Beginning

55 7 9
                                    


'RIIIIIIIIIING'

Pagalit kong hinampas ang switch ng alarm clock ko. Nahulog ito at gumulong sa tabi ng kama ko. Naiinis ako sa tunog niyan na bumabasag sa katahimikan ng umaga. Pasimula pa lang araw mo badtrip ka na. Tss.

Umupo ako at pinulot yung alarm clock. Bat ba ang aga? 5:30 pa lang ah? Sinong tao ang nagigising ng 5:30 ng umaga? 

Napasulyap ako sa kalendaryo. Nakita ko ang petsa ngayon na may nakaguhit na malaking ekis sa gitna. Lumakad ako papalapit sa kalendaryo kahit tinatamad ako bumangon o umalis sa malambot at kumportable kong kama.

"June 6, 20XX. Outbound Trip. 6:45 ETD." Binasa ko ng mahinahon. Sh*t! Fieldtrip nga pala namin ngayon. Bakit ko to nakalimutan? Siguro dahil sa pagod kagabi sa kakaimpake? O sa pagpupuyat ko kakanood ng anime at kakabasa ng manga? Wala na akong pake. Baka maiwanan ako ng bus. Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba para kumain ng almusal.

"Anak, ingat ka doon ha? Wag ka papagabi. Alam mo naman...." Patuloy akong pinagsasabihan ng nanay ko pero wala na ako pakialam. Kung hindi ako makasama, bale wala din yang mga sinasabi nya. 

"Ma, aalis na po ako!" 


"Ingat ka doon ha? Nagdala ka ba ng--"

Di ko na pinatapos si mama. Kaagad ako lumabas ng bahay at pumara ng sasakyan. Nang makasakay na ako, napatingin ako sa aking relo.

6:15. Malapit na ako.

Pagkatapos ng 25 minutes, nakarating na ako sa school.

 Imperium Mortis High School

Kaagad akong pumasok.

---------------------------

6:30 nang makarating ako. Nagsisipag akyatan na ang mga estudyante sa kani-kanilang bus. Hinananap ko ang bus ng aking mga kaklase nang may tumawag sa aking pangalan.

"Andrei! Aalis na yung bus naten ikaw na lang hinihintay! Wag paimportante pre."

Lumingon ako para makita si Aaron, kaklase ko at isa sa mga pinakamalalapit kong kaibigan.

"Sorry pre, napuyat ako kagabi kakabasa ng manga. San yung bus?"

Sinamahan ako ni Aaron papunta sa bus namin. Pumasok ako para makita ang apat ko pang tropa.

"Kala ko di ka na pupunta." Pabirong sabi ni Rein. Maliit si Rein, pero malakas. Parang mascot ng tropa namin. Medyo mataba kasi.

"Uy, aga mo pre ah." Bati naman sakin ni Loyd. Sya naman ay kasing-laki ko lang, pero mas matipuno sa akin ng konti. Ampayat ko kasi.

"Kala namin sa ibang bus ka sasakay. Hahaha!" Halakhak naman ng Twin Tower ng tropa namin, si Fonsie at Reanne. Pareho silang matatangkad at nagbabasketball kaya matitipuno ang mga katawan.

"Napuyat kase ako kagabi. Kala ko nga di ako aabot." na lang ang sinabi ko habang humahanap ng upuan sa bus. Nakakita ako ng upuan kaso sa bandang likod, kung san nakaupo ang pinakaayaw kong mga babae sa klase namin. Hindi naman sa galit ako sa kanila, pero sa lahat ng babae sa klase namin, sila ang pinakaayaw ko kasama.

Napaupo ako sa aisle seat  sa gitna ni Aaron at Rein. Mas okay na to kesa sa impyernong daranasin ko sa likod. Sinuot ko ang aking earphones at nagsoundtrip na lang nang magsimulang umandar ang bus.

Malamang nabanggit na ni Aaron ang pangalan ko pero magpapakilala ulit ako. Ako si Andrei. Graduating student ako ng IM High School at aaminin ko na sa inyo, hindi ako ganoong katalino. Di rin ako artistahin. Di rin ako athletic. Kadalasan ikinukumpara ko ang sarili ko sa mga extra sa anime na hindi nababanggit o hindi napapansin. Pero masaya naman ako dahil sa mga kaibigan kong nabanggit ko kanina. Kahit minsan, naglolokohan kami, alam namin sa sarili namin na matibay ang samahan naming anim.

A5ylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon