Chapter 2
"Hello new school ! Hello new uniform ! Hello new life !" Oha, ang ingay ko na kagad kahit papunta palang akong SCHOOL . Hihi .
Kung matatanong nyo kung bakit hindi na ako badmood dahil sa nangyari kagabi, ganto kasi yan..
*Flashback #2
Nakakainis ! Wala paring laman yung tyan ko hanggang ngayon ! "Magnanakaw ! Sumakit sana tyan mo kung nasaan ka man !"
Nakauwi na ko pero ang ingay ko parin. Takte kasi kapag nakita ko talaga yung kumag na yun sa school, papakainin ko yun ng bulok na pandesal kala nya.
Nung nasa tapat na ko ng pintuan ng bahay, kukunin ko na sana sa bulsa ko yung susi nang hindi ko makapa. Wait, kapa. kapa. kapa. Wala parin gash.
"Tengene, ang malas ko naman ngayong gabi !!! Mamatay na sana kumuha ng susi ng bahay !!"
Sa sobrang inis ko, gusto kong sipain yung pinto- "SHET ! Andyan ka lang pala sa doorknob bakit hindi ka magsalita dyan !! Haynako !" (sisihin nyo si author sa katangahan ko, sya gumawa nyan eh.)
Aargh. Ang tanga ko, naiwan ko pala yung susi. Nababaliw na ata ako. Gusto kong mambugbo-ay hindi, iiyak nalang ako. Para lady-like. Haha.
Pagbukas ko ng pinto, actually sinipa ko sya. May nakita akong envelope sa sahig. Tinignan ko yung likod .
"From Red M. High .... Mga taksil ! Mga traydor ! Salbahe kayo ! Huhuhu !" Binato ko agad yung envelope, pero dinampot kon rin agad. Eh gusto ko lang naman mag emote.
Nung binuksan ko na yung envelope, baka may lamang pera pangkain man lang. Pero wala.
Walang laman na pera ..... wala ngang lamang pera ..... AHHHHH! GUTOM NA GUTOM NA KO ! TINGINI TAG GUTOM BA NGAYON ?! NGAYONG ARAW BA TALAGA KAILANGANG DI KUMAIN ?!! HUH ?! SUMAGOT KAYOOOO !!!
Argh. Basahin ko na nga lang ... Ano ba naman to puro bura . Haha. Ang papanget ng sulat nila . Lahat nga sila nagsulat dito ...
Yanyan , Are you doing alright ? ... (Leche, wag mag English nakakadugo ng utak !) Kahit ilang araw ka palang wala dito namimiss ka na agad namin. (Ano ka ba ? Dapat nga english kasi magaaral na si Yanyan sa magandang school!)
Letter ba talaga to ? Parang ginawa lang nilang conversation paper ah?
Gusto sana naming mag sorry ng personal pag pasok mo sa school kaya lang ang sabi samin nagtransfer ka na ... (Mamaya paguwi naten, tambay muna tayo sa may Arcade Plus ah!) Nung nagpunta naman kami dun sa bahay nyo, wala ka na raw sabi ng papa mo. (Wag nga kayong singit nagsusulat ako !)
Ano ba naman to ?! Kailangan ba nila isulat din dito yung mga pinagusapan nila ? Takte naman oh . Naiinggit tuloy ako .
Pinaliwanag sa amin ng papa mo kung bakit ka nya pinalipat .. (Sige punta tayo dun ! Magluluto muna ako para may pagkain tayo !) Sorry, kasalanan pala namen.. Pangako, di na kami masyado makikipagaway dito .. (Bwiset ! Ano ba ! Ako sunod na magsusulat wag kang singit pumila ka ng maayos !) Kaya Yanyan ... Susuportahan ka namin kahit malayo tayo sa isa't isa . Kaya mag-aral kang mabuti dyan . WE LOVE YOU ALL OF YOU.
Awwww. Mahal ko rib kayong lahat mga tropapips ! Kahit ganyan yung huling sentence.. "MAHAL KO PARIN KAYOOOO!"
*End of Flashback
So yun na nga. Kinikilig ako sa mga ka tropa ko hanggang ngayon at lalo akong kinilig nung nakapasok na ako sa gate ng aking NEW SCHOOL . Haha .
Teka saan ba yung bulding ko ? Magtanong na lang kay ak-"GROOOOOWL"
Arggh. Gutom pa rin pala ako. Nahihilo pa ako. Di ko na namalayan na tumumba na ako at nawalan ng malay.
Nagkaroon na ko ng malay nung nasa clinic na ko. Tapos tinanong ako nung school nurse namin na napakaseksi kung anong year na daw ako at kung saang building at room.
Tapos pina hatid nya ako dun sa may assistant nya ata papuntang room kasi same building naman daw ang kung nasaan ang clinic at room ko.
"Ikaw pala yung bagong transfer student, so nakita mo na ba ang mga kaklase at Adviser mo ?" Kausap ko ngayon si manong assistant .
"Ah hindi pa po. Nawalan na po kasi ako agad ng malay bago pa ko makapunta sa building na to eh ."
"Ang sabi ng nurse, hinimatay ka daw dahil wala ka pang nakakain. Hindi ka ba nag almusal hija ? "
Ah. Oo nga pala ... "Uhmm. Fuentabella okay ka lang ? " Dahil sa lalaking yun gutom pa rin ako hanggang ngayon .. "Uy Fuentabella.. " Lagot talaga sakin yung tukmol na yun .
"Fuentabella !" Ay, nakalimutan ko sya. "Sorry. "
"Papunta na dito yung Adviser nyo oh. " Huh? Emeged, baka hot babe yung teacher !
"Good morning Mr. Villegas." Ah. Sir Villegas pala, mabati nga rin...
"Ah. Good morning Sir Ville-" Eh ?! "Good morning Eli Yanna Fuentabella . Nice to meet you ." Yung pamatay nyang ngiti ginawa nya na naman !
Ang aking Adviser na makakasama ko buong school year at ang kumuha ng hapunan at dapat baon ko ngayon ay iisa ! Wala ba talaga akong pag-asa na maging normal at ordinaryo ang buhay ko ?!
~~~~~~~~~~~~~~~~
So yeah . More ice cream and chocolates !
Follow.Vote.Comment. XoXo
BINABASA MO ANG
I Want A Normal Life! (On-going)
Teen FictionIto'y katangahang isip lamang at napagtripang i-type ng walang magawang Author na naglalaman ng Flashbacks, katangahan, mga poging lalake, walang kwentang basagulero na teacher, Assasin, kontrabidang Student Council, Leader ng isang gang na mahilig...