MAChapter 24: LEVEL UP!

15K 497 14
                                    

Green POV.

Pagkatapos ng laban ni Six at Toren, hindi muna ini-announce yung top 20. Dapat daw kasi kompleto lahat. Eh si Six at Toren naman ay nasa clinic. Kaya ayun. Pinabalik na muna kami sa mga kwarto namin upang magpahinga. Binigyan na din naman kami ng treatment ng mga nurse at doctor kaya ang kailangan na lang  namin ay ang magpahinga.

At ngayong araw... nandito na naman kami sa main ground ng Mahicanism Academy. Dahil ngayon na ia-annoounce yung top 20. Isa pa, para na rin malaman namin ang level namin. 

Hindi ko alam kung kasama ako sa top 20. Pero sabi nila Winwin, kasama daw ako. Kaya ako naman ay tuwang-tuwa. Grabe, akalain mo yun? Ako? napasama sa top 20? HAhaha! Ang galing ko talaga.

Nakita ko na rin si Toren at si Six kanina. Okay na sila pero pansin kong hirap pa silang kumilos. Masakit pa siguro ang katawan.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang announcement.

"Good Morning, Students! Ngayon ay malalaman na natin kung sino- sino ang mga top 20 sa taong ito at ang mga estudyanteng, may posibilidad na makausap at makasabay sa hapunan ng King at Queen ng Macantria. Sa pagkakataon na din na ito ay malalaman na ninyo kung anong level na kayo. Alam kong yung iba dito ay matataas na dahil matagal na akyong students dito sa Mahicanism Academy. So wish ko ay mas tumaas pa iyan.  So ano, handa na ba kayong malaman?" magilaw na wika ng isang babae. Hindi ko siya kilala pero pamilyar sa akin ang mukha niya.

Nagsigawan ang lahat. Nakisabay na rin ako. Hehe, trip ko lang.

Nagulat ako ng lumitaw sa harapan ko ang isang gemstone. Yung ibingay sa amin nuong nasa training pa kami kay Ms. Moira. Yung dating kulay Gray na gemstone ay naging kulay Gold. Ibig sabihin...

Ang Gray Gemstone ay nangangahulugang 15 - 20 na ang iyong level. At tinatawag namin ang level na ito as Beginner's level. Ang mga estudyanteng may taglay ng level na ito ay pwedeng makatanggap ng Mission. Ang Normal Leveled Missions.

Ang Red Gemstone ay nagsasabi na nasa 20 - 40 level ka na. At tinatawag naman namin ang level na ito as Initial's Level. At sa level na ito, maaari ka na makakuha ng Mission. Ang Normal Leveled Missions.

Ang Green Gemstone ay nangangahulugang nasa 40 - 60 level ka na. Tinatawag naman namin ang level na ito bilang Junior's Level. Sa level na ito, ay maaari mo ng makuha ang Hard Leveled Missions. At maari mo rin itong matapos.

Ang Gold Gemstone naman ay ibig sabihin na ikaw ay nasa 60 - 100 na level ka na. Tinatawag ang ganitong level biang Senior's Level. At sa level na ito ay maari mo na makuha ang pangalawa sa pinakamahirap na Missions sa buong Macantria, ang Elite Leveled Missions.

At ang huli naman ay ang unknown Level. Wala pang nakakaalam kung anong kulay ng gemstone ang maaring maipresenta. Dahil wala pa kahit isa sa kasaysayan ang nakakakuha ng ganung level. Ang Unknown level na tinatawag ay kapag nasa 100 pataas na level ka na. At ang mga estudyanteng makakakuha nito ay ang ipinapadala upang tanggapin ang Pinakamahirap na Mission sa buong Macantria, ang Heroes Leveled Missions. Tinatawag din ang Unknown level bilang Heroes Level.

Pinaliwanag na sa amin ang mga level - level na iyan noong nakaraan. Nanlaki ang aking mata ng mapagtanto ko na between sixty at one hundred na ang level ko. 

Napatalon ako dahil sa saya at excitement. Grabe! Ang galing ko na talaga hahahaha. LEVEL UP!!!

May lumabas na projection sa harapan namin kaya napatingin kaming lahat duon. Nanduon lahat ng mga pangalan ng estudyante sa Mahicanism Academy. Iyon yung list kung anong level na talaga kami. Nakalagay duon ang specific na level namin. Halos lahat ay nasa forty pataas hanggang sixty. May lumalampas din ng sixty pero hindi lumalampas sa sixty nine. 

Mahicanism Academy: The Divine Wizard (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon