MAChapter 37: The Mission (Vermin)

15.7K 502 33
                                    

(A/N: Hello there, DARK_PheoniX14! This chapter is dedicated to you. Nakakatuwa ang mga comments mo haha. )


Green POV

"Saan tayo kukuha ng impormasyon?" mahinang tanong ni Layla sa amin.

"Hindi ko alam. Siguro naman ay may makukuha tayong impormasyon dito kahit hindi na tayo magtanong." sagot ni Tessa.

"Kailangan lang natin maging alerto at obserbahan ang mga nangyayari dito." sabi naman ni Lucia.

"Mga kawal." napatingin kaming lahat sa tiningnan ni Toren.

May mga kawal na naglalakad sa gitna ng daan. Nag- trasan at nag iwasan ang mga tao. Nakikita ko ang takot sa mga mukha nila habang dumadaan ang mga kawal na iyon. Madami sila at nakahilera sila sa dalawang hanay. May dala silang mga sandata tulad ng spears at broadswords. Seryoso ang mga tingin nila at minamanmanan ang kapaligiran. Bigla silang tumigil.

Walang umiimik na kahit sino. May kinuhang papel yung lalaking sa palagay ko ay lider nila. Binasa nito ang sulat.

"Makinig kayong lahat! Isang babaeng nag ngangalang Lea ang natagpuang patay sa kagubatan ng Dietros kaninang umaga. At sigurado na si Vermin na naman ang may pakana ng lahat ng ito. Nagpasya ang hari na gumawa ng kasunduan. Kung sino man ang makakapagdala sa salamangkerong ito sa harap ng Hari ay gagantimpalaan ng malaking halaga at magiging kaliwang kamay ng hari. Ang kailangan niyo lang gawin ay iharap ang salamangkerong pumapatay sa mga Dark Sorcerers sa bayang ito. Patay man o buhay." mahabang lintaya nito.

Nagkaroon ng panandaliang ingay sa paligid. Tumigil lang ito ng magsimula na muling lumakad ang mga kawal. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Vermin?" nagtatakang tanong ko.

May tumatakbong bata na biglang dumaan sa gilid namin. Parang may humahabol dito. At tama nga ako, may isang kawal na humahabol dito. Nagulat ako ng tanungin ako ng kawal.

"may nakita ba kayong batang babae tumatakbo?" matigas ang boses nito.

Itinuro ko ang maling direksyon habang nakayuko ako. Tumakbo na muli ito papunta sa direksyon na tinuro ko.

"Habulin natin yung bata." sabi ko. Tumango naman sila.

Naglakad na kaming lahat at sinundan yung batang tumatakbo. Nakita naming tumatakbo ito papasok sa isang eskinita. Sinundan namin siya.

Nang makita niya kaming sinusundan siya ay bigla siyang lumuhod at umiyak. Napatigil kami.

"Parang awa niyo na po! Huwag niyo po akong sasaktan! Sasabihin ko na lang po ang nalalaman ko!" paulit- ulit na sabi nito habang umiiyak.

Napabuntong- hininga ako at nilapitan siya. Napaangat ito ng tingin at parang nagulat ito ng makita niya ang mukha ko.

"Huwag kang mag- alala. Ligtas ka na. " marahang wika ko.

"S- sino po kayo?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang pisngi niyang puno ng luha.

"Mga salamangkero kami na hannda kayong tulungan." sabi ko sa kanya.

"Sinabi niyang may alam siya diba?" tanong ni Diego.

"Hello, bata. Since iniligtas ka namin, pwede bang sabihin mo lahat ng nalalaman mo?" sabi ni Sophia.

"Huwag dito. Baka may makakita." sabi ni Toren. Tumango kaming lahat.

"May a- alam po akong tagong lu... lugar." sabi ng bata.

Mahicanism Academy: The Divine Wizard (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon