[2] - Hate

1K 22 1
                                    

-2-

"IKAW?!" sigaw ko sakanya habang nakaturo at nanlalaki pa ang mga mata ko.

"Ms. Perez, may problema ba?" tanong sakin ni ma'am lyla at lumapit pa siya sa pwesto namin ni Sy.

"a-ah s-sorry po ma'am, nagulat lang po ako." sabi ko kay ma'am habang nakayuko, grabe-grabeng kahihiyan na 'to ah! kasi naman, yung lalaking arogante at yung lalaking pogi na medyo nakaaway ko sa may tapat ng bulletin board ay iisa! grabeng coincidence naman 'to.

"tumahimik ka na ok?" tumango naman ako bilang sagot. tinignan ko yung katabi ko, at mukha siyang tanga, habang ako dito hiyang hiya na, siya naman nakasub-sub lang ng ulo niya sa desk. arogante talaga.

Nung makabalik na si ma'am sa harap, kinuha ko nalang yung notebook ko at nagdrawing ng kung ano ano. Sobrang boring kasi, tsaka wala pa naman tinuturo eh.

20 minutes na ang nakalipas, at nakapag-drawing narin ako ng mga hayop, kagaya ng isda, manok, butterfly, ipis, daga, uod at kung ano ano pa---

"hoy, ano ba." kalmado kong sabi, ayoko ng sumigaw noh, first day na first day ang dami ko ng dalang kahihiyan. paano kasi, kinuha ni Sy yung notebook ko. 

"ang panget mo naman mag drawing" sabi niya pa saken, aba. siya na nga 'tong nakikitingin, siya pa 'tong may ganang manlait ng gawa!

"wala kang pake." sabi ko sabay hugot sa notebook ko, rude na kung rude, siya naman ang nauna eh, diba? hahaha. kaso sa kamalas malasan nga naman, hindi ko nauha yung notebook ko.

"oh talaga? wala kang pake?" kaya tinaas niya ang kamay niya, kaya mas lalong di ko naabot. argh! bwiset!!

'girl, tignan mo oh, si nerdy ang kapal ng mukha makipagharutan kay fafa nico.'

'ayy, oo nga noh? landi landi din pag may time.'

Nung marinig ko yung mga salitang yun, hinanap ko kung kanino nanggaling ang mga panget na boses na yun. at nakakita ako ng isang baklang palaka at isang negrang pusit na masamang nakatingin sa akin, so sila pala yun? psh. ang papanget nila.

"ui!! akin na kasi yung notebook ko!" pasigaw kong bulong sakanya. mamaya marinig na naman kami ni ma'am lyla eh, no way!

"wala kang pake diba?" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko, aarggh! binabawi ko na! ang panget panget niya! lahat! pati ugali, yung mukha yung buhok niya, basta lahat!

"binabawi---" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita sa ma'am lyla.

"class dismissed." huh? bat parang ang aga naman ata? anyways. kailangan ko munang makuha ang notebook ko mula sa panget na nilalang na to! pero bago ko pa man iyon hingiin sakanya ulit, ay bigla siyang tumayo at binato sakin ang notebook ko sa muhka ko, at umalis na siya. ang bait noh?!

--

"Grabe thalia! di ko siya kayang tiisin!" sabi ko kay thalia ng makarating kami sa canteen, sinundo ko pa kasi sya, paano section 2 kase sya.

"so?" mataray niyang sagot saken habang pumipila kami para makabili ng kakainin namin.

"thalia naman ee! nakaka-inis kaya yung ugali nun!" padabog kong sabi.

"umayos ka nga zooey, ang daming tao oh!" pabulong pero pasigaw niyang sabi.

"oo na." sabay pout ko.

"kakain ka ba?" tanong niya pagatapos kumuha ng pagkain. 

"hindi na, wala akong gana." nag-shrug lang si thalia at naghanap na kami ng mauupuan.

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon