MAChapter 19: Physical Training 1.2

19.8K 606 12
                                    

Green POV

Isang linggo na nag nakalipas simula ng mangyari ang mga bagay na iyon. Sa araw na ito ay pinagsama-sama na ang lahat ng estudyanteng natira sa pagsasanay tungkol sa 'feelings'. Hindi na kasama yung mga sumuko na. Hindi ko din kasama sila Winwin at ang iba pa dahil kailangan ay kasama pa rin namin ang ka-grupo namin katulad nung nakaraang pagsasanay.

At Ngayon na nga, sasabak naman kami sa pagsasanay na ang hatid ay sakit sa katawan namin.

Ang Physical Training.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagamit natin ang atng kapangyarihan. Minsan, nanghihina tayo at nauubusan ng lakas na nagsa-sanhi upang tayo'y hindi makagamit ng kahit anong mahika. Minsan naman ay may mga magic spell na pwedeng gamitin upang ma-deactivate ang isang kapangyarihan ng isang salamangkero. Kaya nararapat na marunong din tayong lumaban ng wala ang ating mga kakayahan. Kailangan, marunong tayong gumamit ng iba't ibang sandata upang maproteksyonan ang ating sarili.

Sa pagsasanay na ito, sasanayin namin ang inyong lakas ng pangangatawan. We will help you to enhance your strength, agility, flexibility, speed and balance. Also, in this training, malalaman niyo kung anong armas ang nararapat na gamitin ninyo. Kung short range or long range ba ang nararapat sa inyo. Now, gusto kong kuhanin ninyo ang magugustuhan nnyong armas mula sa mga ito. Tandaan ninyo na may mga armas dito na malakas at hindi pwede sa mga estudyanteng katulad ninyo. Kapag sinubukan ninyong gamitin ito ay pwedeng hindi niyo ma-kontrol ang paggamit nito. Alam kong delikado ang mga armas na iyon pero isasama na rin namin dito dahil baka, malay niyo, sa inyo pala nararapat ang armas na iyon. " sabi ni Mr. Keiko at tinanggal ang telang nakapatong sa isang napakahabang lamesa.

Bumugad sa amin ang iba't ibang armas. Tulad ng bow and arrow, katana, spears, cross bow, long swords, Stilettos, Poignards, may iba't ibang klase din ng baril at Blunt hand weapons at madami pang iba.

Naghiwa-hiwalay muna kami nila Megan at ng iba pa. Kailangan naming pumili ng isa sa mga armas na iyon sa mesa sa lalong madaling panahon. Dahil baka maubusan kami ng oras. Ang dami pa namang armas na nakikita ko.

Nagtingin-tingin ako sa mesa. Kung iisipin ay mas magaling ako sa pangmalayuan, napatunayan ko yun tuwing hinahagis ko ang mga patalim ko na gawa sa halaman tuwing nakikipaglaban ako. Pero near sighted ako kaya minsan lagi akong nagkakamali. Tinuruan na din ako ni ama na gumamit ng pana pero lagi akong sablay. Siguro ay Kaya mas mabuti pa sigurado na pang- short range ang kuhanin kong armas. Kadalasan ay ang gusto ko ay maliliit na kutsilyo tulad ng Stilettos .Pero ngayon, parang mas gusto kong gumamit ng espada. Ewan ko, feel ko lang. Para maiba naman. Para may matutunan akong iba.

Pero ang problema ay wala akong alam tungkol sa iba't ibang klase ng espada. Tiningnan ko ang isang seksyon ng mga espada. Kinuha ko ang pinakamahabang klase ng espada na nakita ko duon sa mesa. May pangalang nakalagay duon sa baba. Ang tawag duon ay Plioargos. Para lamang siyang simpleng samurai.

Eto na lamang ang gagamitin ko. Bahala na. Sana ay magtagumpay ako.

Tinanggal ko ang balot ng Plioargos na kinuha ko. Bumungad sa akin ang isang napakatalas na espada. Napalunok pa nga ako dahil kitang-kita dito ang repleksyon ng mukha ko. Okay na 'to. Ipanalangin ko na nga lang na hindi ako makapatay at hindi ako masaksak ng bagay na ito.

Maya-maya pa ay tinawag na kami sa training field. Makikita sa training field ang dalawang (parang) stage na hugis bilog. Malawak ang bawat stage na iyon. Hindi ito ganun kataas. Siguro ay mga hanggang tuhod lamang namin ang taas. Sa pinaka-unahan ng dalawang bilog na iyon ay may flag. Yung isa ay kulay pula at may nakalagay na Short Rangers. At yung sa kabila naman ay kulay asul na flag na may nakalagay na Long Rangers. Ngayon ko lang nakita ito sa loob ng Akademya.

Mahicanism Academy: The Divine Wizard (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon