ginagawang masama? hindi mo ba alam na ang simpleng pagkausap mo lang sakanya ay isa nang malaking kasalanan?!"

"H-hindi ko--" nalasahan ko nalang ang dugong tumutulo sa labi ko na galing sa kanang pisngi ko, sinampal nya ako. ang sakit, pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Dapat lang sa'yo yan, masyado kang malandi! isa kang bitch!" tapos ay tinapunan nya ako sa ulo ng mango shake na nakalagay sa loob ng bag nya. Bwisit ka Sy, kung kailan kita kailangan na kailangan, dun ka pa wala.

"Sinong may sabing pwede nyo syang saktan?" nanlaki ang mga mata nila at tsaka nagmadali silang umalis.

Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. At feeling ko mas nagulat ako kesa sa pagkagulat ng mga babaeng nang-away sakin kanina.

"I-ikaw?" sabi ko habang nakatulala at nakaturo sakanya.

"Yep, it's nice to see you again." nakangiti nyang sabi. "Ay teka, punta muna tayo ng clinic para magamot na 'yang mga sugat mo, sayang ang flawless pa naman ng mukha mo." nahiya naman ako dun.

--

"Buti dinala mo sya agad dito, baka pag tumagal 'to mangitim pa yung sugat nya." sabi nung nurse sa kasama ko habang nilalagyan ng band aid yung baba ko.

"Ah, oo nga po eh." nakangiting sagot ni chase, oo! si chase :""> hindi ko nga alam na dito pala sya nag-aaral eh, tsaka ngayon ko lang rin sya nakita dito sa school.

"Oh ayan, ok na. mag-iingat sa sa susunod ha?" sabi sakin nung nurse, tumango naman ako at lumabas na kami ng clinic ni chase.

"Bakit ka ba nila, ginaganon ha?" tanong sakin ni chase. Nang dahil sa aroganteng sy na yun!

"Dahil kay Nico Parker Sy." medyo naiirita kong sabi, naiisip ko palang ang pangalan nya, naiinis na agad  ako.

"Dahil sa kaibigan ko?" tanong nya. t-teka....

"KAIBIGAN MO YUNG LALAKING YUN?!" eh ba't ang layo ng ugali nila sa isa't isa?!

"hahaha, para namang di kapani-paniwala." natulala nalang ako sa mukha nyang parang anghel nung tumawa sya, ughh ba't pati boses nya ang pogi?!

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon