Chapter Four

28 0 0
                                    

-Lianna-

Ilang weeks na ang lumipas simula nang maging magkaibigan kami ni Blake. Sa mga panahong iyon, mas nakilala ko pa siya ng husto at mas lalo akong humanga sa kanya pero siyempre hindi ko ipinapaalam sa kanya na type ko siya, mahirap na, baka friendship over agad kami.

Kuntento na ako sa friendship namin. Masaya na ako dahil kahit dito man lang, napansin niya ako at tsaka malabong patulan niya ako, hindi naman ako asado para umasa.

Naipakilala ko na rin minsan si Blake sa mga harsh buddies ko at ayun, priceless ang reaction ng mga kaibigan ko. Sa gwapo ba naman ni Blake, hindi sila mapatulala.

Nasa Library ako ngayon at nagrereview sa Auditing. Midterm na namin mamaya. Ang haba naman kasi nitong chapter 5 ni Cabrera. Tapos may chapter 1 pa. Nako naman. Nawa'y pumasa ako.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

" Patabi ha? Wala na kasing available seat e"

" Uh..Sige"

Daebak. Ang ganda pala talaga niya pag malapitan. Hindi na ko magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Joaquinn.Magaganda talaga ang mga tipo nito. Buti nalang tinanggal ko na siya sa Eye candy list ko. Masakit lang sa mata kapag taken ang crushes ko.

Midterm week na kaya ang daming tao rito sa library.Mamaya 5pm pa naman ang exam ko kaya may 3 hours pa ako para magreview.

" Third year ka na?"

" Oo e"

" Ang galing mo naman. Hindi ba marami ang bumabagsak sa Accountancy?Goodluck sa exam mo"

May pagka-Feeling close din pala si Luna pero okay lang naman at least hindi siya yung tipong maganda pero snob.

Pero..

" Paano mo nalaman yung course ko? "

" Uh... Sa uniform mo?"

Oo nga no? Iba na kasi ang uniform ng Accountancy kapag third year, para na rin kasi yun sa OJT namin this summer.

" By the way, I'm Luna and you are?"

Inabot niya yung kamay niya sa akin.

" Lianna"

At nag-shake hands kami.

Friendly naman ni Luna. Sige na, boto na ako sayo para kay Joaquinn. Ipinapaubaya ko na siya sayo.

" Sige. Nagrereview ka pa yata. Goodluck sa midterm mo ha?"

" Salamat. Goodluck din sa exam mo"

" Thanks" she smiled.

***

" geez. Sakit batok yung midterm natin bes"

Sabi ni Crista habang ine-exercise yung leeg niya.

Truth. 4 hours straight ba naman kaming nakayuko? Talagang sasakit yung batok namin. Hindi lang batok ang masakit sa amin kundi utak, puso at kaluluwa namin masakit.

" Saang lupalop ng Universe nakuha ni sir yung exam niya? Ang daling ibagsak!" - Cleo

" Oo nga e. Hindi ko maintindihan yung ibang tanong kaya nilambang ko nalang yung iba e"

" Basta ayokong maging auditor." -Mitch

" Tara cost accountant nalang bes!" - Trish

At nagtawanan kaming magkakaibigan. Ang Cost Accounting kasi mas madali compared sa iba.

Move on nalang siguro kami. Papasa kami sa Audtheo tiwala lang.

Sabi nga ni Sir. Wag kaming tatawid pagkatapos ng exam. Mahirap na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notice Me, SenseiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon