Chapter One

37 0 0
                                    

Chapter One

Ako yung tipo ng babaeng mahilig sa gwapo. Ako yung tipo na hindi naman kagandahan pero choosy pagdating sa mga nagiging eye candy ko, na nagi-imagine na papatulan nila ang chakang katulad ko. Asa naman. Hindi fantasy ito, kundi reality.

Sa mga istorya, dapat chix yung makakatuluyan ng gwapo diba? Na yug mga bidang babae maganda, mayaman, edukada, heartthrob at kung ano pa. Mga katangiang wala ako. Kaya eto ako, hindi na ako umaasa sa mala-fairytale na lovelife. Siguro, darating din yan. Sabi nga sa Kalyeserye, hintayin ang tamang panahon para diyan.

Isa akong Accountancy student. Third year college na ako. Kaunting push nalang at malapit na akong maging CPA pero mukhang mahirap ang mga ite-take kong subjects ngayong second sem. Sana naman maging swerte itong Casio na calculator ko.

Ito ang unang araw ng second sem ko sa university na pinapasukan ko. Alam ko na ang room sa unang subject ko, malamang sa almost 3 years na ako sa school na iyon, maliligaw pa ako? Sa paglalakad ko papuntang school, nakita ko siya. Siguro sa mga eye candy or so-called crushes ko, siya ang apple of my eye. He's a cutie tapos ang tangkad pa. Medyo binagalan ko ang lakad ko para naman masulit ko ang moment na 'to. Aba madalang ko lang makita ang cutie na ito dahil grumaduate na siya last year. He was an Accountancy student but he didn't pass the board examination. Gusto ko ngang I-pm sa facebook para i-comfort pero naalala ko na hindi niya pala ako kilala at wala siyang pakialam sa akin so nevermind.

Okay na sana yung moment kung hindi lang niya nilapitan yung babae at niyakap niya, oh, girlfriend niya pala. Infairness, maganda si ateng. Maputi at chinita. Ngayon ko lang nakita yung girlfriend niya at ngayon ko lang sila nakitang magkasama. Bagay sila. Grabe, dapat ba akong magwalk-out? Ay wala nga pala akong right to do that so nilagpasan ko nalang sila at pumasok sa eskwela.

Sana land nalang ako, para ma-appreciate mo naman ako.

Unlike sa mga stories, I don't have friends na OA na sasalubong sa akin at sasabihing miss na nila ako. Duh. Kahit hindi kami magkita ng isang taon, they'll never do that hugging thing. Baka nga manlait pa ang mga yun eh.

" Yo! Huwag kang ngingiti, papangit ka lalo"

" Don't you ever say na you missed us, it doesn't suit you"

See?

" Chura niyo. Balita?" I said as I sat next to them. As usual, they're still my block mates, sabay nagpa-enroll e.

" Di kami dyaryo kaya wag mo kaming tanungin" Ito talagang babaeng ito. Ang sungit.

" Itong Crista na to. Kaya hindi ka nagkaka-lovelife e."

" Ikaw nga dyan wala kang progress sa mga nagiging crush mo kaya tigilan mo ako, Lianna"

" Tse"

So they're my friends. Ganyan lang ang mga yan. They're not that affectionate but I consider them as real. They're Crista, Mitch, Cleo and Trisha. Parang mga alien yan but I must say that I treasure them. Sila ang kasama ko sa laitan, kopyahan at kalokohan.

" Oy! Nakita ko si Joaquinn sa hallway kanina" Kita mo itong mga ito, mukhang mga walang pakialam. Palibhasa, sawa na sila sa pagkekwento ko sa mga eye candy ko.

" Pansinin niyo ako please" Great. Busy sila sa mga ginagawa nila.

" Ang ganda pala ng girlfriend niya, nagyakapan pa sila. PDA na kung PDA" Mukhang wala silang balak na pakinggan ako.

" You know what? Malabo na patulan ka niya"- Mitch

" Famous kaya ang girlfriend niya sa Facebook, over 700+ yung likes ng mga photos niya"- Trisha

Notice Me, SenseiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon