Chapter Three

26 1 0
                                    

Chapter Three

-Blake-

" Pagbilan!"

" Saglit lang" Ako ang naatasan na magtinda ngayon, umalis kasi sila nanay at tatay kanina. Hassle din pala ang ganito, laging tumatayo para magbenta, maya't maya merong bumibili pero okay na iyon kaysa naman walang bumibili.

" Ano yu-" Si Lianna pala.

" P-pandesal, T-trenta pesos" Napansin ko ang pamumula ng mukha niya habang nakatingin sa... Sht, nakalimutan kong magt-shirt.

" Saglit lang ha?" at pumunta muna ako sa loob ng bahay para suotin yung shirt ko at saglit na tumingin sa salamin at nag-ayos ng buhok ko. Okay lang naman akong naka-topless kanina sa ibang taong bumibili pero bigla akong nahiya sa kanya. Pagbalik ko, nandoon pa rin siya at mukhang relieved na siya nang nakita na niya akong naka-shirt.

" Pasensya ka na ha? Ano ulit yun?"

" Wala yun, Pandesal, trenta pesos"

" Okay" Hinanda ko na yung binili niyang pandesal.

" Wala si manong Ernie?"

" Umalis e" Inabot ko na sa kanya yung pandesal at nagbayad na siya.

" Kaya pala ikaw ang nakatoka dito, sige, una na ako"

Teka.. may itatanong pa ako e.

" Ano!"

" Bakit?"

" Lianna, right?" She blushed. Cute.

" How did you--?"

" Facebook. I accepted the friend request."

" O-oh, In-accept mo na pala, hindi ko pa nache-check e.. S-sige" hindi siya makagtingin ng diretso sa akin. Bakit kaya?

" Nice meeting you, Lianna"

" Nice meeting you too, Blake" She smiled and ran away. She looks like a kid, a kid that turned me into a self-conscious man a while ago.

-Lianna-

Shemay! In-accept nga niya! Kilig to the bones naman ang lola niyo. Samahan niyo pa ng alive pandesals niya kanina nung naka-topless siya at yung conversation namin kanina. Lord! Thank you talaga. Ang agang blessing nito! Excited na akong i-chika ito sa mga harsh buddies ko.

First time ko lang siya naka-usap ng medyo mahaba, hindi pa rin ako makaget-over, tapos sinabi niyang nice meeting me, feeling ko, ang ganda-ganda ko. Feeling ko taob si Anne Curtis sa ganda ko.

Sabado ngayon kaya nasa bahay lang ako, thank God, we have no Saturday classes. Excited pa naman akong i-kuda yung nangyari kanina sa mga bruha, ayokong sabihin sa chat, alam kong isi-seen lang ako ng mga yun o kung hindi isi-seen, ookrayin nanaman nila yung pagpapantasya ko.

Gusto ko sanang pumunta ulit ng bakery pero katanghaliang tapat naman, baka naman magduda na sa akin si Blake kung pandesal ang lunch ko.

Blake.. Blake.. Blake..

Ma-stalk nga ulit, tutal friends na kami sa facebook, may access na ako para makita yung ibang pictures niya, kasi nung in-add ko siya, naka-private yung account niya, kaya DP lang niya yung nakikita ko.

At nakita ko ang mga photos niya, expectedly, famous siya sa facebook. Sa gwapong nilalang ba naman ni Blake? Excited na akong mag-save ng photos, mukhang mahirap nanaman pumili ng wallpaper nito sa dami ng photos niya. Ano kayang iwo-wallpaper ko? Lahat hot at gwapo, jusme, the struggle is real.

" Lianna Alexandria Lopez, baka gusto mong itigil yang pagpapantasya mo sa anak ni Ernie nang makakain ka na ng tanghalian?!"

" Ma naman! Nakakagulat ka naman po!"

Notice Me, SenseiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon