Mensahe ni Daemin sa mga Dreamers

14.6K 347 47
                                    


Dear Dreamers, 


Sa wakas! Tapos na po ang kauna- unahang story ko sa wattpad  horay! *sabog confetti* .  Hindi ako makapaniwala na nakatapos na ako ng story sa wattpad! Kasi everytime na gumagawa ako ng story hindi ko naitutuloys so, I didn't expect this. 

Ano bang sasabihin ko? Nakalimutan ko tuloy... hahaha.

Sa totoo lang, I wasn't expecting na sisikat ng ganito ang story na ito. I wrote this story because of my dream. Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yung idea na 'yun. Maybe because I love watching Fantasy movies and reading fantasy stories. Napanaginipan ko lang ito nuong April 29 , 2015. Tandang- tanda ko pa 'yung date no? Hahaha. And the next day, naisipan kong gawin iyong story sa wattpad so gumawa ako ng sarili kong account. At first, hindi ko muna ginawa. March 30, 2015 ako sumali sa wattpad. Nagbasa muna ako ng kung anong- anong kwento. The first fantasy story I read was, Charm Academy by april_avery. Sobrang nagandahan ako sa kwento ni Arilea Davis at Jett Forester. At iyon ang nagsabi sa akin na gawin ko na ang Mahicanism Academy: The Devine Wizard.  Wala lang, gusto ko lang i- share sa inyo. 1 year and 3 months na kaming magkasama ni wattpad hahah. 

So ang saya kasi sumikat ang istorya na ito. Isa itong tagumpay para sa akin. Pero, hindi ko makakamit ang achievement na ito... kung wala kayong lahat na nag- vote, comment at sumuporta sa kabaliwang story na ito (xD).  THANK YOU SA INYONG LAHAT DREAMERS!!!

Akala ko nung una, pangit ang story na isinusulat ko. But, nandyan kayo para sabihin sa akin na maganda ang story na ito. Yung mga vote at comments niyong nakakawiling basahin. Kapag malungkot ako, lagi kong binabasa ang mga comments niyo. Ang saya pala na may naka- appreciate sa gawa mo. Sobrang saya. Sobrang salamat talaga sabi ng puso't isip ko, lahat ng small at big intestine ko, ng mga lamang loob ko, isama mo na 'yung mga bulating laging gutom sa tiyan ko, salamat daw sa inyong lahat. Mahal ko kayo Dreamers!

Gusto ko ding pasalamatan ang mga taong ito:

Si Ate Myka na Bestfriend ko na nag- introduce sa akin ng wattpad. 

Sa parents kong pinabayaan na lamang ako sa pagbababad sa computer para makapag- update. Sumuko na sila kasi kahit anong gawin nila, hindi nila ako mapigilang magbasa sa wattpad hahaha. 

Sa lahat ng mga bagay na kulay Green. Dahil sa kanila, Green ang pangalan ni Green. 

Sa lahat ng mga story na nagbigay sa akin ng idea na gawing masungit si Toren. 

Si Ate Vhea na pinsan ko na patuloy na sumusuporta sa story ko.

Sa mga friends ko slash mga classmates ko ngayong highschool, salamat sa suporta ninyo. 

At syempre, sa utak kong maliit pero maraming laman. Thank you sa'yo! Dahil sa'yo nagawa ko ang story na ito. Mahal na mahal kita sabi ni Heart ko.

And of course, si God na nandyan palagi sa akin. 

Salamat ng marami mga readers ng Mahicanism Academy! Kung wala kayo, wala rin si CDan07 a.k.a Daemin at invisible siya sa mata ng everyone dito sa wattpad. Wala na akong masabi kundi thank you very much 1000x forever to infinity! 

Thank you again and I wish, suportahan niyo ulit ako sa new story ko na, The 5th Division. 

Sinong may tanong? Ah, ikaw? Sige, anong tanong mo? Ah okay, okay... 

May book 2 ba?  Well, WALA! Joke lang, 'di na kayo mabiro. Of course, meron pong book 2. BUT! Hindi na sina Green ang bida. Iba na po. Huwag kayong magagalit sa akin ha? Eversince po na ginawa ko ang story na ito, planado na po na gagawa ako ng book 2. Pero hindi na sina Green ang bida. Abangan niyo na lang ang pagbabalik ng Mahicanism Academy.

Ano ang facebook group ng mga stories ko?  Kagagawa ko lang po ng facebook group sa facebook. Dream's Stories po ang group name. Hindi pa po siya ganun ka- organize dahil bago pa lang. At hindi pa madami ang members. Kaya sana mga dreamers out there! Sumali kayo sa group na iyon. Salamat sa inyong lahat. 

Gagawa ba ako ng Teen Fiction or Love stories?  Opo. Gagawa ako. Siguro hindi muna ngayon. Pagkatapos na lang ng ibang on- going story ko. At saka, hindi ko pa ata kayang gumawa ng nakakakilig na Love story. Wala akong sweet bones sa katawan eh. haha so opo, gagawa ako but not now. 

Ano pa bang tanong niyo? Wala na? Oh siya, magpapaalam na ako. Si Mama kasi, tinatawag na naman ako. Babye guys! Love you all and thank you again. Please keep supporting me! Gusto ko pang sumikat hahah!

Babye na daw sabi ni Green at Toren. Magpapakasal pa daw sila at gagawa ng madaming baby hahahaha! 




Mahicanism Academy: The Divine Wizard (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon