Trapped

36 6 0
                                    


"Oy Andrei sabay tayo kina Reanne!" Yaya sa akin ni Aaron.

Nang matapos ang pagsasalita ni Teacher Ryan sa reception room, kaagad na nagsama-sama kaming anim na magkakaibigan. Mas masaya pag ganon. Sakayan lang sa trip.

Di ako mapanatag kanina. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako, pero nakita ko na nilock ni Teacher yung pinto kanina. Hmm. Hindi siguro, baka masyado lang akong paranoid. Pero horror house? Talaga? Ano to? Sana di na ako sumama. Nanghinayang ako sa paggising ko ng maaga. 

"Wala namang nakakatakot dito." Sabi ni Loyd, habang nakakapit kay Rein. Tapang talaga ni Loyd. Hindi nga mukhang nakakatakot yung building. Parang isang malaking bahay lang na hindi na-maintain ng maayos.

Sabay sabay kami umakyat sa hagdan sa aming kanan. Napansin ko yung mahabang daanan sa tabi ng hagdan, na parang walang katapusan sa sobrang layo. Sa bawat tabi ay may mga pintuan at bintana na sobrang liit. Yung ibang pintuan sa magkabilaan ay bukas, yung iba naman sarado. Malamang may manggugulat sa mga sarado at may manghahabol sa mga bukas. Napaka-mainstream na kasi ng mga ganyan.

Nang nasa second floor na kami, isang mahabang daan din ang sumalubong samin, na napapaligiran ng magkabilaang pinto. Malamang nakakagulat to pero since horror house to, mangyayari at mangyayari ang gulatan. Hihintayin mo lang kung kelan.

Nag-uusap si Reanne at si Loyd kung dadaan ba kami sa daanang yon. Antagal nila magdebate, ayaw kasi ni Loyd, pero gustong gusto ni Reanne. Hinintay ko silang matapos. Dahil nakatambay lang kami sa balkonahe, naghihintay kung uurong ba o susulong, napatingin ako sa baba. Wala nang mga estudyante, nagkanya-kanya na. Naningkit ako saglit, at napansing may isa pang grupo na hindi umaalis. Sinuot ko ang salamin ko, at tumingin ulit pababa. Natira ang grupo ni Lee at mga kaibigan nyang mga brat at pahambog. Parang kausap ata nila si Teacher. Mga ilang minuto ang nakalipas, pumunta silang anim sa kaliwang hallway na punong-puno din ng pinto. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa di ko na sila makita. Palingon na ako para tanungin kung saan na kami pupunta nang makita ko si Teacher na naglakad papunta sa hallway sa likod ng fountain. Sinundan ko din sya ng tingin. Mukhang napatigil sya sa gitna, katabi yung fountain. Nakatitig lang ako sa kanya, kasi sya na lang ang tao sa baba. Umupo sya sa isang sulok ng fountain, nangunguyakoy. Parang di mapakali. Ilang segundo pa, kaagad syang tumayo, at naglakad papunta sa kaliwang hallway. Nakatingin ako sa kanya, at nagulat ako ng tumingin din sya sa aking. Nagtama ang mata naming dalawa ng ilang segundo at tumuloy sya sa paglalakad. Napaisip ako, anong iniisip ni teacher? Hah, baka gusto nyang takutin yung mga babae. Napakamot ako sa ulo ko nang bigla akong akbayan ni Aaron

"Men, tara na. Didiretso na tayo. Natalo si Loyd sa bato-pick." Pahalakhak na sinabi niya. Nagsimula kaming maglakad sa hallway na punung-puno ng pinto. Habang naglalakad, napansin kong nasa labas lahat ng lock. Hmm, ikinukulong? Ano? Kami? Ikukulong kami pag nakapasok kami. HAH, napakabasic ng ideya. Di nila kami maiisahan. Inalerto ko agad ang tropa.

"Mga tol, walang papasok sa loob, ikukulong tayo dyan kasama ng mga multo o kung anuman." Sumang-ayon naman sila, maliban kay Loyd, na parang takot na takot. Nakakapit sya kay Rein, halos punitin na ang damit sa sobrang tatag ng kapit. Natatawa na lang kaming lahat. 

--------------

Makalipas ang 15 minutes ng aming paglalakad, nagtataka kami kung bakit walang kahit anong nakakatakot sa building na to. As in, WALA. Totoo, medyo creepy kasi luma, pero wala na besides that. Naghanap kaming anim ng mauupuan at nakakita kami sa tabi ng isa sa mga pinto ng walang katapusang maze of hallways dito sa building. Napaupo kaming lima, at naiwan si Fonsie na nakatayo, dahil kulang sa space yung bench na inuupuan namin. Napasandal sya sa tabi ng pinto sa tabi ng bangko. 

"Pre, tingin nyo nakakatakot talaga to?" Mahinahong tanong ni Rein, na halatang pagod sa matagal naming paglalakad. "Tingin ko hindi, bumitaw na si Loyd sayo e." Bulaslas ni Reanne, na nagpatawa sa aming anim. Masaya kaming nag-uusap nang biglang kumalabog ang pintong sinasandalan ni Fonsie, na may para bang tumulak nito mula sa loob. Natumba si Fonsie, napaupo, at halatang nagulat.

"Nagulat lang ako. Hahaha." Palusot nya habang tinutulungan namin sya. Habang itinatayo namin siya, nanlaki ang mga mata nya, tulala sa hangin. Kaagad itong napansin ni Aaron. 

"Tol anyare sayo. Para kang nakakita ng multo." Tanong niya, natatawa, pero di nagbago ang mukha ni Fonsie, may halong takot at pandidiri ang mukha nya. Nagtataka pa rin kaming lahat nang bigla nyang itinaas ang kanan nyang kamay, at itinuro ang pintuan na nasa likod namin, nakabukas. Sa loob ay may lalaki, nakaunipormeng parang isang scientist, nakabitin nang pabaliktad, halos walang balat ang mukha, at sa tabi nya ay ang pinakanakakahindik na nilalang na di namin mailarawan ang itsura. 

Hugis tao sya, may mga mata ng ahas, na parang itinahi lang. Ang balat nya'y itim na itim, walang ilong, ang mga paa ay isang metro ang haba, ang mga kamay ay parang tagpi-tagping balat, nakahawak siya sa isang kutsilyo habang tinatalupan ng buhay, OO, BUHAY, ang kaawa-awang lalaki na nakabiting patiwarik, umuungol at nagmamakaawa para sa kanyang buhay ngunit nang makita namin syang binuksan ang kanyang bibig, wala na itong ngipin o dila, parang sapilitang binunot ang mga ngipin (may bakas ng dugo na umaagos pa sa mga lugar kung saan dapat nakalagay ang mga ngipin nya), at pinutol na dila. Nang makita kami ng lalaki, sinubukan nyang magsalita, pero walang lumabas na salita sa bibig nya, mga tunog lang. Tunong ng pagmamakaawa. Natigilan kaming anim. Di namin alam ang gagawin. Nang umatras ng kaunti si Fonsie, napatingin ang kadiring nilalang sa amin, at saglit na tumitig, sabay ngumiti. Ngiting LITERAL na umaabot sa tenga, at nakita ko ang mga ngipin nya. Nahulog ang iba, yung iba umuuga sa paghinga ng nilalang mula sa kanyang bibig. Naisip kong galing ito sa biktima nyang kaawa-awa. Di namin alam ang gagawin, pero nang makita namin kung paano niya putulin ang ulo ng lalaki nang walang pag-aalinlangan, isa lang ang pumasok sa utak naming anim, TAKBO!

---------------

"Nard, naiihi ako." Reklamo ni Hebe (aka: Jayvee) sa akin. Napakamot ako sa ulo. "Di pa nga tayo gaanong nakakalayo, banyo na agad gusto mong puntahan?" Naiirita kong tanong. Tumawa na lang sya. Dahil wala naman akong magawa, sinamahan ko syang humanap ng banyo.

Ako si Lenard, na buddy ni Jayvee, o Hebe. Matagal na kaming magkaibigan. Madalas ko syang kasama sa mga recognition, at naging kaclose ko sya kasi lagi kaming magkasunod sa ranking sa klase. Lagi syang 10th at ako naman ang 9th. 

Bumalik kami mula sa hagdan sa likod ng fountain pabalik sa reception room. Umikot ako ng tingin, naghahanap ng banyo o signage kung meron. Sa kasamaang palad, wala akong nahanap, pero may nakita akong maliit na mapa, na naka-laminate at nakapaskil sa pader sa tabi ng isa sa mga hagdan. Sa una kong sulyap sa mapa, tingin ko tama si Teacher, isa nga itong facility dati, dahil sa pangalan ng mga kwarto. Tinawag ko si Hebe upang tulungan ako sa paghahanap. 

"Hmm, ayon. Dun sa dulo ng left hallway beside the staircase daw. Tara na, naiihi na ako." Giit ni Hebe. Tumakbo kaming dalawa, baka kasi di na sya umabot. Nakakahiya naman na ang tanda na nya, naiihi pa din sya sa pantalon nya. 

Nang matanaw na namin yung mga CR, kaagad naming binuksan yung BOYS pero nakakandado. "N-Nard, di ko na kaya." Mahina nyang sabi. Kitang kita sa mukha nya ang pagpipigil. "Pre, sa babae ka na lang magCR. Magpalusot ka na lang. Tsaka nakalock naman talaga yung pinto sa Boys' CR e." Na lang ang sinabi ko sa kanya, na kaagad naman nyang ginawa. Sinamahan ko syang pumasok, at sa pagbukas namin ng pinto, di namin inasahan ang nakita namin. 

Si Teacher, balot na balot ng dugo, kinakamay ang mga lamang-loob ng wala nang buhay na katawan ni Lee. Sa pader sa likod nila, ang bangkay ng lima pa nyang kasama. At sa lapag, nakasulat sa dugo, NUMBER 5. 

Natigilan kami, at naihi na si Hebe sa takot. 

A5ylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon