Truth

32 6 3
                                    

"Lee, sama na kayo samin! Sabay sabay na tayo.

Lumingon ako, at napatingin kay Caryl at sa buddy nya na si Caitlyn, kasama ang magbuddy na si Karen at Zyrille. Tinignan ko ang buddy ko na si Pamela. Mukhang okay naman sa kanya kaya kaya sumunod na kami.

Ahem, Let me introduce myself first. Ako si Lee, ang pinakasophisticated na babae sa class namin, and needless to say, sa buong campus. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero, ako din ang pinakamayaman at pinakamaganda sa klase namin. No one can match my beauty. Syempre, full support naman sakin ang mga bff's ko, which is yung mga kasama ko ngayon.

Naglalakad kami sa parang highway na medyo near sa airport kasi nababakuran yung both sides ng barbed wires. We broke the lines para makapag-usap usap kaming magkakaibigan. 

Habang papalapit kami, nakakita kami ng isang signage na 500meters ahead. I grunted and complained to Teacher Ryan. Bat ang layo pa? I should've brought my car, you know?

After 15 minutes of walking, narating din namin yung destination, which is kind of disappointing kasi parang abandoned yung facility. Ang laki ng building, parang isang buong school, malaki pa sa campus namin, pero parang walang buhay. I was about to ask our teacher kaso naunahan nya ako nag magsimula syang mag explain.

"Guys, we're here. Sinabi ko kanina na pupunta tayo sa isang experimentation lab, pero hindi para matuto, kundi para matakot. You see guys, etong buong facility, which is abandoned, ay niremodel para maging isang horror house, and it's becoming popular lately. Naging tourist attraction na din to, pero today's different, kasi we made a reservation, so tayo lang ang customer nila ngayon!" Teacher explained excitedly, pero nakakapagtaka, bakit parang ngayon ko lang narinig to? Hmm? Madaming nagreact sa sinabi ni teacher. Madaming gustong magback-out, maraming G na G, maraming nagsising sumama pa sila, and I'm one of them. Magtatanong sana ako, kaso I was cut by my buddy, Pamela, who asked the question na napaisip lahat kami.

"Sir, bakit po di namin alam na haunted house pala yung pupuntahan? Sana po di na lang kami sumama." She makes sense, kasi ang corny na ng haunted houses.

"We hid that fact para sumama kayo lahat. Edi mas masaya, kasi kumpleto! Never mind the details, andito na tayong lahat, so let's enjoy ourselves, right?"

Parang no choice lahat, so we all agreed.

--------------

Pumasok kami sa isang malaking wooden door, na ang lakas ng tunog. Ang sakit sa tenga ng pagccreak neto. Nang makapasok kami sa loob, we surveyed the area. It looks more like a hotel, para sa akin, kasi yung ceiling ay may chandelier, though basag yung ibang ilaw. Sa gitna ng parang malaking reception room ay may fountain na walang tubig, sa magkabilang sides ng room ay may tatlong hagdan, one on the left, the other sa right at yung isa sa harap namin, sa likod ng fountain. At sa tabi ng bawat hagdan ay may corridor that seemed endless, with broken lights na nagbblink na lang. Sa tabi ng bawat corridor ay may magkakatapat na pinto, at sa bawat pinto ay may parang entrance ng aso. You know, yung nagsswing back and forth, kaso masyadong maliit para sa aso, actually flat yon, so di ko alam yung purpose. Probably para dun sa mga di na kaya so they can call for help when needed. Ang lapag ay carpeted ng pula, kaso faded. Hindi gaanong nakakatakot para sa akin, pero di ko pa nakikita yung buong building, so hindi ko pa alam.

"Okay guys! Simula dito, pwede na kayo gumala kahit saan. Pwede kayo dumiscover o magtaguan or whatever. Pero after an hour pa kayo pwede lumabas ha? Yung mga di kaya, magsabi sakin, okay?" Biglang salita ni Teacher Ryan sa megaphone, breaking the silence. After niya magsalita, pasimple nyang nilock ang pinto, masyadong halata, siguro tinetest nya kame. Hah! Hello? Sanay na ako sa haunted houses duuh? Pagtapos niyang magsignal na pwede na kami umalis, lahat ay nagkanya kanya na. Yung iba naggrupo-grupo, others ay nagstick sa buddy nila. Halos wala nang natira sa reception room kundi kaming anim na magkakaibigan. Nakaramdam ako ng pagkaihi, so tinanong ko sila kung pwede ba magCR muna kami. They agreed so we asked Teacher kung saan yung CR. He pointed to the left staircase. "Sa dulo ay may CR, pero makakapasok lang kayo kung kakayanin nyong hindi matakot. Hahaha!" Sabi ni teacher, which pissed me off. Di pa ako natatakot sa buong buhay ko. Let's see kung nakakatakot talaga tong facility na to.

A5ylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon