Confusion

33 5 1
                                    


Di ko napigilan yung ihi ko sa takot. 

Tumambad sa harapan namin ni Lenard ang eksenang hindi namin mapaniwalaan. Di namin alam ang gagawin. Natigilan lang kami, tulala sa kahindik-hindik na pangyayaring di namin lubos akalain. Bumibilis ang pintig ng puso ko sa sobrang nerbyos. Walang nag-iingay sa aming dalawang magbuddy, nag-iisip ng next course of action, kung tatakbo ba o tahimik na lalabas. Nauna si Nard kumilos. Nagtiptoe sya paatras sa pinto, at dahan-dahang binuksan ito, ngunit nang mabuksan nya ito ng space na kakasya na para makalabas sya, biglang lumingon ang halimaw, at muntik akong maduwal sa itsura nito. Napalanghap ako ng hangin, itinulak si Nard palabas at sabay kaming kumaripas ng takbo sa mahabang hallway, hindi lumilingon, dahil ayaw na naming masilayan pa ang nakakakilabot na eksena na halos dumurog sa puso naming dalawa. Wala na akong naisip kundi maawa sa anim. Marami paring tanong ang nasa isip ko, pero ninais muna naming makalayo upang hindi kami maabutan. Kung tunay man o peke ang nakita ko, di ko sasayangin ang oras kong takutin ang sarili ko sa loob ng banyong iyon. Ilang minuto kaming tumakbo ni Nard nang marating namin ang Reception Area. Nagdesisyon kaming magtungo sa hagdan sa likod ng fountain, nagbabakasakaling makahanap ng mga estudyante at mabalaan sila sa kung ano ang nakita namin sa CR.

--------------

Nakatingin silang lahat kay Professor Sterben, maliban sa akin, na napaisip bigla. Napansin ko si Fonsie na nakatingin sa akin. "Aaron, anong iniisip mo?" Tanong niya sa akin. Umiling ako at nagkibit-balikat, isang paraan ng pasasabi kong wala, pero sa katunayan ay meron. Sinimulan long tanungin ang matanda.

"Sir, maari niyo po ba kaming tulungan?" Ang tanong ko sa propesor, na tumango ng dalawang beses. Nagpakilala siya, at nagkwento sa nakaraan ng pasilidad na aming kinaroroonan ngayon. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya, nakatitig, nag-iisip.

"Magpapakilala ako. Ako si Sterben Meunicklov, isang Russian Scientist, at may ari nitong buong building. Sa mga hindi maipaliwanag na circumstances, naisipan naming mag-engage sa human experimentation. Kung may nakita man kayong mga nakakatakot na nilalang sa labas, wag kayong mag-alala. Sila'y mga tao din, though sila'y mga mentally challenged individuals. Again, salamat sa pagpapalaya sa akin. Tutulungan ko kayong makalabas dito sa madaling panahon, pero ang kapalit ay huwag ninyong ipagsabi ang tungkol dito, maliwanag ba?" Pagdedetalye nya. Nagulat kaming anim, nagkausap-usap sa nakita namin kanina, at kung paano kami halos patayin ng halimaw na iyon. Nagkatinginan kaming anim sa huling tanong niya, at napasalita si Reanne. 

"Pero sir, may mga kasama pa po kaming mga kaklase. Pwede po ba namin silang hanapin bago umalis?" Tanong ni Reanne. "Si Teacher Ryan pa!" Sabat naman ni Rein.

"Walang problema. Sumunod lang kayo sa akin." Nakangiting sagot ng propesor.

Nagbaon ako ng lubid ng palihim. Alam kong may mali sa mga sinabi niya, di ko lang malaman.

Nang matapos naming tangalin ang mga harang sa pinto, sumilip muna kami sa maliit na bintana, tinignan kung may mga tao ba o kung ano na nasa labas. Nang masiguro naming wala, isa-isa kaming lumabas, at sinundan ang propesor.

Habang takot kaming naglalakad sa likod nitong matandang lalaking may alam ng mga pasikot-sikot sa lugar na ito, nagtanong ako sa propesor. 

"Sir, may halo ka po bang German?" Tanong kong pabiro, na siya namang tinawanan niya sabay sabi ng "Malayo ang Russia sa Germany, pero marami akong kilalang German." sabay ngiti. 

Sa 20 minutes naming paglalakad, nakarating kami sa isang Control Room. Ang buong kwarto ay naglalaman ng sirang mgacomputer at devices sa pagmomonitor ng mga experiment nila. Ang iba'y guumagana, ang iba'y hindi na. Marami akong nakitang datos sa mga computer. May isang microphone sa gitna ng mga computer. May mga kwarto din dito na may nakasulat na Prohibited, Failed at Storage.  Binalaan kami ng propesor na huwag mangialam sa mga aparato kaya sinunod namin siya. Bigla siyang napatayo, na para bang may naalala, at kaagad na nagpunta sa isa sa mga kwarto doon. Sinabihan niya kaming huwag basta-basta magbukas ng pinto bago siya umalis. Naiwan kaming anim, nag-iisip kung totoo ba itong mga nangyayari sa amin. 

Matagal-tagal nang wala si Prof. Sterben, nagdesisyon akong magkwento sa kanilang anim ng nakita ko sa isa sa mga computer.

"Seryoso to, kaya pala binabalatan ng experiments ng buhay ang mga biktima nila tulad nang nakita natin sa pinto sa tabi ng bench, ay dahil pwede nila itong gamiting disguise o camouflage. Nakita ko to kanina sa isa sa mga computer. Delikado din ang mga kaklase natin." Kwento ko sa kanila, na kaagad nilang ikinagulat. Gusto ko pa sanang magkwento nang matigilan ako sa pagsasalita dahil sa ingay na kumakalabog sa pinto papasok ng Control Room. Binuksan namin ito, at tumambad sami ang isang lalaking kulot ang buhok at puro tahi ang katawan, gumagapang at nanghihingi ng tulong, at sa likod niya,1 foot lang ang layo, si Professor Sterben,  iba na ang itsura, lusaw ang mga mata at nakangiti, isa sa mga pinakanakakatakot na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

----------

Simula nang magkahiwahiwalay kaming lahat dun sa Reception room, wala na kaming ginawa kundi magpicture, kasama ang bestfriend at buddy kong si Diana. Kasama ko din ang mga kaclose kong sina Charm, Nicole, Shanen at Maecy. Since minsan na lang magsama-sama dahil sa club at varsity, minabuti naming kumuha ng maraming litrato. 

Nagtungo kaming anim sa taas, second floor, at nagsimulang magsigawan. Di namin mapigilan, ang tahimik e. Wack kase kame, sobrang kulit naming magkakatropa. Paikot-ikot lang kami sa corridor at pakatok-katok sa mga pinto. Sinubukan kong magbukas ng isa, at sumalubong sakin ang amoy ng patay na daga. Wala akong makita sa sobrang dilim. Tinawag ako ni Diana.

"Jeanilla, ano ginagawa mo dyan?" Tanong niya.

"Uhm, wala. Binuksan ko lang tong pintuan na to." Sagot ko naman. "Wala namang laman, ambaho lang."

"Simbaho mo? Hahahaha" Bulaslas niya, at tumakbo papalapit sakin para makitingin din kung anong nasa likod ng pinto.

"Mas mabaho ka, hoy. Hahaha." Tumabi si Diana sa akin, at napatakip ng ilong sa sobrang baho ng pinto.

"Ano ba to? Teka nga." Kinuha niya yung phone niya para magflashlight. Nang maitutok niya ang phone niya sa loob, kinilabutan kami sa takot at napatili. Halos masuka ako sa nakita naming dalawa. Nagsisi ako kung bakit ko pa binuksan ang pinto. Di ko nasikmura at dumuwal na ako, na kumuha sa atensyon nang iba ko pang kaibigan. Lumapit sila kay Diana, na nakatitig lang, takot, hindi makagalaw, nangingilid ang mata, at nakita din ang nakakasindak na senaryo na nagpatili sa kanilang apat.

Ang grupo ni Lee, tapias lahat ng kamay at paa, walang lamang-loob at bukas na bukas ang tiyan. Patong patong ang kanilang mga bangkay na parang mga hayop sa isang Slaughterhouse. 

Naiyak kami at nagtaka habang isinara ng mahina ang pinto. 


A5ylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon