Chapter Two

33 0 0
                                    

Chapter Two

" Lia! Nag-facebook ka ba kagabi?" - Crista

" Saglit lang. Bakit?" In-add ko lang si Blake kagabi, Sadla, private account niya kaya hindi ko makita yung mga photos niya. DP lang niya na gwapo ang nakita ko. Ayun, wallpaper ko ngayon. Hihi.

Nandito kami ngayon sa library. Review kunwari kasi may quiz kami mamaya. Kapag magkasama kasi kaming magkakaibigan, walang nangyayaring matinong review, mostly, puro daldalan lang kami.

" Sabi na e, kaya pala parang wala kang alam e"

" Ano ba yun?"

" Sinorpresa ni Joaquinn yung jowa niya sa bahay nito. Nangharana siya te, may video pa nga e, anniversary ata" Kita mo ito, mukhang nang-aasar pa.

" Hindi ko na siya crush, Crista kaya yung trip mo na asarin ako, hindi na tatalab sa akin"

" Hindi mo na type kasi nakita mong legal na sila? Na na-realize mo na you're in a hopeless case?"

Direct to the point talaga itong si Crista, hindi lang pala si Crista, lahat pala ng kasama ko ngayon.

" Sort of. At tsaka I unfriended him on facebook so hindi ko rin makikita yung post niyang yun"

" Sus! Pabebe ka. Hindi ka naman kawalan sa friend list niya" – Mitch

Once again, my harsh buddies.

" Kaya pala seenzoned ka ni Yohann nung chinat mo siya"

" Ewan ko sayo" – Mitch. Crush niya kasi si Yohann, kapitbahay nila.

" Pero di ba naikwento ko na sa inyo si Blake, kanina bumili ulit ako sa bakery nila tapos siya ulit yung nagtinda, jusque feeling ko, tinapay na ang favorite food ko"

" Baka pandesal lang nung Blake yung gusto mo" – Trisha

" Hindi ko pa nga nakikita eh, pero ang gwapo niya sa DP niya sa facebook, in-add ko na nga kaso hindi pa rin niya ako ina-accept hanggang ngayon"

" Baka natakot sa picture mo?" – Cleo

" Hindi naman siguro, ang ganda ko kaya sa DP ko" Yun nga siguro yung pinakamaganda kong picture. Aba naka-ilang take din ako doon ha?

" Ilang patong ba ng filter yun? Sampu?" – Trisha

" Hoy! No filter yun ha!"

"Shhhh!" oops. Napalakas yata. Library nga pala ito.

" Hindi namin kasama iyan" – Crista

Baliw talaga ito. Umakting ba naman silang lumayo sa akin.

" Walang kopyahan mamaya ha?"

" Eto naman joke lang e best" – Mitch

" Wtf? Stop calling me best, too girly"

At nagtawanan lang kaming magkakaibigan. Nako, baka tawa na ang maisagot ko sa Advanced Accounting mamaya. Medyo nalilito pa ako sa Home Office and Branch Accounting pero sabi ng prof namin, ito pa daw ang pinakamadaling lesson sa Advacc2. Nako, nambabagsak pa naman ang prof naming na yun. Sana makapasa ako.

Nang matapos ang quiz namin na sobrang nakaka-haggard dahil sa sobrang hirap ay pauwi na ako dahil last subject ko naman na yun. Feeling ko mali ako sa lahat. Sa tuwing sasabak ako sa Accounting quiz, lagi akong walang confidence sa sagot ko. Sana pasado ako. Jusque, Third year na ako, I can't take na bumagsak pa ako.

Notice Me, SenseiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon